Maaga akong nagising dahil sa ingay sa labas..
Pungay pungay pa ang mata ko nang lumabas ako ng kwarto ko.Hindi pa ako nakakalapit sa ingay nang may narinig na akong boses ni
AZIEL!!!!
"Aziel!!!!!" Masayang bati ko nang makita ko syang nakipag usap kay nanay,tinakbo ko ang direksyon nya at niyakap sya ng mahigpit
Shit! I missed him..
"Miss na Miss ah!" Pang aasar nyang tugon,tanging tango lamang ang nasagot ko sakanya
"How are you?" Tanong nya ulit,kumawala naman ako sa pagkakayakap.
"Okay lang ako! Ikaw! Kamusta!"nakangiting tanong ko sakanya
"Okay lang ako " bigla namang lumungkot ang muka nya
"A-Aziel,bat malungkot ka?" Tanong ko
"W-wala" kaagad syang nag iwas ng tingin,pero hindi naman nagtagal yun dahil tinitigan nya ulit ako,"na miss lang kita" aniya saka ngumiti
Nagyakapan ulit kami..
"Teka!" Bumitaw ulit ako "ano nga pala yung pinag usapan nyo ni nanay?"
"Wala yun" sabi nya saka inakbayan ako patungong kusina para kumain
Susubo na sana ako pero may biglang kumatok.
"Buksan mo Oli" tugon ni nanay
"Ako na ho" pag pe presenta ni Aziel
Tumango nalang ako saka kumain.
Akala ko kung ano na ang nangyari kay Aziel dahil tahimik sya at mukang natulala sa labas,parang naka kita ng multo
"Aziel,sino yan?" Tanong ko at naglakad papunta sakanya
Muntik konang maibuga ang kinain ko nang makita ko kung sino yun..
Si ZYAIR!
"Zyair!" Tawag ko kay Zyair na ngayoy naka kunot na ang noo habang pinagmasdan kaming dalawa ni Aziel
"Who's this Mon Amour?" Turo ni Zyair kay Aziel
"Ahh---" sasagot na sana ako nang biglang sumingit si Aziel
"Hindi ba dapat ,ako ang magtatanong kay Oli kung sino ka?" Mariin nyang sabi,napapikit nalang ako
"Ah Zyair,sya yung kinukuwento ko sayong si Aziel yung kasama ko rito sa province namin, at Aziel sya si Zyair ang amo ko----" zyair cut me off
"And official boyfriend,her official boyfriend" pagdidiin nya kaya nanlaki ang mata ko
"A-aahh, o-oo" yun lamang ang nasagot ko habang nakatingin kay aziel na ngayoy walang ka emo emosyon,blangko ang tingin.
Suminghap sya sandali at bumuntong hininga
"Okay" at tumalikod na papunta sya sa mesa, hindi ko alam kung bakit parang nakarinig ako ng sakit sa boses ni Aziel,parang nasasaktan sya.Well hindi ko sya masisisi,kasama ko sya noon pa kaya alam kong magseselos sya dahil hindi na lang sya ang lalaking espesyal sa buhay ko.
