Kabanata 10

7 3 0
                                        

Dumeretso ako dito sa CafeRes para tingnan kung anong painting ang maaring mai-display sa celebration pero tinamad na 'ko. Pagkatapos ng nangyari kanina ay naisipan ko na lamang umuwi. Hindi ko na rin inintay na makabalik pa si Stella.

Nang makarating sa bahay ay bumungad sa akin ang dalawang kaklase ni Yurie na nasa salas. Nakatalikod ang mga ito sakin kaya naglakad ako papunta sa kanila.

"Hoy!" sabi ko pagkarating sa likuran nila. Tinapik ko pa ang balikat ng dalawa kaya sabay itong napatingin sa'kin.

"Ate Yumie! Ganda mo parin!" bati sakin ni Jackson na nakangiti ng malaki.

"Ikaw, maganda." sabi ko at tumawa. Napangiwi naman siya sa sinabi ko. Humarap ako kay Carter na nakatingin lamang sakin.

"Crush mo na naman ako? Hindi nga ako pumapatol sa bata." nakangising sabi ko kay Carter kaya tumawa si Yurie at Jackson. Napakamot naman sa batok si Carter kaya natawa ako.

"Apat na taong lang tanda mo samin, ate." sabi Carter kaya binatukan ko siya. Close ko ang ilang kaibigan ni Yurie kasi noong school days nila, tuwing may gagawing practice. Dito sila sa bahay pupunta, hindi pag ganto kalaki yung bahay namin dati, pero hindi naman maliit.

"Kahit na! Teenager ka pa lang ang harot harot mo na!" sabi ko pa kaya sabay silang nagtawanan.

"Ate! Gawa mo kami ng shake!" sabat ni Yurie. Kaya inirapan ko siya.

"SHEYkhira, gusto mo?" tanong ko sa kanya, nangaasar. Sheykhira ang buong pangalan ni Khira. Yung kapatid ni Khier. Si Khier naman ang buong pangalan ay Shakhier.

Naghiyawan naman yung dalawa kaya napapahiyang naupo na lamang si Yurie.

"Patay na patay ka pa rin pala kay Khira, eh." asar sa kanya ni Jackson. Binato naman ito ni Yurie ng throw pillow kaya natatawang umilig si Jackson. Si Carter pangisi ngisi lang.

"Dyan muna kayo. I will just make a shake." sabi ko. "Kahit anong flavor, okay lang, diba?" tanong ko sa kanila. Nag thumbs up naman silang dalawa at tumango lang si Yurie.

Naglakad na 'ko patungong kusina kung nasaan nakita ko si Manang Nori na nag iimis ng kalat sa kusina. Si Mama naman, nagluluto.

"Hi, Mother Earth!" bati ko kaya napatingin siya sakin.

"Nakalog na naman ang utak mo." sabi niya sakin kaya tumawa ako.
"Sakto lamang ang dating mo. Kamusta yung meeting mo?" tanong ni mama kaya kaya napangiwi na lang ako ng maalala yung nangyari kanina.

"Naghintay lang naman ako ng mahigit isang oras sa pesteng lalaking yon." sabi ko. Siya lang ang gumawa sakin 'non! Si Mama nga hindi ako pinaghihintay ng matagal eh.

Tumawa si Mama. "Bago yon ah? Ikaw, nag intay." sabi niya. Psh.

Hindi naman ako umimik at nagtungo na lamang sa Ref para maghanap ng pwede gamitin sa shake. Binuksan ko ito, may nakita akong ilang prutas. May strawberry, Apple, may ilang grapes at mangga.

Kumuha ako ng strawberry. Kumuha na din ako ng chocolate para isama. Masarap naman choco strawberry shake. Imbento ko lang. Minsan nga nilalagyan ko pa ng gatas para mas masarap.

Like we used toWhere stories live. Discover now