Kabanata 3

21 14 1
                                    

"Why are you laughing?" Kunot noong tanong nya.

"None of your business." Nakangising sagot ko nalang sa kanya tapos tinanguan siya. Napangiwi naman sya sa ginawa ko kaya napatawa ako.

"Btw, Keeley is now fine. Her Asthma attack because of heat and tiredness. But she's fine now. Fraze paid her bill already." Balita nya sakin kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Can she go home? I mean, is she discharged now?"

Tumango naman sya kaya tumango nalang din ako. Tanguan nalang kami

"Oh! There they are." Biglang sabi ni Roshan habang nakaturo sa hallway.

Tumingin naman ako sa hallway. Nakita ko si Keeley na normal na naglalakad habang pangisi ngisi pa. Si Fraze naman nakakunot ang noo.  Magkapatid sila mas bata lang ng dalawang taon sa kanya si Keeley.

"Hey Yumie! What's up!" bati ni Keeley ng makarating sa harap namin ni Roshan.

Napangiwi naman ako sa sinabi nya.

"In-asthma ka ba talaga?" Nakangiwi ko paring tanong sa kaniya kaya napahalakhak naman sya. Para siyang hindi nagkasakit sa paraan ng kilos niya. Siguro nga, abno talaga 'to.

"Hey! Speak English." Sabat ni Roshan. Kaya napabuntong hininga na lang si Kee. Kailangan talaga kami ang mag aadjust pag kasama siya.

"You brat! I told you to bring your Inhaler wherever you go! Look what happen!" Pangaral sa kanya ni Roshan kaya napawi ang ngisi ni Keeley at napalitan ng ngiwi. Siniringan pag nito si Roshan.

"You fraud! I also told you to learn how to speak tagalog so we don't need to speak freaking English whenever you're around!" Balik na pangaral sa kanya ni Keeley. Kaya nagulat ako, dapat hindi nya sinabi yon. Alam ko kung gaano ka gusto ni Rosh na matutong magsalita ng tagalog.

Napatingin ako kay  Roshan na nakatitig lang kay Keeley na parang may masakit itong sinabi sa kanya.

Sa amin kasing lahat, si Roshan ang pinaka matampuhin at emotional. May masabi ka lang na isang masakit na salita sa kanya masasaktan na yan.  Prangka lang talaga si Keeley kaya niya nasasabi niya yon.

Lumapit ako kay Roshan ng biglang nanggilid ang luha nya. Tsk! Baka umiyak sya.

"Haluh, hoy! Sorry Roshan. I just said it for you to willingly learn tagalog. I didn't mean to insult you." Sabi ni Keeley tsaka ito lumapit kay Roshan at tinapik ng mahina ang pisngi.

"Psh. Let's  go. We're disturbing other patient." Seryosong sabi ni Fraze kaya nakangusong sumunod si Keeley sa kanya. Napakunot nalang ang noo ko sa paraan nang pagkakasabi nya noon.

Tumingin na lamang ako kay Roshan na nagpapahid ng luha sa gilid ng kanyang mata. Tinapik ko naman ang pisngi nya tapos tumingkayad para maabot ang tenga nya at bumulong dito.

"Told yah. Learn tagalog. 'cause the girl you like has a higher pride than her height." Nangaasar na sabi ko. Lumayo naman ako para makita ko ang itsura nya. Kaya ganon nalang kalaki ang ngisi ko ng makitang mamula ang tenga nya. Huli ka!

"H-How did y-you know?" Mahinang tanong nya sakin na para bang maririnig ni Keeley ang pagsasalita nya.

"I didn't know. I just figure out." Sabi ko ulit, then i wiggle my eyebrows at bahagyang natawa kasi nagiwas sya ng tingin.

"Let's go! they are waiting for us. And maybe, just maybe. Keeley is waiting for you." Sabi ko sa kanya at lakad takbo para makasunod kila Fraze.

Like we used toWhere stories live. Discover now