I'm Just A Transferee: Kabanata XX

1.5K 83 0
                                    

Dedicated to: kimhanna18 , KylDiago , Eres_25 , Doxchanyeol 

Kabanata XX

YESHA BRIE'S POV

 TODAY is Thursday at kailangan namin pumunta ng maaga sa university. Bakit? Dahil ngayon ang examination for the first semester.

Sa nagdaang araw ay lagi akong nag rereview habang si Herrand ay walang pakialam at maghapon lang na naglalaro sa kanyang cellphone. Makakapasa kaya to? Eh puro cellphone inaatupag niya eh, ni hindi nga ito nakikinig man lang sa nagtuturong guro sa unahan.

Nitong Lunes at kinausap ako ni Mark, sinabi niya saakin yung nakita niya sa kompanya nila Herrand, ang sabi ko naman dito ay kilala ko ang Brie na yun at alam kong pinsan ito ni Herrand. 

Yes, hind ko sinabi ang totoo kay Mark kahit na alam kong mapagkakatiwalaan ito. I have my reasons, at isa ang pagiging modelo niya sa rason kung bakit ayaw kong sabihin sakanya ang lahat.


Si Sam naman ay nakauwi na noong Martes, kinausap ko pa nga siya at tinanong kung bakit hindi siya nagpaalam saakin. Ang sagot lamang nito ay kinuha ng kanyang ama lahat ng gadgets niya. Sabi niya ay kailangan daw kasi niyang makinig at ifocus ang atensyon niya sa kanyang ama dahil tinuturuan siya nito about sa kompanya nila. Pero ang sabi saakin ni Mrs. Tashiba ay nagbakasyon ito, pero bakit magkaiba ang sinasabi nilang dalawa?

Kasalukuyan akong nagmamaneho ng biglang nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng palda na suot ko ngayon. Binilin saamin na isuot ang uniform ng university during examination, kaya suot ko ngayon ay palda at blouse na siyang uniform ng university.

"Hello?" sagot ko sa tawag na ang mga mata ay nakatuon pa rin sa kalsada.

"Hi baby, I'm here at the university already. I'll wait for you at the parking lot, okay? Drive safely. I love you." Rinig kong sabi ni Herrand sa kabilang linya.

"Okay, love you too." balik na sabi ko at ibinaba na ang linya. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan para hindi na siya maghintay pa ng matagal sa parking lot.

Bago ako bumaba ng sasakyan ay inayos ko muna ang salaming suot ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng magbukas na ito dahil kay Herrand. Inabangan niya talaga ako huh?

"Good morning baby." bati nito at hinalikan ako sa noo at bahagyang dinampian ng halik sa labi.

"Good morning, tara na at baka may makakita pa satin dito." tumango naman ito at hinawakan ang kamay ko at nagsimula ng maglakad.

"Hindi ka nag review?" tanong ko na inilingan niya.

"Seryoso ka ba talaga Herrand? Pano kung bumagsak ka?" dagdag ko pa.

"Don't worry, may stock knowledge ako baby. Wala ka bang tiwala sa asawa mo?" nakangising sabi nito.

"Stock knowledge daw, eh hindi ka naman nakikinig sa professor, panong magkakaroon ka ng stock knowledge? At asawa? Sino? Sa pagkakaalam ko hindi pa ako kasal." sunod sunod na sabi ko wari'y inaasar ito. Nakita ko kung paano ito napanguso sa sinabi ko.

"Oo na, asawa na kita. Para ka na naman diyang patong hindi binigyan ng pagkain." Dagdag ko pa at humagalpak sa tawa.

"We have to hurry baby, baka anytime magsimula na ang exam." Sabi nito at hinila na ang kamay ko.

During the exam ay tahimik lamang ako sa isang sulok kung saan ako nakaupo. Tahiik kong iniintindi ang bawat tanong sa questioner para masagutan ko ito ng maayos at tama. Wala akong tinitignang iba kundi ang papel na nasa harap ko. Ilang sandali pa ay nagsalita na ang guro na incharged na magbantay saamin.

"Pass your paper, finish or not." utos nito kaya ipinasa ko na agad ang papel ko sakanya. Buti nga at nasagutan ko ang lahat ng tanong, hindi ko lang alam kung tama ba ang ibang sagot ko.

