CHAPTER 5

65 26 4
                                    

CHAPTER 5

Inaya ako ni Keira sa mall maglilibot lang daw sya dahil bored na bored na sya sa buhay nya dinamay pa ako ng bruha .Libre naman nya kaya sumama ako ,sinong taong aayaw sa libre sabihin nyo nga .

Iritang - irita kami sa mga magjowa na nadadaanan namin kadalasan highschool pa ate kami nilalalangaw na college .As if naman gusto ko magkaroon ng boyfriend maliban kay Keevan ,sya lang ang pinapangarap ko sa tanang buhay ko makasama habang buhay .Pareho kaming writer at isusulat namin ang lovestory namin napakaganda nun .

"Oy gaga para kang baliw dyan nakangiti ,"sita nya sa akin na nasa arcade kami at para nga akong baliw kakangiti habang naglalalaro ako kahit wala naman dapat akong ikangiti sa paglalaro ko dahil talo na ako .Kung saan - saan na naman napapadpad utak ko .

"Ano iniisip mo ?"tanong nya  na umiling na lang ako na para ihawatig na wala lang baka kase isipin nyan baliw na nga baka doon kami maglibot sa mental hospital .Ang dami ko namang kalahi dun kapag pumunta kami dun .

"Maganda ba ?"sabay pakita nya sa akin ng bag na tumango naman ako kase kumakain  ako ng ice cream.Natapos kami sa arcade nandito na naman kami sa mga bag ,sya lang naman interesado sa mga bag na yan kaya wala akong pakialam palamon - lamon lang ako ng ice cream .

Siguro kapag sa book store nya ako inaya kakaladkarin ko pa sya sa sobrang excited pero hindi. Anong gagawin ko sa mga bag na yan display lang yan sa bahay ,hindi ko naman magagamit atsaka panigurado kapag dumampot ako nang isa dyan butas ang bulsa ko sa sobrang mahal .

Sunod - sunod nalang ako sakanya habang para na akong bata kakakain nang ice cream.Tuwing gumagala talaga kaming dalawa hindi pwedeng hindi ako makabili nang ice cream.Para akong bata pero ewan yung utak ko wala atang balak maging matured .

Napunta naman kami sa mga shoes may natipuhan ako dinampot ko na dadalhin ko na sana sa counter pero nang tingnan ko ang presyo bigla kong natapon .Pwede nang pambayad sa tuition fee ko .Natawa nalang si Keira nang bigla ko itong tinapon kahit ako sa sarili ko natawa rin ako sa kahihiyan ko ang dami palang nakatingin sa akin kaya agad ko syang kinaladkad pababa .Tawa naman sya nang tawa sa ginawa ko baket ba kase pinulot ko pa iyon sana pala nanahimik nalang akong kumain nang ice cream.

"Halika kain muna tayo doon ,"turo nya sa akin sa Chowking dito .Sumunod naman ako sakanya habang kumakain pa rin ng ice cream hanggang ngayon hindi ko pa nauubos.

Umupo kami sa vacant seat at tumawag sya ng waiter .Umorder naman sya nang makakain namin .Pa cellphone lang ako dahil sya nagdala sa akin dito libre nya ito .Buti nalang may load ako kaya may pang - YouTube pa ako habang naghihintay kami .Ang tagal din kase dito magserve nang pagkain magugutom ka nalang bago dumating sa sobrang tagal .

"Dai tingnan mo dali may live si Keevan ,"pakita ko sakanya ng cellphone na hindi mawala sa labi ko ang ngiti .

"Oh gusto nya daw na babae yung mambabasa nya umasa ka naman HAHAHA."

Napairap naman ako kahit kailan talaga hindi man lang sabihin ay dai oo may pag - asa ka sakanya kundi pinapamukha talaga akong hindi magiging akin si Keevan .

"Sa dami ng mambabasa nya Eris hindi ka rin mapipili dun HAHAHA.Atsaka Writer ka na diba ?Hindi na reader HAHAHA,"Asar nya pa na umikot lang mata ko tusukin ko kaya yang bunganga nya kinikilig na ako bigla nyang sinira .

"Ah basta walang impossible noh gagawin ko lahat para mapasaakin sya try me ,"saad ko sakanya na mas lalo nyang kinatawa .

"Kahit siguro matupad din ang maging sikat ka na write dai hindi sya magiging sayo kaya gising na dai sa Kahibangan HAHAHA."

"Dai gusto mo ba nang isang tusok lang sa bunganga mo sa paninira nang kilig ko ?"Pinigilan naman nya ang tawa nya at kumain nalang sa dumating na pagkain namin .

 I fell Inlove with my co - writerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon