I'm Just A Transferee: Kabanata XXX

1.4K 62 5
                                    

Dedicated to: Miss_issippi and JobileeRanchez

Kabanata XXX 

Ang Huling Kabanata

YESHA BRIE'S POV

 KASALUKUYAN akong inaayusan ng aking personal make up artist, ngayon na kasi gaganapin ang aming graduation. Nitong nakaraang araw ay hindi ko masyadong nakikita si Herrand at si Sam. 

Kung dati'y laging bumibisita si Herrand sa bahay, nitong mga araw ay hindi na. Hindi na nga rin siya nagtext simula kagabi eh.

Tinadtad ko na siya ng tawag at message pero wala pa rin. Hindi man lang reply si Herrand. 

Hindi lang naman inis ang nararamdaman ko, sa totoo nga ay mas angat pa yung kaba at pagaalala kesa sa inis at galit. I'm worried about him.

"Done! You look so gorgeous Ms. Brie." Nakangiting puri sa akin ni Micaela, Michael talaga pangalan niya pero sabi niya ay tawagin ko siyang Micaela, so pinagbigyan ko na.

I look at myself in the mirror in front of me. And there I saw the Brie Dane, everyone idolize. It looks like hindi ako si Yesha Brie kapag naka makeup.

Napabalik lang ang aking ulirat ng may kumatok sa pinto. Doon ay nakita ko si mommy and momma with their formal attire.

"Are you done?" sabay pang sabi ng dalawa kaya nagkatinginan ito at tinawanan ang isat isa.

"I'm done." nakangiting sagot ko sabay pa kita ng buong ayos ko. Suot ko ngayon ang uniform ng university. Mamaya ay papatungan din naman ito ng toga.

"So let's go? You'll gonna be late." parang batang sabi ni mommy, natawa naman ako dahil parang excited na excited pa sila kesa sa akin.

Pababa na kami ng hagdan ng may bigla akong naalala. Agad akong tumingin kay mommy na napahinto rin ng maramdamang nakatitig ako sakanya na para bang may gustong sabihin.

"Ahm Mommy, did Herrand contacted you?" Tanong ko dito, hindi muna ito sumagot at saglit na iniwas ang kanyang tingin.

"No, kagabi yung huling paguusap namin. Why?" sagot ni mommy. So, kagabi pa talaga yung huling contact ni Herrand sa akin at kahit kay Mom? ano kayang nangyari sa lalaking yun? Hyysst.

"Nothing mom, I'm just worried hindi kasi siya nag re-reply sa akin." Sabi ko at nag simula na ulit na mag lakad.

"I think he's just busy? Don't worry okay, baka may ginagawa lang siya." Hindi pa siguradong sabi ni mommy pero tinanguan ko na lang.

"Cheer up honey! It's your graduation day today!" pagpapasaya naman saakin ni momma ng makita kung paano nalamang biglang nagbago ang mood ko. Nang hindi ako nagsalita ay hinila nila ang aking magkabilang kamay at kinaladkad papunta sa kotse.

"Here we go!" sabay na sigaw ng aking dalawang ina na kinatawa ni daddy na siyang magiging driver namin ngayon, kahit ako ay napangiti narin dahil sa inaasta nila.

Ilang minuto kaming naging tahimik sa loob ng sasakyan, tanging ang ginawa ko lamang ay tignan ang naglalakihan at nagtataasang building sa labas. Nakasandal lamang ang aking kaliwang pisngi sa glass window ng kotse.

Hindi naglaon ay nakarating na kami sa university. Kita ko agad ang maraming estudyante kasama ang kani kanilang mga magulang.

Hindi na huminto pa si dad at idiniretso nalamang ang kotse patungo sa auditorium ng school. Hindi naman siya sisitahin dahil sila ang may ari ng paaralang ito. Tashiba family own this school.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now