CHAPTER 17

165 7 0
                                        

Isang Mansyon ang bumungad saakin nang makarating ako sa puder ng Mga Dumiguez.Kulay Gray ang nasa labas nito at pinaghalong White, may fountain sa labas nito.

Hindi na sumabay si Kuya Nathaniel samin dahil pupunta daw muna sya sa mansyon,bigla ko tuloy naalala si Alexa

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mahihilo siguro ako rito kapag magpapasyal,pakiramdam ko mawawala ako.Akala ko wala nang mas mailalaki pa sa Mansyon ng mga Enriquez pero wala sa kalahati lang nito ang Mansyon ng Mga Dumiguez.

"Welcome home anak"

Welcome home?Home pa kaya to?

Naiilang pa ako sa mga bodyguards na yumuyuko pag nalalampasan namin sila.

Iginiya ako ni Mrs.Domiguez sa loob.

Napanganga nalang ako sa lawak ng lugar na ito, para itong palasyo.Dahil sa sobrang ganda ,  muntik nang tumulo yung laway ko.

Ay ano bayan!

"Welcome Back Miss Olivia, Welcome back  Lady Arrianna" Anang Mayordoma siguro nang Mansyon

Sumabay naman ang naglilinyahang kasambahay na may pare parehang maids outfit , nahiya ako sa damit ko dahik mukang mas pormal pa silang tignan keysa sakin.

Napatingin ako sa mga kasambahay.Lahat sila ay nakangiti sakin at may bahid na ningning sa kanilang mata.

Pinaghandaan kaya siguro nila?

Tapos kailangan huwag maging plastic.

Hays nababaliw nako.

"Tara anak, dalhin kita sa kwarto mo"

Anang 'Mommy'  , isang hagdanan ang sumalubong saamin.Tutungtong na sana ako nang makarinig ako ng yabag galing sa itaas na animoy pababa.

Isang babae na sobrang ganda at sobrang kinis ng Balat, kitang kita ang kanyang maputing skin na kinabog ang beauty ko.

Nang mahagip nya ang aking mata ay tumaas ang kanyang kilay na para bang hindi nya nagustuhan ang presensya ko.Iba amg simoy ng hangin pag kaharap ko toh.

Bigla kong naalala na Isang anak ng Domiguez ang mapapangasawa ni Zyair, at hindi ako nagkakamali,paniguradong sya ito.Biglang nangilid ang aking luha habang pinagmasdan sya, walang wala ako sakanya, ubod ng ganda at ubod ng kinis habang ako, lumaking mahirap.

"So, you're my sister" dinig koy sarkasmo ang kanyang tinig

"A-Ah" biglang umurong ang aking dila.

"Ahh By the way Mylanie, She's Olivia Luisse your sister" nakangiting sabi ni 'Mommy' kuno

"K, I have to go bye Mom" anito sabay halik sa pisngi habang sakin ay inirapan lamang ako

Attitude amp!

"Tara anak, ihatid na kita sa kwarto mo, pagkatapos magbihis ka at pupunta tayo ng mall para mamili ng gamit mo"

"S-sigi po"

Umakyat kami sa hagdanan hanggang sa makarating kami sa isang kwarto.Binuksan nya iyon at bahagyang nanlaki ang aking mata dahil sa lawak ng aking kwarto.

ENDLESS LOVE [COMPLETED]Where stories live. Discover now