Kabanata 7

18 7 1
                                    

Pagkaalis nina Roshan at Rio sy pumanhik na lang ulit ako sa aking kwarto. Mamaya maya pag naman kami maghahapunan eh.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood sa youtube ng may kumatok. Naupo ako galing sa pagkakahiga at inintay mag salita ang kumakatok.

"Ate!" si Yurie pala.

Tumayo ako at naglakad para pagbuksan siya.

"Problema mo?" tanong ko sa kanya pagkabukas ng pintuan. Iniwan ko naman itong bukas at bumalik sa pagkakahiga sa kama.

Pumasok naman siya at naupo sa may paanan ko.

"Pwede mahiram yung drum set mo?" napatingin ako dahil sa tanong niya. Regalo sakin ni Tita Chels yung drum set na yon noong 18the birthday ko. Kasali ako sa band noong college namin. I'm a drummer, bruh.

"At baket?" taas kilay na tanong ko sa kanya kaya napa kamot siya sa ulo.

"Pupunta kasi sina Jackson at Carter dito next next day. Eh, diba drummer si Carter? Mag cocover kami ng songs." pagpapaliwanag nya kaya napatango na lamang ako.

"Sample ka muna ng kanta." nakangising sabi ko sa kanya kaya napangiwi siya na siya namang ikinatawa ko.

"Dali na! One day lang naman yun eh!" pilit pag niya sakin.

"Fine. Pero may condition." sabi ko sa kanya kaya pinagtaasan niya ako ng kilay. Sana lahat makapal ang kilay.

"Spill it."

"Sasamahan mo 'ko sa pet shop one of this week."

Akala ko magrereklamo siya pero ngumisi siya sakin at biglang tumayo.

"Deal! Yun lang pala eh. I will ask Mama if pwede akong bumili ng ibon." sabi niya. Kaya naman pala ang bilis pumayag, may bibilhin din.

"May ibon ka na, ah?" nakangising tanong ko sa kanya.

"Huh? Wala kaya!" kunot noong sagot nya.

"Meron. Paano ka mawawalan."

"Huh?"

"Huh?" asar ko sa kanya.

"What the hell, ate!" sabi nya at ibinato sakin yung unan na malapit sa kanya kaya napapahalakhak akong umiwas.

"Joke lang. Pero kung makakabili ka ng ibon saan mo ilalagay?" tanong ko sa kanya. Hindi pwede sa loob ng bahay dahil paniguradong magagalit si Mama.

"Sa may Tree house." simpleng sabi niya kaya napaupo ako. Oo nga pala! May tree house kami sa may likod ng bahay. Gawa yon ni Papa dati, nung apat na taon pag lang si Yukie.

"Hala, oo nga! Napunta ka pag din doon sa Tree house?" kuryosong tanong ko sa kanya. Sunod sunod na tango naman ang ginawa niya.

"Yup! Maayos na din yung mga gamit. Medyo maalikabok yung iba. Pero maayos na din naman. Pwedeng pwede pang tambayan." sabi niya pa.

"Punta tayo don mamaya!"

"Pumunta ka. Pupunta naman talaga ako kahit hindi ka pumunta doon." sabi niya at tumayo na. "Baba na ulit ako. Nasaan si Heart? Dadalhin ko sana Tree house." dagdag na tanong niya

Nasaan na nga ba yung maharot na pusang yon.

"Baka nasa kusina. Chupi na!" pagtataboy ko sa kanya at sumenyas pag na lumabas.

Like we used toWhere stories live. Discover now