Raine
Hindi pa rin ako makaget over sa mga pinagsasabi nya kagabi kaya naman wala akong maayos na tulog na idadag mo pang kasama ko sya sa kwarto at higain. Nakakainis!
Maaga kaming umalis sa bahay ni Lyn para maabutan namin ang pagputok ng araw, ang ganda ng paligid pero di ko ito magawang pagtuonan ng pansin dahil pa rin sa nangyari.
Bakit masyado kang affected Raine!?Ughh nakakainis!!
May dala na kaming almusal kaya di na nmain bumalik sa bahay ni Christiang demonyito. Napalingon ako kay Lyn ng bigla syang magsalita sa tabi ko.
" Gaano na po kayo katagal ni sir Christian? " tanong nya kaya napaisip, gaano na nga ba kami katagal?!
Chos! Pinamulahan ako sa sarili kong kalokohan, nakakahiya pero nagawa ko pa ring sagutin ang tanong nya.
" Wala namang kami! " sabi ko sa kanya pero sana nga meron charot.
" Talaga po! Ilang taon na lang po kayo magkaibagan?! " tanong nyang muli sa akin, bakit naging sibrang matanong nya.
" Pwede bang tigilan mo yung kapo-po! " singhal ko sa kanaya ng mapansin kong kanina pa sya nagpo-po sa akin, ginagawa nya akong natanda grr.
" Sorry po! " sagot nya
" Ya! " saway ko sa kanya ng muli na na naman syang magpo, ilang saglit ng katahimikan ang bumalot sa amin habang nakatanaw kami sa papasikat na araw.
" Hindi kami magkaibigan Lyn " kaswal na sagot ko sa kanya, nakita kong kumunot ang noo nya sa sinabi ko. Malamang naguluhan sya sa set-up namin dahil natutulog kaming magkatabi pero hindi rin kami magkaibigan at lalong walang kaming relasyon.
" Ha!? " tanging sagot nya
" He's my kidnapper! " pagaamin ko, hindi ko agad tinignan ang mukha nya dahil baka sabihin nyang sinisiraan ko ang amo nya ngunit nang unti unti ko syang tignan ay iba ang nakita. Pagkamangha, Selos at Inggit. Bakit!?
" Nakakainggit ka naman ma'am Raine!" nagulat ako sa naging reaksyon nya, nakakainggit? Alin doon yung nakakaingit? Yung takutin?! Yung sabihan ka nagtatamis na salita pero biro lang pala?!
" Raine will do, tsaka anong nakakainggit doon?! " singhal ko sa kanya pero don't tell me may crush sya sa demonyitong iyon.
" Kasi po sa lahat po ng nagibg girlfriend nya wala pa syang dinala sa beach house nila dito at ikaw palang po tapos bigla na lang syang naghugot ng nga katulong sa family house nila?! " ehh?
" Weh? Joke ba yan?! Waley ha " biro sa kanya ngunit seryoso syang nakangiti habang pinagmamasdan ako kaya bigla akong nailang.
"Why?! " tanong ko sa kanya
" Sa totoo lang Raine naiinggit ako sayo. Kasi kahit walang kayo at di rin kayo magkaibigan ay nakikita kong mahalaga ka sa kanya. Iba rin ang saya nya sa tuwing nakikita ka bagay na hindi namin nakita sa tuwing magkakasam kami nila Aira" malungkot nyang sabi. Sino naman si Aira?!
" Aira?! "tanong ko
" Yung babaeng tumawag sa akin kahapon habang naguusap tayo !" masyang ani nya. Aira pala pangalan nya, I see.
Wait! Girlfriend ba sya ni Christian at kaya sya masungit dahil sa akin. Luh! Makakasira pa yata ako ng relasyon.
" Girlfriend ni Christian ?" tanong ko sa kanya ngunit umiling sya. Ano pala? Kung hindi jowa?! kukulitin ko pa sana sya nang makarinig kami ng putukan mula beach house. Sikat na ang araw kaya naging madali na sa amin ang tumakbo papunta roon pero bigla kaming sinalubong ng mga tauhan nila at hinila upang magtago sa isang puno.

YOU ARE READING
Steal Heart
Fiksi UmumI was forced to marry the man that I don't love but when the wedding day comes, someoned kidnapped me . It isn't because he loves me but my parent has a debt to pay He's cold but caring too He's smart but naive too He sound so bitter yet so sweet t...