CHAPTER 9

156 8 0
                                    

Ngayon ang alis namin papuntang probinsya, hindi ko din sinabi kila nanay na uuwi ako dahil surpresa ang gagawin ko sakanila.Hindi ko maiwasang kabahan at ma excite dahil finally makikita kona sila kahit sa sandaling panahon man lang.

"Okay naba lahat ng mga dadalhin mo babe?" Tanong naman ni Zyair

Tumango naman ako saka ngumti

"Wala naman na akong kailangang dalhin pa, marami akong damit dun ,ikaw yung mag dala ng damit,walang branded na damit dun sa probinsya namin" natatawa kong sabi habang sinusuklayan ang buhok ko, andito kasi sya sa kwarto namin ni Nanay Lusing dala dala ang mga bagahi

"Owz,,talaga lang ah"

"Aba oo ano, tapos saan ka nga pala matutulog?"

"Sabi ni nay Lusing dun daw ako matulog sainyo, kesyo daw anong gagawin natin,mabuti nalang daw at mag iingat" sabi nya habang nakasimangot

"Oh?Nakasimangot ka jan?"

"Gusto kita tabe matulog eh, si Manang naman, tsk!"

"Aba hayaan muna, wag ka ngang ano, wag mong itulad yung dito,doon sa probinsya ano" sabi ko pa...

Pagkatapos ng lahat ng gawin, dumeretso na kami sa kotse nya..

Tinulungan din namin si Nay Lusing sa gamit nya, tuwang tuwa pa sya eh makikita na daw nya yung apo nyang si Inday.

"Ilang taon na ngapo si Inday Nay Lusing?" Tanong ko habang nag bibiyahe, nasa front seat ako habang si Zyair naman ang nagmamaneho,,ang kaliwang kamay nya nakahawak sa manibela,ang isa naman ay nasa kamay ko,binibitawan ko lang kung iinom sya ng tubig..

Ala Una na ng madaling araw,sakto din pag dating duon eh alas syete na ng umaga,seven Hours kasi ang biyahe ,,  minadaling araw ang pag biyahe dahil bukas ng hapon kami babalik rito, two days and one night nga diba..Duhh...Naka upo si Nanay sa passenger seat ..

"Ahh katulad mo din, Dise otso na, pero matanda ka sakanya ng ilang buwan" sagot nya at tumango naman ako

Napahikab nalang ako dahil sa sobrang antok na antok ko pa..

"Babe, matulog ka muna," sabi ni Zyair

"Ayoko,para fair"

"A-Anong fair?"

"Eh kasi diba ang unfair naman kung matutulog ako rito tapos ikaw dyan mag pupuyat, ay hindi na uy," sabi ko sabay hikab.Naramdaman kong pinisil ni Zyair yung kamay ko kaya napatingin ako sakanya.Seryoso ang muka nya

"Matulog kana, ayokong mag puyat ka, mag papahinga nalang ako pagdating dun" sabi nya kaya tumango nalang ako at natulog habang hawak hawak ang kamay ko...

ENDLESS LOVE [COMPLETED]Where stories live. Discover now