I'm Just A Transferee: Kabanata I

4.4K 154 28
                                    

Dedicated to: Axery_Gail  and Psyche_Paige

KABANATA I

YESHA BRIE'S POV

MY NAME IS Yesha Brie Miranda, eighteen years old. My looks? Well, I look like a Korean or Japanese. I'm an orphan. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang totoong magulang ko dahil walang nakakikilala sa kanila. Ang sabi ng ginang na nakapulot sa akin ay nasa gitna raw ako ng kalsada no'ng mapadaan sila. Muntikan na raw akong masagasaan ng sasakyan nila noong galing sila sa isang business meeting.

Ang alam ko lang sa pagkatao ko ay ang pangalan ko. 'Yesha Brie', iyan ang nakaukit sa kuwintas na simula bata ay suot ko na. Hindi ko ito hinuhubad pero nananatili itong nakatago sa ilalim ng mga damit na isinusuot ko. Ang apelyidong ginagamit ko ay ang apelyido ng taong may mabuting kalooban dahil inampon ako.

Sino ang kumupkop sa akin? Kilala sa Pilipinas, maging sa ibang bansa. She is Leida Miranda, a well-known businesswoman. She is kind, and lovely. My ideal mother.

Ngayong school year ay lilipat ako ng paaralan, sa isang private school. Mayaman ang kumupkop sa akin pero mas pinili ko noon na mag-aral sa pampublikong paaralan. Kaya ngayong lilipat ako sa pampribado ay alam kong maninibago ako. Papasok ako bilang isang college student.

I don't want to wear sexy clothes, but I must if it's needed. A loose shirt with jeans is fine with me. I attend modeling because I want to earn money on my own. Ayaw kong umasa lang sa umampon sa 'kin kung kaya ko rin naman mag-ipon kahit para sa daily allowance lang. Yes, I'm a model but I wear glasses if it's a normal day, if there are no photo shoots or workshops.

"Yesha!" sigaw ng babae sa labas ng kuwarto ko.

"Yes, Momma?" sigaw ko pabalik dito saka binuksan ang pinto.

"Already done?" tanong nito habang pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko. Nakangiti akong tumango sa kaniya. I'm wearing maong pants and white loose shirt with my eyeglasses. Simple but I'm comfortable with it.

"Saulo mo na ba lahat ng bibilhin mo?" tanong ni Momma habang iginigiya kami ng driver at bodyguard niya pasakay sa Porsche. Pupunta kami ngayon sa mall para mamili ng mga gagamitin ko sa school.

"Momma naman. 'Di ba po ipinalista niyo na sa 'kin kagabi?" natatawang sagot ko nang makaupo na sa tabi nito.

"Sorry, honey. Makalilimutin na si Momma," parang batang usal nito at pinisil-pisil pa ang pisngi ko. Agad ko namang inilagay sa mukha ko ang dalawa kong palad dahil alam kong hindi na naman ito titigil hanggang sa hindi mamula ang pisngi ko.

"I already enrolled you in Kingster University. Wala ka na iba pang poproblemahin kundi ang pag-aaral mo lang. Maliwanag?" maawtoridad na sabi nito. Hindi kayo maniniwala kapag sinabi kong tatlumpu't dalawang taong gulang pa lang si Momma.

"But, how about my modeling career, Momma?" nakangusong tanong ko.

"Okay, okay. Stop pouting, will you? Magmo-modeling ka pa rin pero sa isang kondisyon," pa-suspense na sabi niya.

"What is it, Momma?"

"You have to prioritize your studies."

"Of course, naman, Momma. Kailan ko po ba pinabayaan ang pag-aaral ko?" malambing na sabi ko habang yakap siya.

"Manong, parang ang lakas po yata ng aircon. Pakihinaan naman," nakangising baling nito kay Manong driver. Napatawa na lang nang mahina si Manong dahil nakuha nito ang ibig sabihin ni Momma.

"Momma, hindi naman ako nagyayabang, eh. I'm just telling the truth, 'di ba Manong?"

"Oo nga naman po, Ma'am Leida. Ang sipag-sipag kasi niyang anak mo," sang-ayon sa 'kin ni Manong kahit tutok pa rin sa pagmamaneho ang atensiyon.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now