Nagising kinabukasan dala ng pamamaga ng aking mata.
Sinong mata ba naman ang hindi mamamaga dahil kahit gabi ay iyak lang ako ng iyak, nag aalala na sina Mommy at Daddy, wala raw si Mylanie dahil kasama nya ang kanyang fiancee slash My ex kaya nas lalo akong naiiyak dahil kung sno ano na pinag iisip ko, baka nag chugchugan na sila.Grabe ako mag isip, ang libog pero hindi ko maiwasang isipin yun.Sweet sila kahapon kaya paniguradong mas naging sweet sila kagabi.Nakakabuwesit...
Nakaramdam ako ng gutom kaya mabilis akong naligo at nagbihis.
Huminga ako nang malalim at lumabas ng aking kwarto papunta sa dinning area.
Nakita kopang napabuga si Daddy ng kanyang iniinom na kami dahil siguro sa gulat na makita ako.
"Good morning Mommy,Daddy"
Bad morning Amp!
"Baby, you look wasted!" Gulat na asik ni Daddy
"Look at your eyes honey!,are you okay? May Problem ba?" Pag aalala naman ni Mommy, umiling lamang ako at hindi umimik.
Kumuha ako ng maraming pagkain hanggang sa tingin koy makakaya kong ubusin.Napalunok si Daddy dahil sa ginawa ko pero wala akong pakialam dahil wala ako sa mood.
"A-Anak mauubos moyan?" Gulat na tanong ni Mommy
"Opo" iyon lamang ang sagot ko at sinubo ang kanin na punong puno na nasa kutsara.
Sunod sunod ang pag subo ko kahit hindi umiinom ng tubig.
Habang kumakain ako, iniisip ko kung anong nangyari sakanila kagabi, bakit ang saya saya nila kahapon, bakit masaya si Zyair na akala moy hindi ako minahal at balewala lang sakanya yung ala ala namin.
Naramdaman ko ang pag tulo ng aking luha.Alam na alam ko ring nakatitig sakin si Mommy at Daddy ngunit hindi ko iyon pinansin dahil sa patuloy ng pagsubo ko ng kanin kasabay ang pagluha ko, punong puno na ng kanin ang aking bibig.
"Ruby, salinan mo sya ng tubig" pag aalalang utos ni Mommy,agad namang sinunod ni Ruby, kaso bago pa sya makasalin ay itinaas ko ang sking kanang palad ,sensyales na ako na ang sasalin.
Mabilis kong ininom ang tubig, hindi kopa na nguya ng maayos ang kanina pero parang baliwala lang sakin iyon.
Pagkatapos ay nagsubo ulit ako hanggang sa naubos na ang kanin na nilagay ko sa aking plato.
"Honey, omygod!" napatakip sya sakanyang bibig nang tumulo ulit ang aking luha.
Natapos akong kumain ay pumasok ako sa aking kwarto at humagulhol ulit.
Pagod na pagod nakong umiyak.Nakakapagod na..
Nakalimutan kong eh lock ang pinto kaya mabilis na pumasok si Mommy sa aking silid na may bahid na pag aalala ang kanyang muka.
"Honey, anong nagyayari sayo?" Umupo sya sa aking tabi at hinimas ang aking buhok
"Pagod na pagod nako Mommy"
"Tell me who's that guy?"
Oh no, not now..
"Dapat nga maging masaya ako para sakanila eh, pero bakit nasasaktan ako?"asik ko habang umiiyak