"Ayoko, Ma! May gagawin ako!" reklamo ko kay Mama ng sabi niya na kailangan kong i-meet up si Liam dahil malapit na yung celebration sa CafeRes. "Tsaka ba't kailangan si Liam? Eh pwede naman yung Mama na lang niya?" dagdag ko.
"Surprise kasi ang pag uusapan nyo ni Liam para sa celebration. Tsaka dadating ang kaklase ng kapatid mo, sa tamad mong 'yan hindi mo sila maasikaso." sabi sakin ni Mama kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko.
"Aasikasuhin ko po sila, promise!" pagpipilit ko pa kaya napabuntong hininga na lang si Mama.
Tahimik lang ako kanina na nanood ng T.V ng biglang sabihin sakin ni mama na may schedule siya ng meeting kay Liam kaso ay hindi siya maaaring umattend kaya ako na lang daw. Feeling ko tuloy binubugaw na naman niya 'ko kay Liam.
"Sige. Ako ang aattend. Pero babawiin ko ang kotse mo?" napatayo ako dahil sa sinabi niya kaya napatawa siya sa ginawa ko.
"Mama naman eh! Oo na po, ako na ang aattend! Nakakainis naman eh!" maktol ko kaya natawa parin siya.
Ngumisi si mama sa'kin "Papayag ka din pala. Kunwari ka pa, gusto mo din naman makita si Liam." sabi niya na siyang lalong ikinainis ko.
"Bakit ko naman po gugustuhing makita yon? Mapag kamalan pa ng tao na sugar Daddy ko yon!" parang OA na sabi ko kaya lumakas ang tawa ni Mama.
"Siraulo ka, 'nak. Gwapo si Liam. Matured pa." puri niya.
"Anong matured, Ma!? Baka matsura!" sabi kong muli na ikinatawa na naman niya.
"Bahala ka. Maligo ka na don! Ang baho mo!" sabi ni Mama at sumenyas na umalis na 'ko gamit ang kamay.
Napangiwi naman ako.
"Dalawang araw lang naman ako walang ligo eh." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papasok ng kwarto.
Agad akong nagtungo sa banyo upang maligo. Kailangan kong maghilod ng isang matindihang hilod. Baka malibag na 'ko.
Kagabi napag usapan namin ni Mama si Liam. Puri doon, puri dito at sinabi ni Mama. Ako naman puro panglalait.
Siya namang pagtatanggol ni Mama. Sabi ko kasi, mukhang matanda si Liam. Sagot naman ni Mama, 28 na daw si Liam, tsaka hindi lang daw ako sanay na makakita ng matured ang peslak.
Sa totoo lang hindi naman talaga mukhang matanda si Liam eh. Mukha kasing pang hollywood yung mukha niya. At ayoko sa mukhang pang hollywood.
Inalis ko sa isip ang napag usapan namin ni Mama at nagtuloy na lang sa paliligo. Nag toothbrush na din ako bago tuluyang lumabas.
Wala akong mapiling damit kaya kung ano na lang ang nasa unahan. Isang black na short at gray na loose shirt. Ipinartner ko naman sa T-shirt ang sapatos kaya nag gray rubber shoes na lamang ako. Nagsuot na din ako ng silver na relo. Peke lang 'to. Para iwas holdap.
Blinower ko na rin ang buhok at nagdala na lang ng isang itim na pangtali sa buhok. Pagkatapos ay bumaba na 'ko at ini-lock ang kwarto. Nasa kwarto naman ni Yurie si Heart eh.
YOU ARE READING
Like we used to
Random" There will be a day when everyone needs to say a farewell. No matter who it is, No matter what it is." That's her favourite saying. Sa lahat ng oras na dumadaan sa buhay niya, wala siyang inaasahang tao dahil alam niyang sa huli ay magpapaalam ri...