Isang linggo na akong namalagi Mansyon at isa lang ang masasabi ko.
Ang boring!!!!
Ngayon umagang umaga ay nakatunganga ako sa aking silid, nag iisip kung ano ang pwede kong gawin.Busy sila Mommy at Daddy.
Oh ha?Nasanay nako mag mommy at daddy noh!
So yun nga busy sila sa business, pero hindi naman sila nawawala pag hapunan na , kahapon dumating si Mylanie at mukang ang init init ng ulo, parang minsan maypagka topak rin yung babaeng yun eh, tinititigan ba naman akong masama kagabi habang kumakain kami,halatang nabubwesit sa presensya ko.
Binigyan ako ni Mommy ng credit card at ang sabi nya,unlimited daw iyong credit card na kulay black, eh anong gagawin ko run.
Nung kinabukasan ng pag ma mall namin ni Mommy ay si Daddy naman ang humiram sakin para ipakilala sa mga ka business partners nila kinabahan ako baka andun si Mrs.Enriquez at mabuti nalang at wala.Minsan may pagnanasa sa paningin ng ka business partners nila sakin.Panay papuri na magkamuka raw kami ni Mommy.
Kinabukasan naman ay hiniram ako ni Kuya Nathaniel, niyaya nya akong mag mamasyal, at pumunta sa Mansyon nya , nahiya pa akong harapin si Alexa pero kalaunan ay hindi na, nagulat pa sya...
Flashback
"Walangya kang babae ka! Pinangarap kopang ako na sana ang anak na hinahanap ng mga Dumiguez pero ikaw palang bruha ka!!!!!" Sinasampal sampal pa niya yung braso ko, nagalit naman si Kuya ,huwag daw akong saktan, nasaktan na nga daw ako sa emotional pati ba naman daw sa physical
Walang kwentang kuya.
End of flashback...
Naligo ako at nagbihis at sa pagkakataong ito, marunong narin akong magsuot ng damit, iyon kasi ang gawain ko kapag na bobored ako, nagsusuot ng mga damit at pumipili ng mga bagay, gusto ko rin sanang tumulong sa mga kasambahay kaso hindi pumayag si Mommy.Baka daw magkasakit ko
Sus akala nya sigurong hindi ako nagbubukad ng kamoteng kahoy....
Lumabas ako ng aking kwarto at pupunta sana sa garden para magpahangin,alam kona kung saan magpasikot sikot rito, itinour ako nung isang kasambahay rito na si Aling Ecel, habang naglalakad ako, umalingawngaw sa hagdanan ang boses ni Mylanie na sumisigaw.
"Bwesit! Hindi nyo inaayos ang trabaho nyo! Walang kwenta you all mother fuckers!!!!" Narinig kong sigaw ni Mylanie kaya agad akong bumaba at natagpuang hila hila nya ang buhok ng isang kasambahay na kasing edad ko lang siguro kaya mabilis akong tumakbo papunta roon.
"Mylanie anong ginagawa mo?" Tanong ko nang makitang humagulhol na ang babae
Itinaas nya ang kanyang kilay at inikot ang mga mata.
"It's none of your business, get the hell out of here kung ayaw mong ikaw ang kakalbuhin ko" galit na sagot nya sakin ngunit hindi ako nakaramdam ng takot
![ENDLESS LOVE [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230134443-64-k13668.jpg)