I'm Just A Transferee: Kabanata XXVIII

1.4K 74 6
                                    


Dedicated to: duffydwarfyAstraea_GRAYsexierevuvumats, and purpleSeven


Kabanata XXVIII

YESHA BRIE'S POV

 ILANG oras ang lumipas ng tuluyan ng natapos ang party. Pasado alas dos na ng umaga at kami kami nalamang nina Herrand ang nandito sa mansyon. Nakaupo ako sa sala katabi si Herrand, nasa harap naman namin sina Mom and Dad at ang magulang ni Herrand.

Nagkatinginan kami ni Herrand ng makita kung gaano kaseryoso ang mukha ng aming mga magulang.

"Sa study room tayo mag u-usap-usap." Maawtoridad na saad ni Daddy at tumayo na. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa study room. Hindi ko maiwasang kabahan dahil napakaseryoso ng mga mukha nito.
Nakapasok na kami sa silid at lahat lahat ngunit wala pa ring nagbabago sakanilang mga ekspreesyon. Wala ni isa sakanilang ngumiti.
May nagawa ba kaming mali?

"Sit down," utos ni dad na agad naman naming sinunod.

"With all due respect can I ask what are we going to talk about?" naglakas loob na tanong ko.

Nagtinginan muna ang aming mga magulang, at ng ibaling nito ang mga tingin saakin ay malapad na ang ngiti ng mga ito. Ano bang nangyayari sa mga magulang kong toh?

"The both of you will be having a civil wedding." Diretsang sabi ni Dad na sinangayunan naman ng iba pa.

Civil, what!?

"Civil wedding?" Gulat na sigaw ko.

"Low down your voice honey," malambing na sabi ni Mommy.

"Yes, it's a civil wedding." ulit pa ni dad.

Napatingin naman ako kay Herrand na animong hindi na nagulat sa kanyang narinig.

Eto ba yung sinasabi niya kanina?

"You know about this?" mahinang bulong ko kay Herrand. Tumango ito at umakbay saakin.

Tsk, lakas ng loob nitong lalaking to ah. Masiko kita dyan eh.

"Payag ka ba Lester?" baling ni Dad kay Herrand ng hindi na ako muling nagsalita.

"It's fine with me, pero rerespituhin ko pa rin po ang desisyon ni Yesha," magalang na sagot ni Herrand.

Napakagat labi ako dahil sa hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, paulit ulit ko silang tinignan isa isa. Bakas sa mga mukha nito ang saya at pananabik sa aking isasagot. Tumingin naman ako kay Herrand na ngayon ay mataman ding nakatitig saakin at para bang kinakabahan sa aking sagot.

"A-ah kasi po... ano k-kasi." pautal-utal na sabi ko, ni hindi maituloy ang nais sabihin.

"It's okay if you wouldn't agree. I understand." Bulong ni Herrand at hinalikan ako sa noo. 

Napangiwi ako dahil nahihiya ako sa ginawa nito lalo na't nasa harap lamang namin sina mommy. Ngunit ng tignan ko ang mga ito ay para bang pinipilit ng mga itong wag tumili.

Is this real? Yung mga magulang namin kinikilig dahil sa ginawa ni Herrand?

"W-when is the wedding?" Tanong ko na nagpatalon kina mom, tita at Herrand. What's wrong with this people?

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now