I'm Just A Transferee: Kabanata II

2.5K 108 22
                                    

Dedicated to: gheeramay
yourhabibti_

YESHA BRIE'S POV

"POSE! OKAY. ONE more!" sigaw ng photographer na agaran ko namang sinunod. Narito ako sa Young Modeling Agency dahil sa nagaganap na photo shoot. "Nice. Ang galing talaga nitong si Brie Dane," puri ng photographer sa manager ng agency. Napangiti naman ako. Sa modeling, kilala ako bilang Brie Dane. Manager ko lang ang nakaaalam kung sino talaga ako.

"Brie, mag-retouch ka muna sa dressing room mo. Maya-maya pa naman ang fashion show," sabi ng manager ko.

Naglalakad ako papuntang dressing room nang may nakabangga ako.

"Sorry, sorry," paulit-ulit na paghingi ko ng paumanhin no'ng makita kong nalaglag ang cell phone niya.

"Sa susunod, tumingin ka naman sa dinaraanan mo! What a b*tch!" singhal nito bago ako tinalikuran. Yumuko na lang ako at hindi na nagsalita pa.

That girl is Jersel Castro, isa ring model. Wala akong ibang alam sa kaniya. Kahit ang school na kung saan siya nag-aaral ay hindi ko alam dahil napaka-private niyang tao. Kilala ang pamilya niya dahil pumapangatlo ang mga ito sa pinakamayayaman sa buong mundo.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa dressing room ko. Pagkapasok doon ay agad kong inayos ang medyo magulo kong buhok at naglagay ulit ng kaunting makeup sa mukha. Lalabas na sana ako ng pinto para pumunta sa banyo nang biglang tumunog ang cell phone ko na nasa loob ng bag ko. Kinuha ko muna ito at dinala na lang papuntang banyo.

"Hello, Momma?" sagot ko sa tawag.

"Yesha, pagkatapos ng show mo ay pumunta ka rito sa office. May ibibigay ako sa 'yo," bilin niya.

"Okay po, 'yon lang po ba? After the fashion show po ay didiretso na po ako riyan sa company ni—" Napatigil ako sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng CR. Si Jersel lang pala.

"Oh, the b*tch is here," maarteng sabi nito.

"Momma, I'll hang up this call na po. May kailangan pa po akong gawin, eh," sabi ko sa kabilang linya at hindi na hinintay ang sasabihin nito dahil alam kong narinig niya ang sinabi ni Jersel.

"About what happened earlier, I'm sorry. I didn't mean it," pagpapakumbaba ko kahit na alam kong may kasalanan din siya.

She chuckled. "Apology not accepted," simpleng sabi nito bago pumasok sa isang cubicle. Napabuntonghininga na lang ako at tahimik na lumabas ng CR. Sanay na ako sa kaniya. Simula noong mag-modeling ako ay siya ang kauna-unahang may ayaw sa 'kin. She sees me as a competitor kahit na alam ko sa sarili kong hindi naman talaga ako nakikipagkompetensya.

Natapos ang fashion show ay nandito na ako ngayon sa loob ng taxi para pumunta kay Momma. Pagkasabi ko kung saan ako dadalhin ay umandar naman na agad ang taxi.

"Kayo po 'yong nasa billboard na 'yon, hindi po ba?" tanong nito habang itinuturo ang billboard na may mukha ko. Tumango lang ako rito at tumingin na sa labas ng bintana. "Alam niyo po bang idol kayo ng anak ko? Pasens'ya na po kung mas'yado akong madaldal. Ngayon lang po kasi kita nakita sa personal." Natawa ako dahil sa sinabi nito. Bihira lang ako mag-taxi dahil hatid-sundo ako ng driver namin ngunit tumanggi akong magpasundo ngayon.

"Talaga po? Pasabi po sa anak niyo na maraming salamat," natutuwang sabi ko at nahihiyang tumawa. "Ano po pala ang pangalan niyo, Manong?"

"Tawagin mo na lang akong Mang Karding," sabi nito at sumulyap sa rear-view mirror.

"Ah. Mang Karding, nasa bahay niyo po ba ang anak niyo?" tanong ko.

"Ay, opo, Ma'am," agarang sabi nito.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now