Nagising ako at bumungad saakin ang puting kisame , agad kong pinalibot ang aking paningin nang mapagtantong nasa Hospital ako.
Sing nagdala sakin rito... ?
Pilit kong inaalala ang nangyari sakin. Saka ko naalala ang sagutan namin ni Zyair. Ang pag iyak ko , nang makita kong may kasamang babae si Zyair , ang pagtataboy nya sakin , ang pag iyak ko sa Elevator at ang pagkawala ko ng malay.
Napahagulhol ako sa iyak nang maalala ko iyon. Bakit kailangang mangyari sakin iyon.
Napahinto ako sa pag iyak nang nagbukas ang pinto at bumungad sakin ang isang doctor at babae at lalaki.
"Ay gising na sya" anang ginang na hula koy asawa nya itong kasama nyang lalaki.
"Kamusta kana Hija?" Marahang tanong ng lalaki
"Okay lang po, ilang oras napo ako rito ?" Tanong ko
"Dalawang araw kanang walang malay Miss Domiguez" ananng Doctor
"Hija, nakita ka namin ng asawa ko na nawalan ng malay sa tapat ng Elevator doon sa malapit na condong tinitirhan namin, nakita namin ang susi sa bulsa mo kaya iyong asawa ko nalang nagmaneho gamit ang sasakyan mo" ani Ginang at hinimas ang ulo ko
"Sa salamat po , pasensya napo sa abala, uuwi nako" akmang aalis ako nang may maalala ako "Bakit nyo alam ang apelyedo ko ?"
Bgumiti ang ginang sakin
"Isa ba namang Bilyonarya, eh hindi makilala" ani ginang
Ay grabe!!
"Hindi ka muna aalis Miss Domiguez , may mga dapat lang akong ibigay na gamot para manatiling healthy ang baby mo" ani doctor na ikinagulat ko
Para akong nabingi sa narinig ko.Ano kamo?Baby?
"A-Anong baby? Hindi ako buntis" naroon parin ang gulat saking mata.
Agad kumalabog ang puso ko nang maalala ko ang mga sintomas nyon. Yung mga cravings , yung nasuka ako , yung pagtaba ko , yung pagiging moody ko. May meaning pala iyong lahat. Buntis ako. Si Zyair ang Ama , na iniwan ako , na pinagtabuyan ako , na hindi ako mahal , na walang pakialam sakin...
May tumulong luha sa pisngi ko habang nakatunganga.
"Are you okay Miss Domiguez ? " tanong ng Doctor
"O-Okay lang po ako" i lied
Pinagpatuloy ang pagsasalita ng doctor pero hindi ako nakinig.Napabaling lang ang attention ko nang sinabi nyang ilang weeks nakong buntis.
Three weeks.
Three weeks nakong buntis. Ni resetahan ako ng Doctor at pwede nadaw akong umalis kaya aalis nako. Nagpasalamat ako sa dalawang taong tumulong sakin , huminto lang ako sa Pharmacy para bilhin ang mga gamot. Pero bumili rin ako ng pregnancy test baka nagkamali lang ang Doctor saka dumeretso sa parking lot.
![ENDLESS LOVE [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230134443-64-k13668.jpg)