Chapter 22
Sinusuklay ko ang buhok ko naman na pagkahaba - haba .Kailan ba ako magkakaroon ng time na gupitan ito .
"Ate nasa labas na si kuya naghihintay sayo ."
"Sabihin mo wait lang sandali lang ito!" sigaw ko pabalik kay Drake na nasa labas ng pinto ng kwarto ko .
Sinusuot ko pa ang uniform ko sa trabaho ko .Kahit kami na ginagawa nya pa rin ang mga ginagawa nya sa akin noon .Hatid - sundo nya pa rin ako sa trabaho ko .Minsan wala na akong time sakanya kaya sa bahay lang kami nagdadate na iyon naman ang bilin ni mama sa amin .Kesa daw kung saan - saan kami dyan magdate sa bahay nalang daw kami .
Inayos ko muna ang damit ko at nagmake - up ako nang konti lang naman .Nasanay na rin akong gumamit ng make - up kaya lagi na akong naglalagay nito .Nagagalit sya kapag sobrang kapal ng make - up ko kaya konti lang talaga ang nilalagay ko .
As much possible dapat iyong mukha ko talaga raw ang nakikita at hindi naalibadbaran ng makapal ng make - up .Sabe ko naman sakanya maliit lang kaya napilitan na syang pumayag dahil wala na syang magagawa sa akin.Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas .
"Good morning !"
"Good morning din ," bati ko sakanya at lumapit sa akin
"Ehem !" Napahinto naman sya ng tumikhim si papa nang hahalikan nya ako sa pisngi .
"Good morning po tito !"pagpapalusot nalang nya.Nakita nyang hindi ko pa tapos sinusuklay ang buhok ko dahil ang haba talaga na hanggang dulo sinusuklay ko .
"Tulungan na kita magsuklay ." Inabot ko naman sakanya ang suklay ko at pumunta sya sa likod ko para suklayin ang dulo nito .
"Ipaputol ko rin iyan ."
"Huwag na ,mas bagay sayo ito ."
"Eh nahihirapan akong magsuklay araw - araw e ."
"Edi ako nalang magsusuklay sayo lagi naman ako rito sa bahay nyo ."
"Aish !"reklamo ko sakanya na umiling - iling sya .Nakakainis pati ba naman buhok ko e ."
"Mas maganda ka kapag ganito ."
"Maganda naman ako kahit ano pang buhok ko," kumpiyansang saad ko sakanya na tinawanan lang ako nito .Inis ko naman syang inirapan .
"Parang hindi ka sang - ayon ha ?!" Inis ko baling sakanya na hindi pa rin matigil sa pagtawa nya lang dahil sa sinabe ko.Nakakainis talaga ang lalaki ng ito lagi akong binubuwesit.
"Sang - ayon ako no.Sino bang nagsabeng hindi?" Tawa - tawa nya pa ring saad na pinandidilatan ko sya ng mata sa inis .
"Napipilitan ka lang buwesit ka !"
"Anak kakain ka pa ba ?"
"Hindi na ma ,malalate na ako kaya doon nalang ako kakain kapag free time ko bibili lang ako ng pagkain sa madadaanan namin ."
"Alis na kami ma ,pa ."
"Ingat ." Kumaway naman ako sa mga kapatid ko nang palabas na ako ng pinto.
Pinagbuksan naman nya ako ng pinto sa kotse .
"Ang gentleman pa rin ha ."
"Inborn basta ikaw ."
"Inborn your face !" Half day lang ako mamaya .Pero sasamahan ko pa si Keira na pumuntang mall at may pa raw sya .
"Susunduin kita mamaya kapag natapos kayo ni Keira ha text mo lang ako ."
"Dinner talaga tayo kila tita mamaya ?'Kinakabahan ulit ako makaharap si tito .
"Sinabe ko sakanila na tayo na kaya gusto ka nilang makita."
BINABASA MO ANG
I fell Inlove with my co - writer
RomanceIt's really hard to fall with your co - writer hindi mo alam kahit pareho kayo ng gusto kong iba naman ang gusto nya .Hanggang tanaw ka nalang sakanya na nagsusulat umaasa na magiging sayo sya .Naranasan nyo na humanga at umibig sa panunnulat? Masay...