Nagpatulong ulit ako kay manang na magluto .Pupunta ako sa office nya nang hindi nya nalalaman.Hindi ako titigil hangga't hindi ko sila nahuhuli ng babae nya .
Ayaw pa akong palabasin ni manang dahil bilin sakanya ni Keevan na sa bahay lang ako kung maari at huwag akong palabasin.Pero dahil dakilang pasaway ako,hindi ako mapipigilan nino man .
Hanggang ngayon hindi pa rin kami nag -uusap kaya ang pagpunta ko sa office nya ay para maging alibi ko ang pakikipagbati .Galit pa rin ako sakanya pero kailangan ko silang mahuli dalawa para wala na syang kawala.Ingudngod ko talaga sa semento kung sino man ang babae nya.
Hindi ko aakalain na ganitong lalaki pala sya .Kung titingnan mo kase sya sobrang tino nya at wala sa vocabulary nya ang maging babaero.Manloloko ,akala ko sya yung tipong lalaki kuntento na sa isa.Sabagay hindi naman nya ako mahal kaya hindi sya makukuntento sa akin.
Nagpakasal nga lang kami dahil buntis ako .Sadyang marangal lang ang pamilya nya kaya kailangan nyang gawin iyon .Sana pala binuhay ko nalang mag - isa ang anak ko para hindi na mapasok sa kalbaryong buhay na ito .
"E-eris aalis na po kayo ?"
"Oo manang pakilinis nalang ang kwarto ko nalimutan ko kaseng linisin kanina.".
"Magstay nalang kaya ma'am sa bahay. Mapapagalitan ako ni sir nito e ."
"Huwag kang mag - alala ako ang bahala sakanya. "
"Pero ma'am ,hindi naman babaero tingnan si sir kaya hindi nya iyon magagawa sayo .Paranoid ka lang po kase buntis ka." Akala ko rin manang hindi sya iyong tipong lalaki na iyon.
"Ah ,sige manang aalis na ako ." Hindi ko na hinintay magsalita sya at dali-dali na akong lumabas ng bahay .Nagcommute ulit ako na kinagalit nya rin noon .Wala naman maghahatid sa akin kaya wala akong choice. Atsaka hindi naman ako madidisgrasya e.
Pagdating ko sa office nya ayaw pa akong papasukin ng secretary .Sinnamapal ko sa mukha nya na asawa ako kaya bakit hindi pwede .Wala na syang nagawa ng buksan ko ang pinto .Pagbukas ko ng pinto sana pala hindi ko nalang binuksan.
"MGA HAYOP KAYO !"Humarap sa akin ang nakakandong na kahalikan nyang babae sa upuan nya.Mas hindi ko kinaya ang sakit ng makilala ko ang babae .
"Le - leri ..."
"Oh Eris glad to meet you again .Nagulat ka ba ?ako rin nagulat ako sa pagpasok mo nakakaistorbo ka kase ."
"Ke -Keevan..."
"Eris ,I'm sorry let me explain." Lumapit sya sa akin na hinakawan ko ako .
"Masakit pala noh Eris?ngayon alam muna ang pakiramdam ng lokohin ka patalikod."
"Leri stop!"
"Baket Keevan naawa ka sa babaeng yan e nag -enjoy ka naman sa akin.Anong akala mo Eris porket pinakasalan ka nya magiging sayo na talaga sya?"
"Gumising kana sa kahibangan mo Eris na hindi ka mahal ni Keevan kaya bumalik ulit sya sa akin kahit kasal na kayo ." Binitawan ko ang kamay nyang nakahawak sa akin at lumabas ako ng office nya .
Sobrang tanga ko nga.Sa dinami -dami ng babae nya baket si Leri pa.Anong laban ko dun mahal nya iyon habang ako pinakasalan lang dahil buntis .Napapatingin sa akin ang mga employees sa pag- iyak.Kanina pa ako nahihilo na tinitiis ko lang .
Nang madulas ako ng hindi ko napansin na madulas pala ang dinaanan ko.
"Tulong !ang baby ko,"sigaw ko na unti -unti akong nawalan ng malay.
Nagising ako nang puro puti ang nakikita ko.Ito na naman ang dati ,nasaan na naman ako.Minulat ko nang mabuti ang mata ko na malabo pa ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
I fell Inlove with my co - writer
RomanceIt's really hard to fall with your co - writer hindi mo alam kahit pareho kayo ng gusto kong iba naman ang gusto nya .Hanggang tanaw ka nalang sakanya na nagsusulat umaasa na magiging sayo sya .Naranasan nyo na humanga at umibig sa panunnulat? Masay...