Chapter 3
Pumunta ako ako sa trabaho ko oras nang tanghali. Naabutan ko ang kasambahay agad naman akong sinamahan sa kuwarto ng i-tutor ko.Naabutan namin itong nasa kama nya na naglalaro nang online games.
"Gyro narito na ang tutor mo huwag kang magpapasaway,"parang banta sakanya ni manang na hindi man lang ito pinansin. Mukhang mapapasabak ako sa pasaway na bata.
Umalis na si manang naiwan kami ng bulilit na batang ito, grade seven na pero parang-asal kindergarten pa ata. Umupo ako sa tabi nya hindi ko pa alam ang sasabihin pareho sila ng mama nya nakakatakot. Dapat hindi ako matakot sa batang ito dapat mapasunod ko sya dahil mukhang hindi ko ito matitibag.
"Ilabas muna ang mga notes mo nang makapagsimula na tayo." Nilakasan ko ang loob ko para matinag sya pero hindi man lang ako pinansin. Ang batang ito ang sarap tirisin sobrang pasaway kung kapatid ko lang siguro ito nabatukan ko na sa sobrang pasaway.
"Gyro!"matigas kong tawag sakanya at lumingon sa akin sandali. Sa wakas nakuha na ang atensyon nya kundi ipapakain ko sakanya yang ipad nya. Kanina pa sya laro nang laro hindi na ba sya nagsasawa?
"Ilabas mo ang notes mo,"saad ko sakanya na kinataas lang ng kilay nya. Aba ang batang ito hindi lang masarap batukan masarap din tanggalan nang kilay para matigil sa pagiging masungit nya.
"Get out!I don't want to study kadarating ko palang galing sa school study na naman ang madadatnan ko dito sa bahay!"
Tama nga naman sya kadarating lang nya dahil half day ang klase nya tapos study na naman bubungad sakanya. Jusme maiisahan ata ako ng batang ito matalino pa ata sa akin sa mga palusot. Bumalik naman sya sa paglalaro nya umisip agad ako ng paraan paano ko sya mapapayag na magsimula na kami dahil ako ang mawawalan ng trabaho kapag hindi ko sya naturuan. Hindi naman buong araw babantayan ko lang sya maglaro hindi naman yung sinabe sa akin na kukunsintihin sya sa mga kalokohan nya.
Nakita ko ang bag nyang nakalapag sa study table nya dinampot ko naman ito. Hindi naman nya napansin dahil nakatutok na naman sya sa ipad nya. Dapat sa batang ito inaalisan ng gadgets. Sinimulan ko nang buklatin ang laman ng bag nya para masimulan ko saan ako mag-uumpisa na turuan sya kung saan sya nahihirapan.
Tiningnan ko ang bag nya limang notebook lang ang laman. Seriously?Lima ba talaga ang notebook sa highschool sa pagkakaalam ko ay sampo ha. Saan nya pinaglalagay ang mga notebook nya,hindi magkukulang ang mga magulang nya dahil ang yaman nila para magkulang sa notebook.
Binuklat ko ang notebook nya at halo - halo ang iba't-ibang subject mukhang hindi alam ng batang ito ang classification para hindi malito. Nagsusulat naman sya pero halos hindi ko na maintindihan ang writing nya, jusme sulat palang nya ito ha naistressed na ako.
Sinimulan ko na intindihin lahat ng sinulat nya at binuklat ko na rin ang mga quizzes nyang 2/10. Naawa ako sa score nya seriously ang galing nya mag-english pero yung quizzes nya olats.
Inilipat ko ito sa one whole nya para ipaliwanag sakanya nang matapos na papasagot ko nalang sakanya pagkatapos ko dito. Napapasulyap ako sakanya todo pa rin sya sa pagpindot sa cellphone nya batuhin ko kaya sya dyan. Hindi man lang napapansin na pinapakilaman ko na nya ang bag nya.
"Itago muna ang ipad mo magsisimula na tayo huwag mong sabihin na hindi binigyan na kita ng oras para makapagpahinga ka,"saad ko sakanya na tinitigan lamang ako at pinagpatuloy ulit ang paglalaro nya. Hindi talaga sya natitinag sa tingin ko ha. Nag - isip ako nang pwedeng panakot sakanya para mapatigil sya paglalaro nya.
Agad naman akong napangiti nang may biglang may pumasok na magandang idea sa utak ko. Narinig ko kanina na parang binabantaan sya ng kasambahay nila na mag-aral sya panigurado may kinakatakutan ito.
BINABASA MO ANG
I fell Inlove with my co - writer
RomanceIt's really hard to fall with your co - writer hindi mo alam kahit pareho kayo ng gusto kong iba naman ang gusto nya .Hanggang tanaw ka nalang sakanya na nagsusulat umaasa na magiging sayo sya .Naranasan nyo na humanga at umibig sa panunnulat? Masay...