CHAPTER 10

173 7 0
                                        

Minsan talaga hindi ko maisip kung ano ang pinag iisip ni Tatay.Naiistress ako habang tinitignan si Zyair sa Kamoteng kahuyan.

Pinabukad lang naman sya ng kamoteng kahoy habang tirik na tirik ang araw.Sinong mayaman ang gagawa ng ganyang kabigat na trabaho habang si tatay naman ang nag ga guide kay Zyair sa pagkuha.

Naiirita din ako dahil halos kababaihan rito sa lugar namin andito at nag titilian,sinong tanga ang manonood at chi cheer pa talaga si Zyair

Like..

"Ayusin mo yung pag bukad"

"Good luck"
"I love you"

"Cruxxx kitAh"

"AnG hOt m0h bEh!"

"AhKin kHa na LaHnGs"

"Xxupperr hoot mopoH!"

"PAhwixx kAh naH! PahirAn natin dHali!!!"

Ang sarap tahiin ang mga bunganga,nawawalan na talaga ako ng gana manood.Ano tingin nila rito?Basketball court dahil chinicheer nila si Zyair?

"Ang ingay bwesit" napatakip ako sa sarili kong tenga

IDAGDAG mona din yung Mga babaeng nasa kabilang bayan na talagang dumayo pa talaga rito para lang tignan si Zyair,ganito naba talaga sila ka desperada?

Naka kunot ang noo kong tinulungan si Ate na naghahanda ng Meryenda.

"Bad mood ka bunso" ani ate na ngumingisi ngisi

"Nginingisi ngisi mo?" Tanong ko

"Muka ka kasing Nagseselos!"

Nakapameywang akong hinarap si ate

"Anong nagseselos?Hindi ba pwedeng naiingayan lang talaga ako sa mga higad nayan?Mamaos sana yang boses nila" sabi ko pa habang nag iwas ng tingin

"Hayaan mona! Bakit kasi nagdala ka ng Mala Daniel Padilla rito sa lugar natin!"

"Anong nagdala?Alangan namang iwan ko yan sa Mansion ,kawawa naman!" Pambihirang sagot ko

"San ba magulang nyan?" Seryosong tanong ni Ate

"Andun sa Abroad, inaasikaso ang kompanya nila, naaawa nga ako kay Zyair ate, biruin mo,ang laki laki ng bahay nya tapos sya lang yung amo dun, nalulungkot ako para sakanya, ano bang magagawa ng pera kung hindi mo kasama yung pamilya mo" sabi ko

"Tama ka bunso, ang kailangan mo lang talagang gawin,samahan mo sya sa lahat ng bagay, nakikita ko sa mata nya ang pangungulila,at habang tinitignan ka nya,nawawala lahat ng kalungkutan nya,nakikita ko yun bunso kaya wag mo syang iwan" seryoso nya ulit na sabi

ENDLESS LOVE [COMPLETED]Where stories live. Discover now