"Ang aga mo naman atang umalis, Yumie?" Takang tanong ni Mama pagkababa ko pag lamang ng hagdan. 6:30 palang kasi ng umaga ay bihis na bihis na ko.
"I will just bring this canvas sa Restaurant po."sagot ko, tsaka ipinakita ang tatlong canvas na hawak ko.
"Ganoon ba? Eh diba may Room ka sa Restaurant na may mga ganyan? Bakit magdadala ka pa?" Tanong nya pa ulit.
"Naubos na po kasi. May paint na po lahat ng canvas ko doon." Sagot ulit sa tanong ni Mama. Tumango nalang siya sakin at sumenyas na umalis na ko.
Lumabas na ko ng bahay tapos inilagay ko ang canvas sa backsit. Umikot naman ako sa unahan, sa may driver sit at tsaka umupo doon para makarating na agad ako sa Cafe restaurant.
Nasa kalagitnaan ako ng pag mamaneho ng tumunog ang cellphone ko. Someone's calling, named Ezragby.
"Problema mo?" Bungad na tanong ko kay Ezra na syang tumawag.
"Can I go to your house?" Tanong nya.
"Why? Iinisin mo na naman si Yurie?" Tanong ko sa kanya. Tuwing pupunta kasi sila sa bahay namin, laging iniinis ni Ezra si Yurie na liligawan daw nya ito. Si Yurie naman namumula. Hindi ko nga sure kung si Khira ba talaga ang crush nya.
"Grabe HAHAHAHAHAHA. cute kasi mainis ni Yurie eh, nagiging red ang tenga at ilong." Natatawang sabi nya.
"Wag na! Wala ako samin." Sagot ko.
Nasa harap na ko ng Cafe Restaurant namin kaya ipinarada ko na sa likod ang sasakyan ko. May sarili akong parking dito. Minsan na kasing may nanakaw sa kotse ko kaya ipinagpagawa ako ni Papa ng sariling parking.
"Then where are you?" Tanong na naman nya.
"Find me." Sagot ko tsaka sya binabaan ng tawag. Bumaba na ko ng kotse tapos kinuha sa likod ang canvas. tsaka dumeretso sa loob.
"Morning, Ms. Yumiemiemie!" Masiglang bati ni Stell. Isa sa taga Mix ng coffee dito sa Cafe Restaurant. Sya ang pinaka close ko kasi halos magkasing edad lang kami. She's a year older than me. 3 years.
"Morning, Stellavain!" Bati ko sa buo nyang pangalan kaya napangiwi sya sakin.
"Good morning,Chef Jay!" Bati ko sa kanya. Chef Jay is the Head chef. Sarap nyan magluto.
"Good morning din Yumie." Bati nya sakin pabalik.
"Ms. Yumie! Mag pepaint ka ulit?" Tanong nya habang nakatingin sa dala kong canvas. I just wiggle my eyebrows while smirking kaya pareho kaming natawa. Ewan ko kung bakit kami natawa. Trip lang
Inilibot ko naman ang tingin ko sa iba pang tao sa loob. Nginitian ko naman ang ibang staff namin.
Wala pang customers kasi 8:00 pa ang bukas namin. Maaga lang sila pumasok dahil dito na sila nagkakape. Free naman ang Meal nila dito eh. Galante si Papa at Mama sa staff nila. Kaya madaming staff ang tumatagal dito.
Patakbo akong umakyat sa hagdan na magdadala sakin sa Art room.
"Ah, Yumie! May ba-----" pahabol na tawag sakin ni Chef Jay.
Nagtuloy pa din ako sa pag akyat sa hagdan. Kaya hindi ko na nilingon si Chef Jay dahil paniguradong sasabihin nya na naman sakin na kumain ako. Tinatamad pa akong kumain eh.
YOU ARE READING
Like we used to
Random" There will be a day when everyone needs to say a farewell. No matter who it is, No matter what it is." That's her favourite saying. Sa lahat ng oras na dumadaan sa buhay niya, wala siyang inaasahang tao dahil alam niyang sa huli ay magpapaalam ri...