Chapter 20
Nakaimpake na lahat ng gamit ko .Ngayon ang araw ang punta kong Manila para sa book signing ko.Tinulungan din ako ni mama kahapon mag - ayos ng mga dadalhin ko .Four days kami dun kaya medyo marami - rami ang dala kong damit na pagpapalitan ko .Iyong mga laptop ko pa kinailangan ko talagang ayusin nang maayos para magkasya lahat ng gamit ko .Ang dami rin kase palang nakalagay sa maleta ko na nakalimutan ko iyong laptop ko pa pala at shoes na gagamitin ko .Pati mga make - up ko pingkasya - kasya ko na lahat .Maaga palang nandito na sa bahay si Tristan .Sya raw ang maghahatid sa akin sa airport na hindi naman ako tumanggi dahil hindi ako masasamahan ni mama .Inaasikaso nya pa ang mga kapatid ko at paglabas ni papa sa hospital .
Binigay ko na sakanya lahat ng ipon ko para pambayad nya ng bills sa hospital .May tinira naman ako para sa sarili ko na gagastusin ko sa manila .Magtitipid lang siguro ako dun atsaka hindi naman lahat sa amin na gastos .Libre nila ang hotel ng company books ang tutuluyan namin doon.Bale iyong mga pagkain nalang namin at sa panggala namin doon .
Sumabay na sa amin si Tristan kumain .Wala na syang hiya ngayon dahil lagi syang nandito sa bahay .Sanay na sanay na rin sya sa mga kapatid Kong sobrang daldal.Parang kuya na nila itong ituring tuwing nasa bahay sya nakikipaglaro sa mga kapatid ko .
"Ate pasalubong po ha ," saad ni Area na punong - puno pa ng kanin ang bunganga nya at pagkain ulit ang pinagsasabe nya .
"Oo na ,gusto mo iuwi ko pa sayo ang Manila e hahahaha."
"Hehehe hindi mo kaya ate." Matalinong bata dahil hindi ko naman talaga kaya iuwi ang Manila.Tinawanan nalang namin sya at sinabihan kong kumain na sya .Maaga pa ang flight ko kaya binilisan ko ang pagkain dahil baka paghintayin ko na naman sa Airport si Keevan.
Actually kami lang dalawa ni Keevan ang nahuli dahil ang mga kasama namin nandun na nung isang araw pa.Nauna kase nilang nakuha ang ticket nila kaya nauna nasila sa amin .
"Okay na ba lahat ?"
"Oo."
"Ingat ka dun ha ,wala pa naman ako sa katabi mong pogi ."
"Please lang Tristan may flight pa ako huwag mo naman pabagyuhin oh."
"I'm just telling the truth .Anong masama doon ?Atsaka kilalang - kilala ako sa Manila kaya subukan nilang lumapit sayo mapapatay ko sila."
"Ewan ko sayo halikana nga."
Sya na ang nagbaba lahat ng gamit ko pagdating sa airport.Naabutan naman namin sila Keevan at Leri na naghihintay sa amin.Girlfriend nya pala ang naghatid sakanya kaya hindi kami nagkasabay .Dapat sabay lang kami sa ganito pero nandito pa pala ang girlfriend nya.
"Ingatan mo ang magiging girlfriend ko ," saad sakanya ni Tristan nang tinawag na ang oras nang pag - alis namin ni Keevan.
"Ingat kayo doon Eris ." Tumango naman ako kay Leri at kinuha ang maleta ko kay Tristan.
Kumaway - kaway lang ako sakanila habang palayo na kami .Wala naman pakialam ang kasama ko sa akin .Tinulungan nya lang ako sa paglagay ng mga gamit ko .
Pumunta nalang ako sa seat namin habang nakatanaw sa bintana .Ang ganda kase mag sight viewing. Naramdaman ko naman ang pag - upo nya sa tabi ko .Hindi ko nalang ito pinansin at sinandal ko ang ulo ko sa bintana .
"Nanliligaw sya sayo ?"Napatingin naman ako sa biglang pagtanong nya.Iyong pananalita siguro ni Tristan kanina kaya sya nakakapagtanong .
Pero ano bang pakialam nya ?
"Ah oo," sagot ko nalang sakanya.
"Good for you ."
"Uhmm."Masaya talaga syang titigilan ko na sya .Tinuon ko nalang sa labas ang sarili ko.Kaysa umasa naman ako sakanya at bibigyan ko naman ng meaning ang mga tanong nya.
BINABASA MO ANG
I fell Inlove with my co - writer
RomanceIt's really hard to fall with your co - writer hindi mo alam kahit pareho kayo ng gusto kong iba naman ang gusto nya .Hanggang tanaw ka nalang sakanya na nagsusulat umaasa na magiging sayo sya .Naranasan nyo na humanga at umibig sa panunnulat? Masay...