Maraming plano ngunit hindi sigurado.
Iyon ang aking masasabi.
Sa bawat planong nabubuo namin ay mauuwi pa rin sa digmaan.
Walang sino man ang susuko nang hindi lumalaban dahil pangalan at karangalan ang pinangangalagaan ng hari kaya't hinding-hindi ito susuko.
"Oras na," sambit ni Tavar.
Napaligon kami sa kanya, lahat kami ay nakadungaw sa bilog na mesang kinalalagyan ng mga mapa at plano namin.
Tatlong oras na'y hindi pa rin sigurado kung magiging epektibo ang aming naiisip na mga plano.
Tumayo ako nang maayos at bumuntong-hininga.
"Kailangan na naming isakatuparan ang aming misyon at kailangan na naming bumalik," sabi ko, naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Rain sa aking bewang.
Nilunok ko ang sakit sa muli na namang paghihiwalay namin Rain, mapait ko siyang ngitian at hinawakan ang kamay nito.
"Vri."
Sa pagtawag ni Rain ay naririnig ko ang pagsusumamo roon ngunit inirapan lamang ito ng huli, na siyang nagpataka sa akin. "Okay, I'm not going to call you witch hag, just stop quipping with my Princess, please." Umayos sa pagtayo si Rain mula sa pagkakatukod ng isang siko nito sa mesa.
"I'm not old! I'm pretty, you dog!" sigaw ni Vriveta, ilang oras nang nakalipas ay hindi pa rin ito tapos sa kanyang hinanakit sa sinabi ni Rain.
"And don't call me dog, I'm your Ore," pagsagot naman ni Rain.
Nagkatinginan kami ni Tavar at parehong napabuntong-hininga.
"Tumandang paurong ba ang mga iyan?"
Sa tanong ni Tavar ay natahimik ang dalawa sa pagtatalo at tinignan nila ng masama si Tavar.
"You bully with a superiority issue, shut up!" sigaw ni Vriveta kay Tavar, napangiwi ako nang maalala ang kahambugan noon ni Tavar, pati ba iyon ay alam ni Vriveta?— nagtaas lamang ng palad si Tavar na parang sinasabing wala siyang laban roon.
"Aalis na kami ni Cyanna, abala kami para pakinggan ang pag-aaway niyo."
Hinila na ako ni Tavar nang sabihin iyon ngunit mas hinigpitan ni Rain ang pagkakahawak sa aking bewang kaya't hindi rin ako makaalis.
"Vriveta, come on, they need to go back—"
Naputol ang sinabi ni Rain dahil sa sigaw din ni Vriveta, "Fine!"
Nanlaki ang mata ko nang maglabas siya ng lilang usok sa katawan at biglang naging kamukha ko siya. Pareho kami ni Tavar na nanlalaki ang mga mata habang pati ang aking suot, tangkad at buhok ay nagaya niya.
"Let's go second prince of Kalvautri," yaya ni Vriveta na ngayon ay kamukha ko na at kaboses pa. Nakanganga lang si Tavar kahit noong makalapit na si Vriveta — ulit ay akong-ako.
"Anong—" hindi makapagsalita si Tavar, ganoon din naman ako.
"I'll be pretending as Princess Cyanna for today, I'll do the job for now and the dog wants to cuddle his master," pananaray ko— ni Vriveta.
"Vriveta you don't have respect to your Ore!" sigaw ni Rain ngunit pansin ko ang ngisi niya.
"Then respect me too—hey stop dragging me second prince— ouch! Stop it!" pagrereklamo ni Vriveta nang hilain na siya ni Tavar palabas ng aklatan.
"Tavar ang tawag sa akin ni Cyanna— umalis na tayo..." Naglalaho ang boses ni Tavar, iyon pala'y nag-bukas ng portal si Vriveta kaya't mabilis silang nawala.
BINABASA MO ANG
Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)
FantasiCyanna Mediore, a princess from the Kingdom of Mediore, has the spirit of a warrior. Women on their continent are only taught decency and art, but she's against this tradition, so she kept sneaking into the training house to learn sword-fighting. O...