A clear sky above the blue sea is such a peaceful scenery. Tapos idagdag mo pa yung malamig na simoy ng hangin na masarap sa pakiramdam.
Yung tipong parang kahit isang problema ay hindi mo dinadala. Para kang ibon na sa wakas ay nakawala na sa hawla kung saan ka ikinulong ng tadhana.
I can't wait to be here with him again. Were in, we can do anything we want without someone who judges you just because of what they saw.
Kaso sana pag pwede na, pwede pa. I don't think I can experience another heartbreak.
Habang payapa akong nakaupo sa buhanginan sa harap ng dagat at ilalim ng puno ng niyog, may humintong isang matanda babae sa harap ko. Kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Iha, ikinagagalak kong makita kang muli sa aming payapang isla." Nakangiting bati sakin ni Nanay Selya, ang tagapag alaga ng Isla Del Frado.
"Kayo po pala 'nay Selya." Nakangiting tugon na sa kaniya at tumayo upang mag mag bigay galang. "Talaga pong binabalik balikan ko ang islang ito 'nay. Sobrang nakakagaan po kasi ng loob ang mga tanawin dito eh." Ngingiti ngiti ko pang sabi habang inililibot ang paningin sa paligid.
"Hindi ko inaasahan na sa kabila ng nangyari sa iyo ay makikita ko pang muli ang mga ngiti sa iyong labi, iha." Malambot na sambit niya habang nakangiti ng malambing sa harap ko.
"Life must go on naman po 'nay." Tugon ko habang inaalala ang nakaraan.
"Sabi nyo nga po, diba? 'Na kahit gaano pa katindi ang pinagdadaan mo, kailangan magpatuloy ka pa din, kahit sarili mo na lamang ang mayroon ka."
Napatawa naman sya sa sinabi ko. Hindi nya rin siguro aakalain na maaalala ko pa yung mga 'yon kasi kahit ako nagulat sa sinabi ko. Dahil hindi ko aakalain na kahit mahigit 8 taon na ang nakalipas ay maaalala ko parin yon.
"Ikaw talagang bata ka! Halika nga rito at ika'y aking yayakapin!" Iiling iling pang sabi nya, na syang pag pangiti sa akin. Lumapit ako sa kanya at tsaka nya ako niyakap ng mahigpit.
Binitawan nya lamang ako ng may tumawag sa kanya.
"Nanay Selya! Hinahanap na po kayo ni 'Tang Rody!" Hinihingal na sabi ng lalaking dumating. Habang nakahawak sa sa magkabilang tuhod.
"Iyan talagang matandang iyan!" Kunwaring galit na sabi ni nya at humarap sa akin. Ginulo nya ang aking buhok at ngumiti.
"Maiwan na muna kita ha? Pakasaya ka sa Islang ito. Masaya akong nakita kitang muli." Sabi nya tsaka humarap sa lalaking dumating.
"Pumarine ka at ika'y pipingutin kong bata ka! Naririnig naman kita. Wag kang sigaw ng sigaw diyan." Sabi niya sa lalaki habng naglalakd papalapit dito. Natatawa naman sinalubong ng lalaki si 'Nay selya at hinawakan sa braso.
"Kinagagalak kitang makita uli ate Yumie!" Nagulat ako ng bigla syang nag salita. Kung ganoon ay siya na pala si Beam. Hindi ko sya nakilala.
"Glad to see again, Mr. Beam." Natatawa kong sabi na syang kinasimangot ng kaniyang munting labi.
Nagpaalam na silang dalawa sa akin at nagsimula ng maglakad pabalik sa bahay na kanilang tinutuluyan sa Islang ito.
Umupo naman ako ulit sa buhanginan at kinuha ang cellphone sa loob ng dala kong bag dahil tumutunog ito.
"Asan kana daw sabi ni Mama!" Bungad sakin ng nakababata kong kapatid na lalaki. Pati ba naman sa bakasyon ko hahanapin pa din ako ni mama. Miss na naman ako non. Tsk tsk.
YOU ARE READING
Like we used to
Random" There will be a day when everyone needs to say a farewell. No matter who it is, No matter what it is." That's her favourite saying. Sa lahat ng oras na dumadaan sa buhay niya, wala siyang inaasahang tao dahil alam niyang sa huli ay magpapaalam ri...