Bago magbukas ang Cafe ay umuwi na silang lahat. Mga mukha pa nga silang sabog sa itsura nila. Hindi na din sila kumain dahil doon na daw sila kakain sa kanila ayaw daw nilang makita sila ng customer na may dala dalang mga bag at comforter.
Nagimis muna ako ng mga naiwang balat ng junkfoods at nagkalat na papel. Tinanggal ko na rin yung malaking black paper na nakadikit sa dingdong para makita ang sinag ng araw na pumapasok sa glass wall.
Napahawak ako sa tiyan ko ng maramdamang kumakalam ito. Tiningnan ko ang orasan sa pupulsuhan ko. 8:15 palang. Wala pa masyadong customer ng ganong oras kasi kakabukas pa lamang.
Pagkatapos kong mag imis ng kalat ay tsaka na lamang ako lumabas. Siguro naman nandoon na yung mga Chef.
Napanaginipan ko na kumakain ako ng carbonara kaya magpapaluto ako kay Chef Jay. Masarap yon magluto ng carbonara. Sayang nga lang kasi kung nandito si Papa at hindi nya inaalagaan si Lolo, maipagluluto nya sana ako ng carbonara. Luto ni Papa ang pinakamasarap na luto na natikman ko. Sa kanya rin ako natuto magluto ng ilang lutong ulam.
Napatingin ang ilang tao sa kitchen nang pumasok ako dito.
"Good morning, po!" masiglang bati ko sa lahat ng nandoon. Hinanap ng mata ko kung nasaan si Chef Jay.
"Si Chef Jay ba hanap mo?" napatingin ako sa lalaking nagsalita. Nangunot naman ang noo ko ng makilalang si Liam ang nag salita. Yung kapatid ni Light.
"Oo sana." sabi ko umiwas ng tingin dahil parang kakainin nya ako. Charot
"He's on a leave." sabi ulit nya kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya at naabutan ko syang naglalagay ng apron. Sexy naman nito.
"Ba't hindi ko alam." bulong ko sa sarili ko kaya napatingin siya sakin.
"Oh, Liam." biglang dumating si Chef Leo kaya binati ko ito. Nginitian naman nya ako.
"May kailangan ka ba, Yumie? Bilin sakin ni Chef Jay na gawin ko daw kung may ipapagawa ka. Graduation kasi nung anak nya, kaya ayun umuwi sa probinsya." pagpapaliwanag nya kaya napatangon naman ako.
"Magpapaluto po sana ako ng carbonara. Wala po pala siya." sabi ko at ngumiti. "Sige po, una na po ako." dagdag ko pa.
"Sige, iha." sabi ni Chef Leo kaya ngumiti lang ako."Tsaka nga pala." pahabol na sabi nya kaya napaharap ulit ako. Lalabas na sana ako para umuwi.
"Bakit po?" tanong ko. Tinapik tapik naman nya ang likod ni Liam.
"Bagong Chef." sabi nya at itinuro si Liam na para tangang nakangisi. "Siya ang pumalit kay Light, na kapatid pala nito."
Oh? Wala pang apat na araw dito si Light, resign na agad? Napangiwi naman ako.
"Ahh kaya po pala wala si Light." kumento ko bago tumingin kay Liam na agad naman dumeretso ng tayo at nag bow sakin. Hala
"Hello Ms. Yumie. Liam Tylinson po." sabi nya at iniabot ang kamay sakin. Kinuha ko naman ito at nakipag kamay.
"Welcome sa Cafe Restaurant." sabi ko tsaka siya nginitian bago binitawan ang kamay nya.
Nagpaalam lang ulit ako bago umakyat sa Art room. Umakyat lang ako para ilagay sa cage si Heart at kunin yung shoulder bag ko para makauwi na.
"Gutom na ko." sabi ko sa sarili ko tsaka binuhat yung cage ni Heart at bumaba na ulit. Sa Back door na 'ko dumaan dahil doon naman naka parada yung kotse ko. Gutom na rin siguro si Heart kasi kanina pa siya 'meow' ng meow.

YOU ARE READING
Like we used to
Acak" There will be a day when everyone needs to say a farewell. No matter who it is, No matter what it is." That's her favourite saying. Sa lahat ng oras na dumadaan sa buhay niya, wala siyang inaasahang tao dahil alam niyang sa huli ay magpapaalam ri...