Kabanata XXV
YESHA BRIE'S POV
NAGDAAN ang ilang araw simula ng magbakasyon ako sa Batangas. At heto ako ngayon inaayusan ng isang sikat na make up artist. Ngayon na kasi ang araw na sinasabi ni dad para sa welcome party ko. Actually ayaw ko naman talaga ng ganitong okasyon pero dahil naplano na ay wala na rin naman akong magagawa. Pinaghirapan din ito nina mommy at momma kaya pumayag na rin ako.
Hindi ko pa nga kilala kung sinong magiging escort ko sa gabing ito dahil hindi naman sinasabi nina mom at dad. Wala rin namang balak sabihin saakin ni momma.
Simula ng malaman ko na kung sino ang aking tunay na magulang ay lumipat na rin ako ng bahay. Dito na ako nakatira sa mansyon ng mga Tashiba. May pagkakataon din namang dun ako natutulog sa bahay nina momma, kapag namimiss ko sila ni manang.
Ang daming nangyari, ang daming hindi ko inaasahan na mangyayari. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang isang tao, isang taong patuloy ko paring minamahal.
"Ang ganda mo talaga iha." puri saakin ng make up artist na si Dianne.
"Thank you." pasalamat ko dito. Ilang sandali pa ay natapos na ito sa pagaayos saakin. Hindi pa ako maaring lumabas ng aking kwarto habang hindi pa nagsisimula ang programa, yung ang bilin saakin ni mommy. Ewan ko nga kung pupunta si Sam eh, matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Sa totoo lang ay namimiss ko na siya. Sana naman ay kahit ngayon lang ay hindi siya busy.
Sana rin ay pumunta siya, kasi kahit ano pang sakit ang naidulot niya, mahal na mahal ko pa rin siya. Handa akong tanggapin siyang muli kapag naunawaan ko ang rason niya.
Nandito lang ako sa kama at nakaupo, hinihintay ko lang na pumasok sa kwarto ang sinasabi nilang escort ko dahil siya ang aalalay sakin pababa ng hagdan ng mansyon. Oo dito lang sa mansyon gaganapin ang party. Napakalawak kasi nito na kaya nito ang mahigit limang daan na tao.
Natingin ako sa aking telepono ng may biglang tumawag saakin sa labas ng pinto, napakunot ang noo ko dahil boses lalaki ito at napakapamilyar ng tinig niya.
"Sandali lang!" sigaw ko.
Lumapit na ako sa pinto at dahan dahan itong binuksan. Natulala ako ng makita ko kung sino ang tumawag saakin.
"Herrand." mahinang saad ko at yumuko. Hindi ko pa siya kayang tignan sa mata. Kahit ilang linggo na ay sariwa pa rin sa aking puso at isip ang mga sinabi niya.
"Beautiful as ever." mahinang bulong nito ngunit hindi napalagpas ng aking pandinig.
"Let's go baby." saad nito na nagpatingala saakin. Baby? Kung makaakto ito ay parang walang nangyari. Tinaas ko ang aking isang kilay na nagpatawa sakanya. Bahagya nitong inilapit ang mukha saakin at hinalikan ako sa pisngi at bumulong sa aking tenga.
"I'l explain to you later, please believe me, kahit ngayon lang paniwalaan mo ulit ako." nagmamakaawang bulong niya. Inilahad niya ang kanyang kamay na dahan dahan ko namang tinaggap. Siya pala ang escort ko?
"Let's all welcome! The heiress and the only princess of the Tashiba Empire! Yesha Brie Tashiba!" masayang sabi ng emce sa baba.
"Are you ready? My queen?" bulong saakin ni Herrand, naiilang naman ako ditong tumango.
Dahan dahan kaming naglakad sa hagdan na nilagyan ng red carpet. Todo alalay naman saakin at sa gown ko si Herrand. Para bang bumalik kami sa dati, nung mga panahong kami pa.
Nang tuluyang makababa ay lumapit saakin ang emce para ibigay ang mic.
"Good evening everyone! I want to thank all of you for coming here. And now I want to formally introduce myself. I am Yesha Brie Tashiba, the long lost daughter of Brandon Kyle Tashiba and Shayne Marie Tashiba." pakilala ko nagsipalakpakan naman ang mga tao. Balak na sanang kunin ng emce ang mic ngunit pinigilan ko ito.
YOU ARE READING
I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
Teen FictionONE FAMOUS MODEL. ONE ORDINARY TRANSFEREE. BUT ONLY ONE GIRL BEHIND THESE DISGUISES. Yesha Brie is the adopted daughter of a well-known businesswoman named Leida Miranda. She is now a famous model but her eagerness to find her real family still ling...