CHAPTER 6

204 7 0
                                        


Dalawang Linggo na din ang nakalipas simula nung nangyari sa mansion na tinatrabahuan ni Alexa.Gagang yun, nahimatay agad nung nakita nya si Zyair nung tinawag nya ako, at eto pa ang worst,bago sya mahimatay, nagpakawala muna sya nang pamatay na utot kaya dahil magkatabi kami ni Alexa, yung utot nyang sing baho ng dumi ng baboy damo kaya dumikit ito sa damit ko.Habang ang Damuhong ulupong tudo iwas sakin...kesyo daw mabaho ako,,

Nagtaka nga ako kung bakit nya ako pinuntahan sa bahay nun at bakit nya alam, tinanong kopa yun sakanya,pero hindi nya sinagot,pesteng damuhong Ulupong nato,kulang nalang talaga pektusan ko yung putotoy nya eh, ang sarap pa naman ng kwentuhan namin ni Alexa kahit sa totoo lang hindi ako interesado..

Pero sa loob ng dalawang linggo na pagtatrabaho ko, palagi kong tinetext si Aziel,pero nagugulat nalang ako dahil kukinin ni Zyair yung keypad na cellphone ko, nahiya tuloy ako dahil keypad na basag pa.tarantado ,pag ako yumaman mamimigay ako ng cellphone,pero yung basag para maranasan nila ang pag hihirap kong gumamit ng basag na cellphone ano..

At sa dalawang linggo ng pagtatrabaho ko, unti unti kong napapansin si Zyair na bumabait sakin,pero minsan umaatake ang pagka buranggot nya , level 999999 ang peg, naalala ko tuloy yung naligo sya sa tubig na naka topless dun sa garden gamit yun hose na pandilig ng halaman,jusko ang hot nya nung time na yun eh, kitang kita talaga ang abbs, mapapasabi kana lang na hmmmn talap talap ni papa Noah pero dahil hindi ako malandi hindi ko sinabi yun,, pipicturan ko sana kaso naalala ko wala pala akong cellphone,,may cellphone pero keypad, tina try ko syang picturan pero blurred talaga eh,, kaya ang ginawa ko hinanap ko ang filter,, nagulat pa ako dahil may iba ibang kulay,, green,black and white,yellow,orange, nagmuka tuloy aso si Zyair nun kaya hindi kona tinuloy... pero alam kong hindi naman talaga yun matutuloy dahil wala naman tong memory card tapos pag clinick mo yung picture may lumalabas

Insert memory card

Diba,parang tanga lang ang hinayupak

Minsan kapag nag uusap kami ni Aron sa tuwing nag didilig ako ng halaman,,oh gulat kayo noh! Close na kami ni Aron noh! ,bigla nalang sisingit ang haliparot na si Zyair, pinagbentangan pa akong gusto ko daw si Aron pero ano yung sagot ko?

"Kailan pa ako nagkagusto sa lalaking may gilagid sa ngipin?" Sabay rolled eyes

Masyado akong judgemental jan pero mabait akong babae, may kasabihan tayong, Actions speaks louder than voice, mabait ako kay Aron kahit pinagsasalitaan ko sya ng masama nang patalikod,, gusto ko si Aron maging kaibigan kahit may gilagid sya sa ngipin ano...

Duh, pagkatapos nun ,mag iinit na ang ulo nya,pinapalinis ako kahit saan, hindi ko tuloy maintindihan ang kalagayan nya,baka bipolar ang kumag, o baka nagseselos, pero impossibleng magselos ang gago dahil hindi naman ako type nun, type nya yung sexy katulad ni Alexa at sing ganda katulad ko.Charot lang..Piece yow...

Pero kahapon umalis ang Damuhong Ulupong ,pupuntahan daw nya ang condo dahil ilang araw na daw nya itong hindi pinupuntahan,, tinakot ko pa syang baka binahayan na ng gagamba,idagdag mopa yung sinabi kong takot panaman ako sa gagamba,,at ang walang yang damuho ngumisi lang,, pakiramdam ko tuloy may plano ang kumag...Kaya ayun,umuwi sya ng Mansion na basang basa..

At ngayon,,pupuntahan ko ang kwarto nya dahil lilinisan ko naman,, chuserong Zyair, akala ko basta lalaki malinis ang kwarto, eh dinaig pang babae,burara, nagkakalat ang kwarto nya, araw araw tuloy akong pumapasok sa kwarto nya, nagsasawa na ako,,pabalik balik lang yung nililinisan ko,, pwede bang abs naman ni Zyair ang linisan ko??

Charot lang.Malandi ka talagang bruha ka..

Ilang katok pa ang ginawa ko pero hindi padin ako pinagbuksan, putangina,anong plano ng damuhong to at hindi ako pinagbuksan, namumula na tuloy ang kamao ko, baka masuntok kopa yung muka nya pag nainip ako, tignan lang natin kung hindi masira ang kagwapuhan nya, tignan lang natin kung hindi sya mabungi..Pero napaisip ako..Pag mayaman, singtyog ng puno ang mga ngipin nila ako, di tulad ng ngipin ng mahirap na katulad ko, baka isang tulak lang nito,tumba agad..Pero charot lang yun uy

ENDLESS LOVE [COMPLETED]Where stories live. Discover now