Kabanata 1

28 16 5
                                    


Isang malakas na katok ang gumising sa natutulog ko paring diwa.  Pagka mulat ko ng mata ay sumilay sa akin ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko.

Anong oras na ba at parang sikat na ang araw.

"Yumie, anak!" Sigaw ni mama habang kumakatok sa pintuan ko.

"Po?! Babangon na po." Pipikit pikit ko pang tugon. Bumangon na muna ako para mapagbuksan ng pinto si mama.

Humihikab pa ako habang naglalakd patungong pinto at binuksan ito.

"Alas nuebe na, may balak ka bagang kumain ng umagahan?" Tanong agad niya nang mapagbuksan ko ng pinto.

Napahawak ako sa tiyan ko. Gutom na ko.

"Meron naman, Ma." Nagkakamot ng ulo ko pang sabi.


"Ay sya! Baba na at ihahatid mo pa si Yukie sa iyong Ama."


Oo nga pala. Ihahatid ko sya Quezon. Hometown ng Papa ko. Tinawagan kasi sya ni Tita Dulce na sya daw muna ang mag alaga kay Lola habang bakasyon. Pumayag naman si Mama dahil mahigit isang buwan na din ng huling bisita ni Papa sa kanila.


Naghilamos muna ako ng mukha at nagmumog na din. Itinali ko naman ang buhok ko sa isang bun, bago ako sumunod kay mama para makakain na.


"Wazzup, ate kass!" Salubong ni Yurie. Isa pang kapatid ko na lalaki.

"Kass mo mukha mo." Ngiwi kong sabi at akmang aambahan sya ng sapok ng makita ko si mama na kakalabas lang ng kusina.


"Mama, si ate sasapukin na naman ako!" Kunwaring nagmamaktol na sunbong nya kay Mama. Sinamaan naman ako nya naman ako ng tingin kaya napanguso naman ako.


"Maarte ka lang talaga." Irap ko kay Yurie at dumeretso na sa dining area para kumain at maka layas na sa babay na to. Charot! Hehe. Baka pag sinabi ko yan kay Mama ay siya pa ang mag empake ng mga damit ko.


Habang kumain ng umagahan, nakita ko na hawak ni Yurie yung cellphone nya sa ilalim ng mesa habang nag tatype. Huli ka balbon! Ngumisi ako at tumingin kay Mama .


"Ma! Si Yurie may ka-text habang kumakain!" Sigaw ko bigla na syang kinagulat ni Yurie kaya nabitawan nya ang cellphone at dumulas ito sa paanan ko. Kaya mabilis ko itong kinuha at ipinakita kay mama.


"Eto Ma, oh!" Ngising sabi ko pa habang nakalahad sa harapan ni Mama ang Cellphone ni Yurie.

"Ikaw na bata ka! Kumain ka muna bago ka humarot! Hindi ka mabubusog dyan!" Pangaral ni mama kay Yurie na agad kong ikinatawa dahil namumula sya.


"Aha! Si Khira pala ha! Sasabihin kita kay Khier!" Natatawang sabi ko sa kanya kaya napalingon sya agad sakin na parang may gagawin akong krimen. OA amp. Si Khier ay kaibigan ko, kapatid nya si khira.


Magsasalita na sana sya kaso naunahan sya ni Mama.


"Kumain muna kayo! Wag kayong mag asaran sa harap ng pagkain, ipapaltok ko yan sa inyo!" Parang nanggigigil na saway ni Mama kaya naibaba ko agad ang cellphone ni Yurie na sya namang kinuha nito.

Nang natapos kaming kumain ng parang nakikiusap ang mata ni Yurie sakin kaya natatawa parin ako. Bata bata pa nya eh. Napapailing pa ko habang naglalakad patungong kwarto ko para mag bihis na ng pang alis dahil ihahatid ko pa si Yukie kay Papa.


Like we used toWhere stories live. Discover now