"You'll know the result of your test tomorrow. We will post the result at the bulletin board."

~*~

Ngayong araw na namin malalaman kung nakapasa ba kami sa test kahapon. Wala namang ibang nangyari kahapon dahil pagkatapos ng exam ay umuwi agad ako sa bahay para magpahinga. Hindi ko na rin nakausap pa si Sam at Herrand dahil gustong gusto ko na talagang magpahinga at mahiga sa kaa. Hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ang katawan ko gayong pag rereview lang naman ang ginawa ko pagkatapos ng modeling.

Naglalakad ako ngayon papuntang bulletin board para tignan ang result ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay tumigil na ako sa paglalakad ng makitang ang daming estudyante ang nakapa libot sa bulletin board. Siksikan ang mga ito dahil gusto na ring alaman ang resulta ng kanilang pinaghirapang pagsusulit. Inilibot ko pa ang aking paningin at nakita ko rin ang mangilan ngilang estudyante na walang ibang ginawa kundi magpaganda at magpayabangan lamang ng kanilang yaman. Para bang wala itong pakialam sa mga grado nito.

Ilang sandali pa ay unti unting nahawi ang mga estudyante, ng tinignan ko kung bakit ay papalapit na pala sa bulletin board ang Campus King, princess, and prince. Mabagal na naglakad si Herrand, Jersel at Rhailey.

Imbes na lumapit at makitingin sa result ay umalis na lamang ako doon at naglakad papuntang cafeteria.

Bumili lamang ako ng bottled water at isang sandwich. Naghanap ako ng bakanteng upuan. 

Nagsimula na akong kumain ng pagkaing binili ko ng may biglang humila saakin patayo at biglang sinakop ang aking labi. Nagtagal ng ilang segundo ang halik nito at ng maka recover ay bigla ko itong tinulak palayo.

Nanlalaki ang matang napatingin ako dito, and there I saw Herrand, smiling widely.

"Why did you do that!?" pabulong na sighal ko at padabog na naupong muli saaking upuan.

"That's the deal baby." nakangiting sambit nito at naupo sa tabi ko.

"Huh? Deal? Eh hindi ko pa naman nakikita yung result ng test mo ah." sabi ko dito.

"Hindi pa? Hindi mo pa alam?" tanong nito.

"Ang dami kasing tao kanina kaya hindi na ako nakipag siksikan." pagdadahilan ko.

"What? Hindi mo pa alam ang result ng test mo?"

"Ganun na nga." Balewalang sabi ko sabay inom ng tubig na binili ko.

"Halika nga dito." Sabi nito at hinila ako palabas ng cafeteria at tinangay patungo sa bulletin.

And there I saw his name at the top together with mine.

"We got the perfect score?" Hindi pa rin makapaniwalang sabi ko.

"Aha! That's why I claimed my prize earlier." Nakangising sabi nito.

"Eh parang ano ka naman eh, bakit sa cafeteria? Eh alam mo namang madaming estudyante diba? PDA naman tong lalaking to." nagmamaktol na saad ko.

"Sorry, ulitin nalang natin sa private place." saad nito habang hindi nawawala ang ngisi sa labi.

"Ano? Sumusobra ka na ah." singhal ko. 

"So hindi tayo makakapunta ng amusement park?" nakangusong sabi ko.

"Gusto mo talaga pumunta dun?" tanong nito saakin at inalalayan akong maupo sa isang bench. Tumango naman ako.

"Okay, wala namang pasok bukas diba? So pupunta tayo, tutal sembreak narin naman." nakangiting sabi niya na nagpaaliwalas sa mukha ko.

"Talaga?" tuwang sabi ko. Tumango ito ng nakangiti at inilapit ang kamay sa mukha ko para hawiin ang ilang hibla ng buhok sa aking mukha at inilagay sa likod ng aking tenga.

"Thank you!" tuwang tuwang pasasalamat ko at niyakap siya.

"I want to make you happy, I will do everything to make you happy, just please, stay with me and don't you ever leave me. I love you, baby." Malambing na bulong nito sa tenga ko habang yakap-yakap namin ang isa't isa.

We don't care if we are doing PDA in this public place already, as long as we're happy, as long as we love each other.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now