Dedicated to: MhardzGuivarra , rarescents , Miss_issippi , MarifeAmor , Avethelle , Immissy
Kabanata XXIV
YESHA BRIE'S POV
MAAGA pa lamang ay ginising na ako ni manang dahil nasa labas na daw si Daddy, hinihintay na ako nito dahil ihahatid ako nito sa Batangas. Balak ko sanang isama si Sam, kaso wag muna ngayon. Gusto ko munang mapag isa.
Dali akong bumaba sa unang palapag ng mansyon dala dala ang mga gamit ko. Nadatnan ko si daddy na umiinom ng juice na binigay siguro ni manang. Lumapit ako dito at saka siya hinalikan sa pisngi. Inilibot ko ang paningin ko nagbabakasakaling kasama nito si mommy ngunit nabigo ako.
"Are you looking for your mom, princess?" tanong ni daddy ng mapansing may hinahanap ako. Tumango ako dito at inilapag ang bag na dadalhin ko sa Batangas.
"She's busy, inaasikaso niya ang pa welcome party mo the day after tomorrow." Dagdag pa nito at inilapag ang basong wala nang laman.
"Welcome party?" nakakunot noong tanong ko.
"Yes, your mom and I planned this a week ago. Bakit ayaw mo ba?" tanong ni daddy at kinuha na ang bag na dadalhin ko. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa magara niyang sasakyan.
"Ahm, hindi naman po sa ganun." sabi ko at inayos ang suot kong salamin. Hindi na ito nagsalita hanggang sa makasakay na kami sa kotse. Nagsimula niya na itong paandarin.
"Malabo ba ang mata mo?" biglang tanong niya.
Sasabihin ko ba?
"Ahm, hindi po dad." Hindi makatingin sa matang sabi ko.
"Are you hiding something from us? You know you can tell us everything, diba sabi namin ay babawi kami sa iyo?" Medyo nagtatampong sabi niya.
"Kasi po, I wear eyeglasses to disguise. I am a model dad, I am Brie Dane." Nahihiyang sabi ko at iniiwas sakanya ang tingin. Iniliko muna nito sa kaliwa ang kotse bago muling nagsalita.
"Brie Dane? The famous teen model?" tanong niya na tinanguan ko.
"I see, sana pagbalik mo dito sa Manila wag ka ng magsusuot niyan. Show them the real you, show them the real Yesha Brie Tashiba." nakangiting sabi ni dad. Kahit papano ay napangiti rin ako ng banggitin niya ang buo kong pangalan at ang apelyido nila, I mean namin.
"Dad, thank you." Tipid ngiting sabi ko.
"For what?" tanong niya na ang mata ay nasa kalsada at saglit lamang na sumusulyap saakin.
"Sa paghahanap sa akin, I heared na hindi daw po kayo tumigil sa paghahanap simula ng mawala ako. Thank you for not giving me up." madamdaming sabi ko at tumingin sakanya.
Hinawakan nito ang kaliwang kamay ko.
"We'll never get tired princess, hinding hindi kami mapapagod kung ikaw ang dahilan." nakangiting sabi niya. Ilang sandali pa ay hindi na rin ako nag salita. Hindi ko namalayang naka idlip na pala ako.
"Hey, Princess! Wake up." sabi ng isang boses at marahang tinapik tapik ang aking pisngi.
Marahan kong iminulat ang aking mata at nakita ko si dad na nakangiting nakatingin saakin.
Tinignan ko ang labas at nakita ko ang puting buhangin. Napakaganda nito. Tinignan ko ang pader na may nakaukit. 'Yesha's Resort' ipinangalan pala nila dad ang resort na ito saakin.
YOU ARE READING
I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
Teen FictionONE FAMOUS MODEL. ONE ORDINARY TRANSFEREE. BUT ONLY ONE GIRL BEHIND THESE DISGUISES. Yesha Brie is the adopted daughter of a well-known businesswoman named Leida Miranda. She is now a famous model but her eagerness to find her real family still ling...