Raine
Naiinitan na ako sa sout kong gown at medyo naiirita na rin ,pero di ko magawang tanungin ang lalaking dumakip sa akin. Ilang oras na rin kami palutang-lutang sa dagat at hindi ko alam kung saan ba kami patungo. Nang kumalam ang aking sikmura ay saka palang ako nagkalakas ng loob upang kausapin sya.
"uhmm nagugutom na ako may pagkain ba diyan"tanong ko sa kanya ngunit imbes na sagutin nya ako ay tumayo lang sya at umalis .
Napahawak ako sa aking tiyan nang patuloy pa rin itong kumakalam ,tinignan ko ang pintuan pinasok ng lalaking dumakip sa akin
Ano kayang ginagawa nya
Kahit kinidnap nya ako ay dapat magpasalamat pa ako dahil kung hindi nya ginawa yon ay makakasal at laking paslamat ko na hindi nya ako tinatali katulad ng mg napapanood kong movie. Ilang sandali ang lumipas at bumalik na yung lalaki at may dala dala ito sa kanyang kamay .
"Oh kumain ka na "ani nya ,napatingin ako sa hinanda nyang pagkain isa lang iyong simpleng omelet pero parang kinilig ako .
Kinuha ko ang kutsara at sumubo , masarap ito at tila pagnakain ito ng iba ay makakalimutan nila ang pangalan nila ,ganoon kasarap.Wews ang OA ko dun
Habang kumakain ay pasimple ko syang sinusulyapan . Ang gwapo nya pala ,matangos na ilong ,makapal na kilay ,mapula labi at ang panga .
Umiigting kaya iyon .Ang landi
Ang gwapo nya na sa pwesto namin ngayon pano pa kaya king close up na . Wala siyang ibang ginawa kundi ang kutingtingin ang kanyang ipad .
"Staring is rude" biglang turan nya sa akin ,kaya bigla akong napainom ng tubig.
"Im not baka ikaw "bintang ko sa kanya kahit ang totoo ay ako naman talaga ang gumagawa noon.
"Tss."react nya sa sinabi ko
Lumipas ang oras at nakarating na yata kami sa aming paroroonan , nakapagpalit na rin ako ng damit pero sa tingin ko ay kanya ito dahil ang laki at kaamoy nya . Sout ko pa rin ang pambaba ko pero ang pantaas ay ang damit nya na isang puting polo.
"Nasaan tayo?"tanong ko pagkababa namin ng yate
"Doon ka nga sa likod!"asik nya sa akin , ayaw ko kasi doon dahil napapalibutan ako ng mga malalaki nyang tauhan at feeling ko ay binubusuhan nila ako.
"Ayaw ko doon , dito na lang ako" sabi ko sa kanya ,ngunit kunutan nya ako ng noo
"Ikaw lang ang kinidnap na parang enjoy ka pa "wika nya sa akin at agad naman akong nagreact. Anong akala nya sa akin porque gwapo sya ay masaya ang makidnap
"Huy! Hindi kaya may dahilan lang kasi "depensa ko sa kanya
"Whats your reason?" Tanong nya ,dapat ko bang sabihin ang dahilan ko kung bakit hindi ako naglaban. Siguro dapat nga
"Ayaw kong makasal"simple kong sinabi at bahagya ng dumistansya ka
"Im your savior pala "presko nyang sabi pero tama naman sya tungkol doon . Nakarating kami sa isang magarang beach house , ang swerte ko makidnap sa magandang bahay pa pala ako ilalagi .
Pagpasok namin ng bahay ay dumambad sa amin ang isang may gulang na lalaki ,sa tansya ko ay nasa around 90 na iyon pero halata mong malusog ito kaya hindi kataka-takang nakakatayo pa ito sa kabila ng kanyang edad.
Lumapit kami doon sa matanda at nakasunod pa rin ako sa lalaking nasa tabi ko ngunit bigla nyang hinapit ang bewang ko .
"Lo fiancee ko po "biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi , akala ko ba isa akong bayad bakit bigla ay naging instant fiancee ako . Nakangiti sya sa akin ng pagkatamis-tamis na mula pa kanina ay hindi nya naman ito ginawa .
Ano bang nangyayari ?
Bakit instant fiancee ako?~to be continued
YOU ARE READING
Steal Heart
General FictionI was forced to marry the man that I don't love but when the wedding day comes, someoned kidnapped me . It isn't because he loves me but my parent has a debt to pay He's cold but caring too He's smart but naive too He sound so bitter yet so sweet t...