CHAPTER 28

26 9 0
                                    

Nasa trabaho pa si Keevan kaya nagpatulong ako kay manang na magluto para sakanya .Kakadating nya lang kahapon .Masaya na may kakuwentuhan ako rito minsan .Hindi ako nagmumukhang baliw na walang kausap .Madaldal rin sya kaya hindi ako nabuburyo .

May katandaan na sya na mga kaedad ni mama .Kung ano - ano ang kinukuwento nya sa akin kaya aliw na aliw ako sakanya .Si Keevan nagtatrabaho na sya sa company ng tita nya na ang mama nya ang nagpapasok sakanya .Nahinto na sya sa pag - aaral at pagsusulat .Tinapos na nya ang contract nya na kinalungkot ng mga fans pero wala silang magawa dahil desisyon nya iyon .I feel bad dahil paramg kasalanan ko pero pinapagalitan nya ako kapag ganito sinasabe ko sakanya na kasalanan ko kase dagdag stressed lang daw ang mga iniisip ko .

"Ma'am paano kayo nagkakilala ni sir ?"

"Haynaku ang chismosa mo manang ha ." Mabilis napalapit ang loob nya sa akin kaya ganito nalang sya kung magtanong ng mga kung ano - anong mga bagay .

"Eh kase ma'am curious lang po ako saan kayo nakadampot ng ganyan ka pogi at ka maalagain sainyo ." Nakikita nya kase ang sobrang alaga sa akin ni Keevan na hindi nya pinapaubaya kay manang .Si manang Iselda na kilig na kilig tuwing sinusubuan ako kumain ni Keevan .Mas kinikilig pa sya sa akin minsan na natatawa nalang ako sa reaction nya habang pinagsisilbihan kaming kumain .At kapag sumasabay sya sa amin .

Hindi ko sya tinuturing na katulong namin parang nakikita ko sakanya si mama kaya kapag kumakain kami sinasabay namin sya .Nahihiya pa sya minsan kay Keevan kaya kailangan ko pa mamilit ng todo .

"Masarap ba?" tanong ko sakanya nang ilapag ko sa harap nya ang adobong manok .Pinabili ko ito sakanya kanina dahil gusto kong matikman ni Keevan ang luto ko pag - uwi nya .

Lumabas na akong kusina at pinalapag ko sakanya ang mga niluto sa dining area. Umupo na ako at nilnis ang ibang kalat habang naghihintay sakanya .

Alas - otso na pero wala pa rin sya .Lumamig na ang luto ko na pinaligpit ko muna kay manang para initin ito .Pinakuha ko na sakanya ang laptop ko para magsulat muna ako habang naghihintay sakanya.Marami pa siguro syang trabaho kaya matatagalan syang umuwi .

Kanina ko pa kino - contact ang phone nya pero nakapatay ito .Kaya wala akong magawa kundi ang maghintay sa pagdating nya .

"Ma'am matulog nalang po kayo kase parang matatagalan pa si sir .Bilin nya po sa akin na bawal ka magpuyat ." Wala pa akong kain pinapatulog na ako .

"Kakain muna ako manang bago ako pumanhik sa taas .Ilagay mo sa lamesa ang pinainitan mong niluto ki at susunod ako ," saad ko sakanya at niligpit ko ang mga gamit ko.Alas - dyes na ng gabi kaya wala na ata akong hihintayin sakanya .Nagugutom na rin ako kaya mauuna nalang ako sakanya .

Naiintindihan ko naman sya kahit nag - effort pa ako magluto pero hindi ko rin pala sya makakasabay kumain .

"Intindihin nyo nalang po si sir ma'am baka marami lang syang trabaho na kailangan nyang tapusin ," saad nya habang kumakain ako na nakasimangot pa rin tuwing susubo ako .

"Okay lang naman manang .Iligpit mo nalang ito pagkatapos para may makain sya pag -uwi nya .

"Hindi ka pa kumakain diba manang ?Sumabay kana sa akin ."

"Eh ."

"Sige na ," pamimilit ko sakanya na na napilitan naman syang umupo sa titig ko.Atleast may kasabay pa rin ako .Mabuti nalang talaga nandito sya at nababawasan ng konti ang lungkot ko .Ang dami nya pang jokes na sinasabe habang kumakain kami para lang hindi ako nakasimangot kumain .Matanda na sya pero mas masigla pa sya sa akin .Hindi sya nawawalan ng energy na nakakahawa .

Nakatulog nalang ako sa naghihintay sakanya kagabi.Nauna syang gumising na naramdaman ko naman ito pero hindi ako bumangon agad .Pumasok si manang sa kwarto namin at sya raw ang naghanda sa baba ng breakfast namin .Nakauwi raw sya kagabi ng alas - dose ng gabi .Grabe kung naghintay pa ako sakanya baka nilamok nalang ako kagabi sa baba .

 I fell Inlove with my co - writerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon