I'm Just A Transferee: Kabanata XV

1.6K 102 0
                                    

Dedicated to: Frincess Cacho

Justine Mae Hernandez Ramos , Josephine Samonte , Hazel Margallo Bayer 

Le_zelle , Ambitter_girl , Azireese1230 , maureenmercadejas 

Kabanata XV

YESHA BRIE'S POV

Agad akong hinila ng lalaking nagsalita sa likod ko. Hindi ko parin alam kung sino siya dahil hindi pa rin ako nag abalang tumingala. Ramdam ko parin ang sakit sa kaliwa at kanan kong pisngi dahil sa lakas ng sapak na ginawa ni Jersel.

"Bakit hindi ka nanlaban? Bakit hinayaan mong api apihin at saktan ka lang nila?" saad ng lalaking humila sa akin palayo kina Jersel. Nadismaya man na hindi ito si Herrand ay nagpapasalamat parin ako dahil tinulungan niya ako. Napilitan akong itaas ang ulo ko, and there I saw Mark, the man whom I bump last Friday.

"Thank you." Tanging naisatinig ko. Nahihirapan din kasi akong magsalita dahil sa tuwing na gagalaw ang panga ko ay humahapdi ito. Ganun kalakas ang sapak na ginawa sakin ni Jersel.

"Tinatanong kita Yesha, ba't di ka nanlaban?" ulit nito sa tanong. He remembered my name.

"Bakit pa ako man lalaban kung umpisa palang wala akong laban?" sabi ko rito at muling yumuko. Naupo kami sa isang bench sa field. Inabutan ako nito ng panyo dahil nagsimula na naman akong umiyak.

"Take it, I know you need this." Tukoy nito sa panyo na inaabot niya sa akin.

"Thank you Mark." Pasasalamat kong muli.

"Alam kong kaya mo silang labanan, pero bakit hindi mo ginawa?" muling pangungulit nito.

"You don't know Jersel, she has the rights because she is the princess of this University. Kung lalabanan ko siya, nagmumukha lang akong kawawa. Siya ang papanigan ng lahat, kasi siya? May posisyon, habang ako? Transferee lang." Mahinang sabi ko habang pinunasan ang walang tigil na luha na nagsisi labasan sa aking mata. Tinulungan din ako nitong punasan ang mga butil ng luha na patuloy pa ring umaagos pababa sa aking pisngi.

"Pero alam mong mali ang ginawa nila." Giit pa nito.

"Mali ang ginawa niya, pero para sa iba tama yun. Kung nakita mo lang kung paano kumampi sa kanya lahat ng estudyante sa University na to, hindi mo yan masasabi."

"I was there, simula pa lang nandun na ako. Pero hindi agad ako lumapit kasi wala pa naman silang ginagawang brutal sayo. Nung sinapak ka na ng sinasabi mong Jersel, dun na ako hindi nakapagtimpi. Umeksena na ako, dahil ayaw kong makitang may taong nagpapaapi." paliwanag nito.

"I thank you for saving me from the harm. Pero nagaalala ako ngayon para sayo dahil ikaw naman ang pag iinitan nila." Nag aalalang sabi ko.

"You don't have to worry about me, I can handle myself." Nakangiting saad nito.

"Thank you Mark ah? Hindi ko alam kung ano bang pwede kong gawin para masuklian ang kabutihan mo."

"Be strong Yesha, wag mong hayaang apihin ka ulit nila. Yun lang yung kailangan mong gawin at yun lang ang gusto kong gawin mo." Napatingin ako dito, Mark has a good heart.

"Thank you Mark, you are a good man. And God knows how thankful I am because I knew you."

"So friends?" sabi nito sabay lahat ng kanyang kanang kamay.

"Friends." Saad ko rin at tinanggap ang kamay niya.

"Okay ka na ba dito? May kailangan pa kasi akong puntahan eh. If you want dadalhin kita sa clinic para magamot yang namamaga mong pisngi tutal daraanan ko din nama ang clinic." tumango ako sa sinabi nito. Nawalan na rin naman kasi ako ng ganang pumasok sa mga subject ko dahil makikita ko lang doon si Jersel.

I'm Just A Transferee || (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now