Raine
Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa mga nangyayari mula sa pagkidnap sa akin hanggang sa pagiging fiancee ko. Ngayon ay nakahiga lang ako sa kama at kinakalikot ang ipad na may control dito sa kwarto.
Namamangha ako dahil hindi naman kami ganoon kayaman pero may mga ganito bagay rin naman kami ang kaibahan nga lang ay mas malaki at doble ang karangyaan nito. Ang buong kwarto ukupado ko ngayon ay halos kasing laki na ng aming dalawang kwarto sa bahay na kung tutuusin ay malalaki na ang kwarto namin doon.
Ang buong akala ko ay maganda na ang bahay namin yun pala hays
Biglang pumasok yung lalaki na dumakip sa akin kaya napaayos ako ng upo, hindi ko po nakakalimutan ang mga pinagsasabi nya kanina.
" Lo fiancee ko po" salubong nya sa kanya yata lolo, ano bang pinagsasabi nito ay hostage ako at hindi fiancee. Pero imbes na salungatin ko sya ay sinakyan ko na lang ito
" Good afternoon po"bati ko sa matanda at nagmano pa, nakakatakot ito.
"Good afternoon din iha ikaw pala ang kinukwento nitong apo ako, Ako si Jinosensyo o Lolo ino"mabuti na lang pala at approachable si lolo ino. Niyakap nya at bilang paggalang ay sinuklian ko iyon
"ahh lo magpapahinga po muna kami, Raine tara na "
Masama ang tingin ko sa kanya nang umupo ito sa couch malapit sa kama ko. Prente lang itong nakadekuwatro at tila wala lang ang nangyari kanina kaya hindi ko napigilang magsalita ng mahinahon
"Hoy! Anong fiancee ang sinasabi mo? "bulyaw kong sabi sa kanya
Kalimutan nyo na ang mahinahon kong sinabi
"Just like you, I dont wan't to married somebody also "sagot nya sa akin pero marami pa rin akong tanong
"Bakit ako? Diba kidnap 'to? "bulyaw ko pa ring tanong sa kanya ,ewan ko ba kung bakit hindi ko mahinaan ang boses ko.
" Pwede ba hinaan mo ang boses mo , and I don't need to explain to you"mahinahon nyang ani ngunit halata ang kanyang pagkairita . Naiinis ako sagot lang naman ang kailangan ko at handa naman akong makipagtulungan sa kanya eh
"Isusumbong kita kay lolo ino"sigaw ko at nagmartsa papuntang pinto ngunit di pa ako nakakarating doon nang marahas akong hilain ng lalaking kasama ko papuntang bintana
"Hoy lalaki ano ba! "bulyaw ko
Iniharap nya sa bintana habang sya ay nasa aking likiran ramdam ko abg hininga nya sa aking batok.Nakakakiliti
"Sige subukan mo at ipapatapon kita dyan, tignan lang natin kung hindi ka lapain ng mga pating dyan" pananakot nya sa akin sabay turo sa malawak na dagat. Napalunok ako sa mga tinuran dahil ibang iba ito sa lalaking nakilala ko
Teka di ko nga pa pala sya kilala
Hindi pala ibang iba pala ito sa ugaling ipinakita nya sa akin pero makakaya nya ba talagang gawin iyon
"Scared? " tila namamaos ang boses nya sa aking likuran na naghatid sa akin ng halo-halong pakiramdam.
Kilig?, takot at nerbyos."Hindi 'no lalaki ,Oo hindi na"sabi ko sa kanya na nasa likuran ko pa rin
"Good girl, I'm Christian Garcia not lalaki "sabi nya at umalis na sa likod ko, ginulo nya pa ang buhok ko bago pa umalis sa kwarto bakit. Bakit ganon ang kanyang boses paos at malamig nakikiliti ang kaibuturan ko
Baliw na ba ako?
Kung ganoon ay Christian pala ang pangalan pang anghel kaiba sa totoo nyang ugali. Ngayon kailangan ko namang isipin kung paano l sya matutulungan at kung ano ang aking susuotin bukas .
Wag naman sana ang gown ko kanina o di kaya ang sout ko ngayon, nakakadiri
~to be continued
YOU ARE READING
Steal Heart
Ficción GeneralI was forced to marry the man that I don't love but when the wedding day comes, someoned kidnapped me . It isn't because he loves me but my parent has a debt to pay He's cold but caring too He's smart but naive too He sound so bitter yet so sweet t...