CHAPTER 18

33 13 2
                                    

Chapter 18

Maaga akong nagising dahil sa alarm clock na niset ko kagabi .Bumangon na ako para maligo at pumasok sa trabaho ko .

Nadatnan ko sila mama na kumakain na .Minsan nauuna silang kumakain kapag hindi pa ako gising kaya sanay na ako .Atsaka hindi ko na kakasya sa oras ko na kumain pa rito .Sa madadaanan ko nalang bibili nalang ako ng almusal ko na kahit hindi ko lang malipasan ang almusal .

"Pasok kana sa trabaho ?"tanong ni mama nang makita nyang nakabihis na ako ng damit ko pang trabaho .Tumango naman ako sakanya habang sinusuklay ko pa ang dulo ng buhok ko .Naglagay lang ako ng polbo at liptint .At kinuha ko na ang bag ko .

Nagpaaalam na ako sakanya na aalis na ako .Wala na si papa sa bahay ganitong oras ,maaga syang umaalis dahil yun daw ang kalakasan .Binuksan ko ang gate namin, bumungad sa akin si Tristan na binigay sa akin ang tatlong roses .

Simula nang sinabe kong susubukan namin .Araw - araw na nya akong hinahatid sa trabaho ko at sinusundo.Lagi rin syang may dalang ganito ,tatlong oras tuwing pupunta sya rito .Nagtanong ata sya kay Keira kung anong hilig kong bulaklak kaya nalaman nya agad na mahilig talaga ako sa red roses .

Hindi ko rin alam pero sobrang gaan at saya ko kapag binibigyan ako ng red roses.Ilang araw na syang ganito ang ginagawa at inaamin ko naman na natutuwa ako ,dahil masaya ako . Nakakalimutan ko sya or nadidistract ako sa pamamagitan ng presensya nya .

Pinagbuksan naman nya ako ng pinto na natawa naman ako sa pagiging gentleman nya .Hindi ako sanay na ganito sya sa akin kaya nauuwi kami minsan sa tawanan kapag pinagtatawanan ko sya sa kacornyhan nya .Nasanay kase akong wala syang ginawa kundi asarin at sirain ang araw ko .

Pinatugtog nya ang mga makabagong music .Napapasabay naman kami dalawa minsan dito .Sabay namin kinakanta .Nilapag ko sa gilid ang bag ko para ayusin ng kunti ang nagugulo kong buhok kahit kasusuklay ko lamang ito .

Nakapants at shirt lang sya .Simpleng ayos lang pero iyong mukha nya maakit pa rin ang mga kababaihan na tumingin sakanya .Sa sobrang baling ko sa atensyon sa iba ngayon ko lang narealized na may nagmamahal sa akin dito ,pero pinipilit ko sa iba ang sarili ko na walang ginawa kundi ipamukha sa akin na hindi nya ako mamahalin . Although iyong nararamdaman ko sakanya nandito pa rin yun. Hindi ko sya maiwasan na isipin kapag magkasama kami ni Tristan kaya minsan inaalis ko iyon. Kase ang unfair sya ang kasama ko pero iba ang iniisip ko .

Sa bandang town lang naman ako nagtatrabaho .Bumaba naman ako nang huminto na ang kotse nya sa harapan ng jollibee na kung saan ako nagtatrabaho.

"Sunduin kita mamaya ,"saad nya na tumango naman ako .Bumalik na sya sa kotse nya .Kumaway naman ako sakanya at pumasok na sa loob.

"Manliligaw mo ba yun ?"tanong sa akin ng baklang ito na habang nagpupunas kami ng lamesa .

"Oo ."

"Sabe ko na e madalas na syang pumunta rito at take note dati hindi mo sya ko kinakausap ngayon hatid sundo kana ."

"Binigyan ko sya chance ,"saad ko rito na kiniliti naman ako sa tagiliran na tinutukso ako .

"Ang haba ng hair mong bakla ka ha .Ang gwapo ng manliligaw mo ."

"Inggit ka naman ," biro ko sakanya na inirapan lang ako na natawa naman ako .

"Marami akong boylet pero mas bet ko talaga ang manliligaw mo , pwede bang akin nalang sya ?"Pareho naman kaming natawa sa biro nya .Sinita pa kami ng manager namin na umiikot dahil sa lakas ng tawanan namin .

Humiwalay na ako sakanya dahil wala kaming matatapos kapag magkasama kami .Marami na ang pumasok nang malinis namin ang mga lamesa .Pumunta na ako sa counter para kunin ang mga order .

 I fell Inlove with my co - writerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon