Kabanata 4

18 13 3
                                    

Pababa na ako ng sinalubong ako ni Mama na paakyat na sana sa hagdanan.

"Buti naman at bumaba kana." Sabi ni Mama at sabay kaming naglakad para maupo sa sofa na nasa salas.

"Bakit po? May iuutos po kayo?" Tanong ko. Pupunta na kasi sana ako sa Restaurant para tapusin na ngayong araw yung ipinepaint ko.

"Hindi, wala. Tungkol sa Restaurant natin." Sagot nya naman kaya nagtaka ako. Anong meron don? Baka nalugi na kami. "Hindi tayo nalulugi kung iyan ang naiisip mo." Sabi nya kaya natawa ako. Akala ko naman.

"Ano pong meron doon?" Tanong ko pa ulit.

"May nag reserve kasi ng Restaurant para sa isang 25 years Anniversary celebration. Eh, ngayon dadating yung client natin." Sabi nya. Eh ano naman.

"Tinanggap nyo ba?" Tanong ko. Napangiwi naman siya.

"Malamang! Ngayon nga dadating diba?" Nakangiwing pambabara nya sakin. Grabe si Mama, oh. "Pupunta ka sa Restaurant diba? Sabay na tayo. Tayo ang kakausap sa client natin." Dagdag nya pa kaya tumango tango na lamang ako.

"Tara na, Ma." Sabi ko at tumayo. Tumayo din si mama. At tiningnan ang kabuuan ko. Mula ulo hanggang ingrown.

"Ayan na ang suot mo?" Tanong nya sakin kaya kumunot ang noo ko. Anong masama sa suot ko? Astig nga eh.

Naka black shirt ako na may desing na maliit na pusa sa kaliwang dibdib. Tapos faded jeans na high waist. Fited sya sa may bewang tapos maluwag na pagdating sa hita hanggang binti. Kaya nag tucked in ako.Tapos rubber shoes na black din. Tapos nakalugay ang buhok ko na hanggang bewang.

"Astig ko diba, Ma?" Sabi ko sa kanya habang nakangisi.

"Bahala ka. Tara na nga. 7:30 pa lang naman. Makakausap ko pa ang mga chef. Pati yung bagong hire na si Light." Sabi nya. Naglakad na kami palabas ng bahay.

Nakita ko naman si Yurie na nasa veranda kaya kumaway ako sa kanya. Kumaway din sya kaya dumeretso na ako papasok sa kotse ni Mama. Kanya daw ang gagamitin dahil after ng Meeting sa client ay uuwi na sya agad dahil tatawag daw si Papa. Mag commute na lang daw ako. Grabe si mama diba?

"Umayos ko sa harap ng kliyente, ha? Baka magpaka tomboy ka na naman don." Hala!

"Grabe naman Mama! Hindi nga po ako tomboy!" Naka ngusong maktol ko sa kanya. Kaya natawa sya.

"Alam ko naman. Mag boyfriend kana nga. Pag hindi ka nakahanap, mang hablot kana lang sa Restaurant natin. Madaming gwapo don." Sabi nya kaya nanlaki ang mata ko. Bakit ganito ang sinabi sakin ni Mama! Binubugaw ako.

"Binubugaw mo ako Ma! Bakit ganyan!" Kung mag boboyfriend ako, Yung sa normal na paraan! Bakit ako manghahablot!

Tumawa si mama sa sinabi ko at hindi sumagot. Ipinapark pala ang kotse. Pag ka park ay lumabas ako kaagad ng naka nguso parin.

"Hindi kita binubugaw. Ang OA mo, nak" natatawang sabi ni mama kaya ngumiwi ako. Hindi daw eh! Lumapit sya sa akin at hinili ako papasok sa Restaurant.

"Yumieng goooooo!" Salubong sakin ni Stellavain. May bago na naman syang tawag sakin.

"Miss mo na ko agad, Stellabellavain." Natatawang asar ko sa kanya.

"Aga mo ulit ah!" Sabi nya pa sakin habang naglalakad kami papunta sa isang table.

"May client daw, eh." Simpleng sagot ko at naupo.

Like we used toWhere stories live. Discover now