Kabanata 8

13 5 1
                                    

Nagising ako dahil sa init na nararamdaman at sa basang likod at butil butil ng pawis. Baka pinatay ni Mama yung aircon kasi may lagnat ako kanina.

Nang matapos kasi ang usapan namin ni Stella ay pumikit lamang ako, hindi ko naman nalamayan na makakatulog pala ako. Wala na rin si Heart sa tabi ko pag nagising ko, kaya bumangon na lamang ako. Tanghalian na siguro, gutom na 'ko eh.

Pababa ako ng hagdanan ng makita ko si manang na kalalabas lamang nv kusina at may dalang tray ng pagkain.

"Gising kana pala. Dito ka ba kakain, o sa kwarto mo?" tanong niya sakin. Naglakad muna ako papalapit sa kanya bago sumagot.

"Sa kusina na po." sagot ko.

Kaya sabay kaming pumasok sa kusina. Sakto namang nakain din pala si Yurie ng tanghalian kaya sasabay na lang ako sa kanya. Wala na naman si Mama eh.

"Kumain ka ng maigi ng ika'y gumaling na." sabi ni manang at inilapag sa harap ko ang pagkain. Idinikit niya ang likod ng palad sa noo ko. "Hindi ka na masyadong mainit, maigi naman kung ganon." dugtong niya.

"Nasaan po pala si Mama?" tanong ko na lamang.

"Itanong mo diyan kay Yurie. Nasa banyo ako ng umalis ang Mama mo, eh. Maiwan ko na muna kayo. Dadalhan ko lang ng pagkain si Heart." sabi ni Manang kaya tumango at ngumiti na lamang ako.

Lumabas na si manang kaya nagtuloy na muna ako sa pagkain.

"Nasa Restaurant si Mama kasi nag resign na daw agad yung bagong Chef. Buti na lang nay kapalit agad."

Si Light siguro ang tinutukoy niya. Ba't kaya yon nag resign.

"Sino namang ipinalit?" tanong ko pa.

"Kapatid daw noong nag resign. Permanent chef na daw yon sabi ni Mama. Laim yata ang pangalan." parang hindi siguradong sagot niya.

"Tange! Baka Liam!" sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sakin.

"Wow, first name basis." parang naghihinalang sabi ni Yurie kaya ngumiwi ako.

"Ang issue ha!" sigaw ko kaya medyo natawa siya.

"Oo nga pala, ate. May nagpadala daw ng carbonara sayo." biglang sabi niya kaya napatigil ako sa pagsubo ng kanin.

"Baka yung ipinaluto ko kay Chef Jay! Nasaan na?" tanong ko. Sumubo muna siya ng ulam bago itinuro ang Ref.

Tumayo ako at kinuha ito. Naglakad ako pabalik sa lamesa at binuksan ito.

Ang bango!

"You're so adik with carbonara." kumento ni Yurie ng kumuha ako ng marami at isinalin sa plato.

"You're so conyo." asar ko naman sa kanya kaya inirapan niya 'ko.

Nagtuloy na lamang ako sa pagkain hanggang sa makalahati ko ito.

Ako na lang mag isa sa kusina dahil tapos nang kumain si Yurie kaya nagtungo na siya sa salas at manonood daw. Kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain.

Ibinalik ko sa Ref ang natirang carbonara. Hinimpil ko na din ang kinainan ko. Maayos na ang pakiramdam ko pero maglilinis lang ako ng katawan.

Pupunta akong cafe restaurant dahil wala naman akong gagawin dito. Mag te-thank you na din ako sa tagaluto ko ng carbonara.

"Hoy Yurie!" tawag ko sa kapatid ko ng makalabas ako ng kusina.

"What!?" tanong niya habang nakatingin cellphone niya. Nilapitan ko ito at tiningnan kung sino ang kausap.

Like we used toWhere stories live. Discover now