Dedicated to: Joyesmad03 , aeyshlye_wp , Starkatipunan1 , Fic_ticio , and Le_zelle
Kabanata XXIX
YESHA BRIE'S POV
"SAM, bilisan mo na kailangan pa nating ipasa lahat ng requirments!" Sigaw ko kay Sam na imbes na inaassikaso ang mga papeles na kailangan namin isubmit ay abala sa pagse cellphone.
"Oo na, sandali lang!" Sigaw nito pabalik at itinago na ang kanyang telepono.
This is our last day being a college student! And yes it's been 3 years and a half since ikasal ako kay Herrand. Konti lang ang nakakaalam dahil civil wedding lang naman iyon.
Simula nung araw na inannounce sa buong mundo na ako ang matagal na nawawalang anak ng mga Tashiba ay unti unti ng nagbago ang pag trato saakin ng mga taong nasa paligid ko. Ewan ko ba kung totoo yung pinapakita nila o pakikipagplastikan lang. Sa loob ng ilang taon ay marami ng mata ang nakatingin sa bawat galaw ko, hindi lang dahil sa model ako kundi dahil ako ang magiging tagapagmana ng mga negosyo ng magulang ko.
Ngayong araw ay inihahanda na namin ang mga papeles na kailangan naming ipasa sa dean's office. Hindi ko kasama sa ngayon si Herrand dahil nauna na siya sa office ng dean kasama si Rhailey. Maya maya siguro ay magpapakita na rin iyon.
"Tara na," aya ni Sam na ngayon ay nasa harap ko na hawak ang isang brown envelope.
"Kompleto na bayan? Baka may nakalimutan ka pa." Paninigurado ko.
"Okay na po mama, kompleto na po," natatawang usal nito.
"Ano ba Sam! Tara na nga." Asar na sabi ko at hinila na ang kanyang kamay.
Pagkarating sa Dean's office ay agad akong kumatok sa pinto bago ito buksan. Nadatnan ko ang dean na abalang nagbabasa ng mga papeles sa kanyang mesa.
"Magandang umaga dean," magalang na bati ko.
"Magandang umaga Ms. Tashiba." Bati din nito saakin pabalik, tumingin naman ito kay Sam.
Siniko ko naman si Sam at pinanlakihan ng mata.
"Ahh, a-ahmm. Good morning dean." Dagling bati nito at tumingin na ng diretso kay Dean.
"Ms. Monleonte, Magandang Umaga."
Inilibot ko ang aking tingin sa buong office ngunit bigo akong makita ni anino manlang ni Herrand. Nasan na kaya ang lalaking yun?
"Ah ibibigay lang po sana namin yung mga papers namin Dean," sabi ko at iniabot ang brown envelope na hawak ko, ibinigay na rin ni Sam ang kanya.
Hindi na kami nagtagal pa sa loob ng opisina, nagpaalam lang kami kay dean at lumabas na.
Naghiwalay muna kami ng daan ni Sam dahil pupunta daw siya sa Cafeteria, sasama sana ako kaso tumanggi siya kaya nagsimua na lamang akong hanapin si Herrand.
Naglalakad ako ngayon papunta sa isang silid dito sa university na pagaari naming dalawa ni Herrand. The king and queen of the university room. Habang naglalakad ay napapakunot ang noo ko ng lahat ng estudyanteng madaanan ko ay nakatitig saakin at nakangiti.
Dahil sa kinabahan na rin ako ay mas binilisan ko pa ang paglalakad. Wala pa man ako sa harap ng pinto ay may humarang na saakin at may binigay na isang maliit na envelope.
YOU ARE READING
I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
Teen FictionONE FAMOUS MODEL. ONE ORDINARY TRANSFEREE. BUT ONLY ONE GIRL BEHIND THESE DISGUISES. Yesha Brie is the adopted daughter of a well-known businesswoman named Leida Miranda. She is now a famous model but her eagerness to find her real family still ling...