Chapter 26
Papunta na akong jollibee para mag - resign na sa trabaho gaya ng sabi ni Keevan. Isang buwan na nyang inaasikaso ang kasal namin at sa makalawa na ang kasal namin.
Hindi ko pa rin nililinaw lahat sa boss ko kaya ngayon sasabihin ko na magreresign na talaga ako. Tinawagan din nila ako na babalik ba ako .Papasok sana ako dati nang pagbawalan ako ni Keevan. Sa bahay lang daw ako at lalo nang madali akong mapagod .
Sobrang sensitive nang pagbubuntis ko na ang rami kong hinihingi sakanya ng pagkain minsan.Madaming mapagod at mahilo na sanhi ng pamumutla ko.
Sabe ng mommy nya dadalhin nya ako sa matagal na nyang pinatayong bahay para sa magiging pamilya nya.Nakakatuwa sya kahit hindi palang dumarating nakaset na ang lahat.Alam kong hindi ako ang pinagplanuhan nya sa bahay na iyon pero natutuwa pa rin ako sa pagiging responsable nyang lalaki .
Ni minsan hindi nya ako sinisisi na kasalanan ko lahat ng ito kaya huwag ako magreklamo .Ingat na ingat sya sa pagbubuntis ko na sya pa ang nagpapaalala sa check - up ko kapag nakakalimutan ko ito.
Minsan bumibisita kami sa family nya at tuwang - tuwa sila kapag nakikita nila ako .Masarap sa feeling ang gano'n na pakiramdam.
"Ay bakla ka aalis kana talaga sa trabaho ?"
"Kailangan bakla e."Nagkukuwentuhan pa kami rito sa kusina dahil may kausap pa si sir na hihintayin ko nalang ito lumabas .
"Ikakasal ka na ?invite mo akong bakla ka ."
"Oo na !hindi ka naman mawawala doon ."
"Ikaw bakla ka ikakasal kana sana naman may boylet akong makilala sa kasal mo ."
"Gaga ka hahahaha ."
"Anong kasarian ng anak mo?"
"Bakla rin hahaha."
"Ay choss imbyerna ka ."
"Para ikaw ang sasabihin ko kay Keevan ,sabihin ko kasalanan mo ."
"Akala ko talaga yung isang pogi na pumupunta rito ang boyfriend mong gaga ka !"
"Ayan love life ko ang pinagdidiskitahan ko mag - girlfriend ka na kaya na magpapalaki sayo ."
"Yuc .Kadiri kang bakla ka ,anong pinagsasabe mo dyan lalaki ang gusto ko ." Sus in the end madami akong nakikita na bakla na babae rin ang nakakatuluyan .Dati nga puntirya ko rin ang bakla .
Natutuwa ako sa mga baklang mga classmates ko noon dahil ang saya nila kasama .Walang plastikan pagdating sakanila at talagang papaprangkahin ka kapag may mali sayo .
"Paano nga kung sa babae rin pala ang bagsak mong bakla ka?"
"Edi ibabagsak ko sya ."
"Gaga hahahaha ."
"Lalaki nga aking nais bakla dahil maganda ako .Sa ganda kong ito dapat biyayaan ng isang gwapong boylet ."
"Hanap kita tambay sa kanto marami akong kilala ."
"Ay huwag na bakla ka imbyerna talaga ako sayo."
"Pwede sayo iyong bestfriend ko ." Binebenta ko na si Keira dahil wala atang balak mag -boyfriend .
"Baka magsubunutan lang kami nyan naku !pangalan palang ingatan ko na ang buhok ko sakanya ."
"Mabait yun gaga."
"Alam mo bakla huwag kana mais - stressed sa love life ko lalo't buntis ka .Baka ako talaga ang masisisi at sugurin ako ng fafa Keevan mo."
"Ay Ewan ko sayo !mauuna na ako sa office ni sir." tinalikuran ko na sya at nagtungo sa office ni sir .
BINABASA MO ANG
I fell Inlove with my co - writer
RomanceIt's really hard to fall with your co - writer hindi mo alam kahit pareho kayo ng gusto kong iba naman ang gusto nya .Hanggang tanaw ka nalang sakanya na nagsusulat umaasa na magiging sayo sya .Naranasan nyo na humanga at umibig sa panunnulat? Masay...