Dedicated to: Candy Mercadejas candymercadejas
Noela -villafranca-
Owem Jenn Owemjenn
Aryanna Claire Estanislao Latoja rynn_clr
Sabrina Takahashi Goddess_Petals
Kabanata XI
YESHA BRIE'S POV
WEEKS had past simula ng makasama ko si Herrand sa isang silid sa university na nagkataong silid ng King and Queen ng university. Naalala ko pa kung paano ko nasabi na I'm starting to like Herrand at kung paano ako nakatulog habang nasa mga bisig niya.
Ngayon ay naglalakad ako papuntang library dahil kailangan kong mag advance reading about Business Ad. Liliko na sana ako sa bandang kanan dahil doon ang daan papuntang library ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang hinahanap ang phone sa aking bag ng biglang may makabangga ako.
"I'm sorry, hindi ko po sinasadya." Paumanhin ko sa nakabangga ko habang pinupulot ang nahulog niyang libro.
Pag angat ko ay nakita ko siyang manghang nakatingin saakin.
"Eto na po yung libro niyo, pasensya na." Sabi ko sabay abot ng libro sa kanya at inayos ang salaming suot ko. Nanatili lamang itong nakatingin sakin habang kinukuha ang libro.
"It's okay. By the way I'm Mark Meniard De Seles." Pakilala nito sabay lahad ng kamay. Ngumiti naman ako dito at nagpakilala din.
"I'm Yesha Brie Miranda." Sabi ko at akmang aabutin na ang kamay nito ng may ibang kamay ang pumigil nito.
"Hands off, dude." Sabi ng isang baritonong tinig. Nang tignan ko ito ay matalim ang tingin nito sa lalaki. Sino pa ba ang ibang haharang sa mga nagpapakilala sa akin kundi ang lalaking isang linggo ko ng hindi nakikita, tapos ngayon may mag papakilala lang biglang lumabas sa pinagtataguan niya.
"Ano ba Herrand, naki-kipagkilala ng maayos yung tao." Pabulong na sita ko dito. Ibinaling nito sa akin ang tingin at kita ko kung paano nagaalab ang mata nito sa galit. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya dahil para bang napa-paso ako sa titig niya. Now I know, he is really mad.
"I'm trying to be nice here, dude." Sabi ng lalaking nabangga ko. Oh no, this is war. I know how possesive Herrand is when it comes to me.
"Herrand, let's go. I'm sorry Mark? But we have to go. I'm sorry again." Paumanhin kong muli bago hinawakan ang kamay ni Herrand at hinila ito palayo sa lalaking naka bangga ko. Hindi pa man kami nakalayo ay parang may kung anong likido ang nanggagaling sa kamay ni Herrand. Agad kong sinipat ang kamay nito. Nanlalaki ang mata ko ng makita kong may sugat ito at may dugong dumadaloy mula rito.
"Herrand what did you do?" sigaw ko dito at hinila sa isang malapit na bench.
Agad kong kinuha ang koton at alkohol mula sa bag ko. Lagi ko itong dala in case of emergency. Marahan kong dinampian ng cotton na may alcohol ang sugat nito. Rinig ko ang bawat pag singhap niya sa tuwing mararamdaman ang pagdampi ng bulak.
"Ano ba kasing ginagawa mo sa sarili mo?" nagaalala ngunit nanenermon na sabi ko.
Matapos kong linisin ang sugat nito ay kumuha rin ako ng band aid sa bag ko at itinatakip sa sugat niya upang hindi mapasukan ng kahit anong dumi. Nabigla ako ng bigla niya akong kinabig papalapit sa kanya at niyakap ng napakahigpit.
"I'm scared, I'm scared I might lose you." Bulong nito sa tenga ko. Ramdam ko ang bawat paghinga nito, ang hangin mula sa ilong niya ay nararamdaman ko sa batok ko.
"Herrand ano bang sinasabi mo?" tanong ko rito.
"I love you Yesha Brie, please don't break my heart." Tanging sabi nito at hindi sinagot ang tanong ko.
"Herrand," tanging naisatinig ko.
"I want you to be officially mine, but I don't want to force you. I'm jealous everytime man surrounds you. You don't know how much it hurts me everytime you smiled at them, a smile that you never gave to me. But I endured all of that because of the love I feel towards you." Madamdaming sabi nito.
"Herrand, I'm sorry. I didn't know." I sincerely said. I was a bit speechless of what he said but I managed to calm myself.
"There are times I accidentally asked myself, am I not worth loving for?" batid kong nangingilid ang luha nito kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha. Medyo may pagka paos na rin ang kanyang boses. Agad kong hinawakan ang pisngi nito at marahang itinulak paharap sa akin.
" Don't say that Herrand, You are worth loving for. But I can't say if my feelings towards you is already love. I like you Herrand, I really am and it takes time to love someone right?" nakita ko kung paano kuminang ang mga mata nito dahil sa narinig.
"You like me?" paniniguro nito. Tumango ako at napakagat sa labi.
Yes, I just realize that I like Herrand. Nasabi ko to sa sarili ko sa loob ng isang linggong hindi siya nagpakita o nag paramdam man lang. I missed him, and I admit it.
Niyakap ako nitong muli at narinig ko itong suminghot dahilan para mapatawa ako. The king of university is crying right now in my shoulders.
"And I want to tell you that..." Pagpa-pabitin ko sa aking sasabihin. Nagtataka naman siyang nakatingin sakin at hinihintay ang kasunod ng sinasabi ko. Napangiti ako ng makitang kinakabahan ito.
"I also want to be yours Herrand." Nakangiting dagdag ko. Napatili ako ng bigla ako nitong binuhat at inikot ikot sa ere.
"Ano ba haha, nahihilo na ako. Put me down." I feel so much happiness. He loves me even though he didn't know about me being a model. Being Brie Dane, the famous model. Siguro pag handa na akong aminin ang lahat, siya ang una kong pag sasabihan na isa akong modelo. Sa ngayon kailangan ko munang hayaang maging masaya ang sarili ko sa piling niya. Dahil oras na malaman ng ibang tao na ang isang Brie Dane ay may karelasyon na, magiging magulo lang ang lahat.
"Thank you! You made me the happiest man alive." Nakangiting sabi nito. Hindi ko namalayang maraming mata na ang nanonood sa amin.Pero parang wala lang ito para kay Herrand. Siguro'y nakalimutan niya ng siya ang tinitingalang King ng university dahil kung makaasta siya ngayon ay parang bata o taong nanalo sa isang lotto.
"But you have to tell me first kung bakit nagkasugat yang kamay mo?" taas kilay kong tanong.
"I was drinking a glass of water ng makita kitang may kausap na lalaki. At nakita pa kitang ngumiti sa kanya kaya hindi ko napansin na nadurog ko na pala sa kamay ko yung basong hawak ko. I'm sorry, hindi na mauulit." Pag amin nito na nagpabago sa ekspresyon ko.
"Seloso ka? Pano pa kaya kung malaman mong maraming lalaki ang nangangarap na makilala ako?" mahinang bulong ko sapat lang para hindi niya marinig.
"What?" he asked.
"Wala, sabi ko napaka seloso mo." Sabi ko at naupong muli sa bench na kanina'y inuupuan namin.
Nasapo ko ang aking noo ng may naalala ako na kailangan ko palang gawin. Nakalimutan ko lang naman na kailangan ko pa lang pumunta ng library para mag advance reading.
MEANWHILE
"Do everything that can harm her. She's a hindrance for my happiness. I want her to die!"
YOU ARE READING
I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
Teen FictionONE FAMOUS MODEL. ONE ORDINARY TRANSFEREE. BUT ONLY ONE GIRL BEHIND THESE DISGUISES. Yesha Brie is the adopted daughter of a well-known businesswoman named Leida Miranda. She is now a famous model but her eagerness to find her real family still ling...