Dedicated to: Aime_10 , ssaaeessi , Yappy18 , HaraInDark07
Kabanata XXIII
MANANG'S POV
ILANG araw ng nagkukulong ang alaga kong si Brie sa kanyang kwarto, ni hindi ito nalabas manlang para kausapin o makihalobilo saamin ng kanyang ina. Hindi ko alam kung bakit ito nagkukulong at kung minsan pa ay naririnig kong umiiyak. Naging ilap ito sa tao, dinadalhan ko nalamang ito ng pagkain sa kanyang silid. Hindi ito kumakain ng maayos, laging kalahati lamang ang kinakain nito sa mga pagkaing dinadala ko sakanya.
Nahinto ako sa paglilinis ng sala ng may biglang kumatok sa pinto ng mansyon. Lumapit ako dito para pagbuksan ang mga ito.
"Magandang araw po." magalang na bati ko sa isang ginang at ginoo, may mga kasama rin itong mga tauhan.
"Magandang araw ho, andyan po ba si Leida Miranda at si Yesha Brie?" tanong ni ginang.
"Tuloy po kayo, tatawagin ko lamang ang magina." Alok ko sakanila at iginiyang maupo sa sala.
Tinungo ko ang daan patungo sa silid ni Madam Leida.
"Ma'am may naghahanap po sainyo sa labas. Mukhang mayaman po dahil sa suot ng mga ito." Sabi ko ng binuksan nito ang pinto.
"Hinahanap ba ng mga ito si Brie?" tanong nito.
"Opo, ako na pong bahalang mag sabi kay Brie, mauna na ho ako." Paalam ko kay Madam at pumunta naman sa silid ni Brie.
"Brie, iha, lumabas ka muna dyan at may naghahanap saiyo." Sigaw ko mula sa pinto dahil hindi ito nag abalang magbukas at hindi ko rin mabuksan dahil naka lock ito.
"Sino daw po, manang?" sigaw nito na wari'y paos ang boses.
"Aba'y wala akong ideya kung sino ang mga yun. Lumabas ka na dyan, ayusin mo ang sarili mo anak." Sabi ko pa bago bumaba para ipaghanda ng pagkain ang mga bisita.
~*~
YESHA BRIE'S POV
LUMIPAS ang ilang araw na wala akong maayos na tulog. Magdamag lamang akong umiiyak. May pagkakataon ngang nakakatulugan ko nalamang ang pagiyak.
Simula ng makipaghiwalay saakin si Herrand, parang nawala ang kalahating parte ng buhay ko na nagpapasaya saakin. And there I realized how much I love him.
Kasalukuyan akong nag aayos dahil sa tinawag ako ni manang na may naghahanap daw saakin sa baba.
Dali dali kong inayos ang aking sarili. Mugto pa ang mata ko dahil sa ilang araw na kakaiyak. Bakas sa mga mata ko ang sakit at pangungulila kay...
Bago ko pa man siya isipin at balikang muli ang mga alaalang binuo namin ay nagpasya na akong bumaba. Hind pa man ako tuluyang nakakaapak sa sala ay narinig ko na ang boses ng mga tao na nag uusap usap. Lalo akong na curious kung sino ang mga ito kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.
Nakita ko si Momma, kasama ang mag asawang Tashiba na masayang nag uusap usap. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng konting saya sa aking puso ng makita silang nagtatawanan. Ngunit hindi ko pa rin kayang ngumiti. Hindi ko pa rin kayang kumbinsihin ang sarili ko na ngumiti.
"Oh anak, nandyan ka na pala. Halikat maupo." sabi saakin ni momma, sinunod ko naman ang kanyang sinabi at naupo sa kanyang tabi.
"Magandang araw po, Mr and Mrs. Tashiba." pormal na bati ko dahil hindi ko naman makuhang ngumiti kahit man lang konti.
YOU ARE READING
I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
Teen FictionONE FAMOUS MODEL. ONE ORDINARY TRANSFEREE. BUT ONLY ONE GIRL BEHIND THESE DISGUISES. Yesha Brie is the adopted daughter of a well-known businesswoman named Leida Miranda. She is now a famous model but her eagerness to find her real family still ling...