Chapter 24
Isang linggo na akong nagkukulong sa kwarto .Hindi ako lumalabas para kumain.Lumalabas lang ako kapag gutom na talaga ako .Nakapatay rin ang lahat ng gadget's ko.Ayoko muna ng kausap sa ngayon maski pamilya nagtataka na rin sa nangyayari sa akin.
Hindi ko alam kung masisisante ako sa trabaho dahil sa isang linggo kong hindi pagpasok.Hindi ko pa rin matanggap ang sinabe ng doctor na kinalulugmok ko ngayon.Sira lahat ng pangarap ko dahil dito .Lahat ng mga plano ko sa mga kapatid ko at kila mama parang biglang naglaho lahat dahil sa katangahan ko.Pilit kong kinalimutan iyon ,akala ko walang magbubunga talaga .Napakatanga magdesisyon na hindi ko iniisip ang kahihitnatnan.
Simula nun wala na rin paramdam sa akin si Tristan. Alam ko hindi nya ako mapapatawad sa ginawa ko.Sobrang sama ko na sinurprised nya pa ako nun pag- uwi ko pero nakipagtalik na ako sa ibang lalaki bago ako dumating dito .Kahit ako hindi ko napapatawad ang sarili ko .Sobrang nagsisisi ako sa lahat ng katangahan ko.Binigay ko ang sarili ko sa lalaki na pagmamay - ari na ng iba.Sobrang mali ng ginawa ko na hindi man lang ako nag- iisip .
Hindi ko kayang harapin sila tita at tito dahil sa ginawa ko.Parang hindi ko na kayang magpakita sakanila dahil sa kahihiyang ito .Ang saya- saya pa nila sa amin ni Tristan .Tinanggap nila ako ng buo sa pamilya nila pero ito ang ginawa ko.Hindi ko sila kayang harapin lahat .Wala akong mukha na ihaharap sakanila .
Maski sila mama ,hindi ko sila kayang tingnan sa ginawa ko .Hindi pa nila alam ang lahat dahil pinakiusapan ko si Keira na ako nalang ang magsasabe sakanila.Pero hanggang ngayon ,hindi ko pa rin alam paano sabihin sakanilang lahat.Alam kong naghihintay sila sa explanation ko sa pagkukulong ko sa kwarto.
Hindi ko na alam ang gagawin ko .Alam kong hindi rin ako mapapatawad nila mama sa oras na malaman nila ang ginawa ko.
"Ate."
"Aera hindi ako kakain ,mauna na kayo ," sigaw ko sakanya sa labas na kanina pa katok ng katok.
"May bisita po kayo ."
"Sino?sabihin mo umuwi na sya .Wala ako sa mood ngayon ."
"Si Kuya Keevan po." Agad naman ako napabangon sa sinabe nya.Inalis ko ang kumot kong nakataklubong sa buong katawan ko at lumabas agad .
"Matagal - tagal na rin nung huli mong bisita sa amin hijo ."Rinig ko pang usapan nila ni mama nang makalabas ako .
"Gusto ko po sana makausap si Eris tita."
"Anak !Pumasok ka nga at ayusin mo ang sarili mo."
"Baket ?"
"Anong baket ?sa labas daw kayo mag - uusap ni Keevan at nang makalabas ka naman dyan sa kwarto mo.Ilang araw ka na dyan nagkukulong makalanghap ka man lang ng sariwang hangin."
Sumunod nalang ako kay mama na magpalit ako .Hindi ko alam anong ginagawa nya dito.Kinakabahan ako ng hindi ko alam .Maraming pumapasok sa utak ko katulad ng kung baka alam na nya kaya sya nandito ,pero sino naman ang magsasabe nun sakanya? Nahihilo tuloy ako sa daming what if sa utak ko .
Sa ilang araw na pagkukulong ko sa kwarto hindi ko inisip na sasabihin sakanya. Hindi ko alam ang plano ko kung anong gagawin ko sa nangyayari sa akin.Hindi ko sinabe sakanya dahil ayoko syang guluhin .Hindi ko sya pwedeng sisihin dahil pakana ko lahat kaya nagkaganito .Wala syang kasalanan ,ako itong napakadesperada na nilagyan ng gamot ang inumin nya para mangyari ang gusto ko .
Hindi ko alam kung anong pumasok nun sa utak ko .Hindi ko rin alam ang mukhang alam ihaharap ko kay Leri na sobrang bait sa akin.Ito na iyong kinatatakutan ko .Napalapit na ako sakanya at nakokosensya ako sa sinusukli kong kabaitan nya.
BINABASA MO ANG
I fell Inlove with my co - writer
RomansIt's really hard to fall with your co - writer hindi mo alam kahit pareho kayo ng gusto kong iba naman ang gusto nya .Hanggang tanaw ka nalang sakanya na nagsusulat umaasa na magiging sayo sya .Naranasan nyo na humanga at umibig sa panunnulat? Masay...