39: Merge with the Rebels

62 16 32
                                    


"You good now Princess?"

Matapos ang tatlong araw ay dinalaw niya ako sa kanyang silid na siyang aking tinutulugan. Nang harapin ko siya mula matapos makaupo sa higaan ay bumuntong-hininga ito.

"I know you're not fine." Tumango-tango ito. "Such a muttonhead." Kinatok nito ang ulo. "Dumb, yes?" Dugtong niyang muli.

Tinitigan ko lamang siya, sinusubukan niyang magbiro ngunit hindi ako makatawa.

"I've been thinking so much of Cyanna here— Cyanna there, Cyanna everywhere so—" Itinuturo niya kung saan ang kanyang daliri kung saan-saan. "I kind of forgot few things because I keep thinking about you." Pilit niyang binanat ang labi upang ngumiti ngunit nananatili lamang akong nakatitig rito.

"Still blazing mad? You can kill me— it's fine, I don't die anyway." Humakbang ito palapit sa akin. "May I princess?" Paghingi niya ng pahintulot upang umupo sa may paahan ko.

"Talk to me princess..." Namungay ang mga mata nito. "Here..." Inabot niya sa akin iyong sandatang pinagawa ko noon sa Vezemiedo, iyong gawa umano sa kalasag ng Rogomon. "I've been keeping your sword as a remembrance of my wife for betraying her." Humina ang boses niyang sinabi niya iyon. "You can use this to stab me, to assuage your anger."

Kinuha ko nga ang aking sandatang kanyang hawak.

"Are you really going to stab me? I'm just playing..." Napanganga ito nang itanong iyon. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at paglunok. "Okay— three stabs will do. You know I can still feel pain..." Nakangiwi nitong turan.

Huminga ito nang malalim at pumikit habang nakamuwestra na ang ang buong katawan sa akin at nakadipa ang kanyang mga braso.

Napupuno pa rin ako ng lungkot, takot, at pangamba ngunit hindi ko maiwasan ang mapangiti sa itsura niya ngayon.

Ngayon ko pa ba siya sasaktan kung napakalinaw na sa akin na kailanman hindi niya ginusto ang pagtataksil sa akin ngunit kailangan? 

Kung ako sa sitwasyon niya ay maaring iyon din ang pipiliin ko.

"Ouch!" Daing nito.

Napataas ang aking kilay dahil mahina lang naman iyong pag-untog ko sa kanyang ulo gamit ang hawakan ng aking sandata.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang napakahigpit. Nakaluhod ako sa kanyang harapan ngayon habang itinatago ang aking mukha.

"Huwag kang mamamatay Rain, ipangako mo sa akin..." bulong ko.

"I don't die Princess. Instead, you promise me to live no matter what," saad nitong tinanguan ko.

"Walang mamamatay," ulit ko.

"Of course. We still need to fulfill our plans of our babies, yes?"

Natawa ako sa sinabi niya at tumango. "Salamat... sa lahat Rain."

"Thank you princess for not resenting me forever."

Bakit ko naman gagawin iyon?

Sampung askar, si Vriveta, si Tiava at ang dalawa pang personal na kabalyero ni Rain, at ako ang pumasok sa portal na ginawa ni Vriveta upang kausapin ang mga nagbabalak na magrebelde sa master ng organisasyon.

Sa isang maliit na bahay na gawa sa kahoy ay sumalubong sa amin ang aking kasamahan sa organisasyon. Mga nasa dalawampu ang mga rebelde at mukhang handang-handa sila dahil sa dala nilang mga kagamitan.

Masama ang titig sa akin ng iba lalo na si Ralvar Kalvautri at nang mapunta naman ang tingin ko kay Tavar ay tinanguan niya ako na para bang sinasabing ito na lang ang natatanging solusiyon upang hindi lumawak ang digmaan.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon