Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat at isa isang nagdadatingan ang mga napiling maging parte ng isang magandang pelikula.
Unang dumating ang rider na si Max sakay ng kanyang pinakabagong big bike laking pagtataka niya kung tama ba ang kanyang address na napuntahan dahil base sa kanyang natatanaw ay tila isang abandonadong lugar ang bahay at tila walang shooting na magaganap ngunit hindi niya ito masyadong inisip umupo sya sa isang upuan sa balkonahe ng bahay at naghintay ng kasama.
Makalipas ang ilang minuto ay sabay sabay dumating ang gurong si Newwie, engineer na si Tul at doktor na si God katulad ng naunang si Max ay nagulat din sila sa kanilang nakita. "Dito ba talaga ang lugar?" tanong ni Tul sa mga kasama. "Hindi ko din alam ngunit ito ang nakalagay sa address na ibinigay." tugon ni Newwie. "God, tingnan mo nga sa mapa ng cellphone mo kung tama ito." utos ni Tul sa doktor. "kanina ko pa nga tininitingnan ngunit walang signal dito." tugon ni God. "Saglit hahanap ako ng lugar kung saan may signal'" dagdag nito at iniwan ang dalawa. "Teka mukhang may tao na doon" usal ni Newwie at itinuturo ang bahay. "Oo nga, tara at pumunta na tayo doon." sagot ni Tul. Habang papalapit ang dalawa ay tila nakikilala na ni Tul ang taong nasa balkonahe. Napatigil siya sa pagalalakad. "Bakit ka huminto?" tanong ni Newwie. "Tara na bilisan mo." dagdag ni Newwie at tumuloy sa paglalakad walang nagawa si Tul kung hindi sumunod. Pagdating sa balkonahe, "Magandang araw." bati ni Newwie kay Max na nakaupo sa gilid ng balkonahe. "Magandang araw din." sagot ni Max. Napatingin si Max sa kasama ni Newwie. "ikaw pala." tugon ni Max hindi kumibo si Tul at inaya na lang na pumasok si Newwie sa loob ng bahay. Ngunit pinigilan sila ni Max. "Huwag na kayong magtangka kung bukas iyan edi sana kanina pa ako nakapasok. " wika nito. Umupo na lamang si Newwie sa isang upuan malapit kay Max samantalang si Tul ay umupo sa isang baitang ng hagdan.
Sabay sabay namang dumating lulan ng isang puting van ang photographer na si Tay, modelong si Mean, direktor na si Singto at ang aktor na Fluke. Magkakasamang dumating ang apat dahil sila ay nasa iisang management lamang. "Mga bro, dito ba talaga?" tanong agad ni Fluke. "Baka naman niligaw mo kami Singto ha." wika ni Tay. "Pinagttripan na naman tayo siguro ni Singto." wika naman ni Mean. "Dito yun ayan oh pakibasa yung address." sabay turo ni Singto sa arko sa gate ng bahay. Ipinasok ni Singto ang sasakyan sa loob at isa isa silang bumaba. Nakita sila ni Tul at tinawag agad sila nito. "Mga bro, dito." sigaw ni Tul. Nakita ng apat ang sumisigaw at lumapit sa mga ito. "Tatlo pa lang kayo?" tanong ni Mean. "Hindi apat na kami. Nandiyan lang yung isa naming kasamahan naghahanap ng signal ng cellphone." tugon ni Tul. At sabay sabay tumingin ang apat sa kanilang cellphone at laking gulat nila na wala ngang signal ng cellphone sa lugar na iyo.
Nasa ganoon silang pag uusap ng dumating ang martial artist na si Boat, kasama si Zee na isang basketball player, si Perth na football player at Ohm na isang swimmer. Natanaw agad sila ni Fluke. "Ui mga bro, tingnan niyo yung apat na dumarating mukhang mga atleta ah." tugon nito. Sumang ayon naman ang mga ito sapagkat sa tindig pa lang at lakad ng apat ay masasabi mo ng sila ay mga atleta. Dumating ang apat sa balkonahe, "Magandang araw" bati ni Perth sa mga ito." Magandang araw sagot ng lahat. Ngunit hindi katulad ng mga nauna tila ang tatlong bago na sina Boat, Zee at Ohm ay may sariling mundo dahil imbis na bumati sa mga naunang kasama ay pinili lang ng tatlo na tumayo sa labas ng balkonahe at nag usap usap na tila sila lamang ang mga nandoon. "Anong problema ng mga kasama mo?" tanong ni Singto kay Perth. "Hayaan niyo na yang tatlo na yan, sanay na ako sa mga yan. Kanina nga sa biyahe mas ninais ko pa matulog kasi wala naman ako makausap e. " tugon ni Perth. "Ngunit hindi natin alam hanggang kailan tayo dito dapat makisama tayo sa lahat." wika ni Mean. "Mga bro tara dito." tinawagg ni Mean ang tatlo. Lumingon ang tatlo sa kanila ngunit hindi man lamang kumibo o gumalaw. Makikita sa mukha ni Mean ang pagkaasar buti na lamang napigilan siya ni Tay kung hindi ay magkakaroon agad ng away sa pagitan nila.
Sabay namang dumating ang magbestfriend na si Oaujun isang vlogger at Oreo isang flight attendant. Bata pa lamang ay magkasama na ang dalawa at tila alam ng kinikilos ng bawat isa. Lumapit sila sa karamihan at nakipag usap.
Mag isa namang dumating ang Chinese na si Krist isa siyang exchange student at dahil bakasyon ngayon ay nakipagsapalaran siya sa mundo ng pag arte at sa kabutihang palad siya ay natanggap. Malayo pa lamang siya ay isang pares ng mata ang hindi maialis ang tingin sa kanya. "Ni hao." bati nito sa mga nauna na. "Mga Bro, Chinese ata." tugon ni Oaujun. "Oreo ikaw nga kumausap diba flight attendant ka." utos ni Oaujun sa kaibigan. Lalapit pa lamang si Oreo sa bagong dating ng magsalita muli si Krist. "Huwag kayo mag alala nakakaintindi at nakakasalita ako ng Tagalog." wika ni Krist. "ayun naman pala. Di na ako kailangan magtranslate."wika ni Oreo at nagtawanan ang lahat maliban sa tatlong may sariling mundo.
Dumating na rin ang magkaibigan, Joss isang dancer at Mew isang singer lumapit agad sila sa karamihan at nakipagkamustahan.
Huling dumating ang magkapatid na Gulf, medicine student at Pawat isang mobile gamer, lulan nila ang kaklase ni Pawat na si Pluem na isang scholar ng bayan. Lumapit ang tatlo sa karamihan.
Pagdating nila sa balkonahe ay bigla na lamang may malakas na pagsabog silang narinig at nakita nilang tumatakbo si God pabalik sa bahay at tila takot na takot. Nilapitan agad ito ng kaibigan nyang si Newwii. "Bro, bakit?" tanong agad ni Newwii. "Yung tulay...." wika ni God habang hinihingal. "Anong tulay?" wika ni Max. "Putol yung tulay." dugtong ni God. "Pero buo pa iyon nung dumaan kami." usal ni Gulf. "Kayo ba yung kotseng dumaan kanina?" tanong ni God sa talto. "OO at buo pa sya nun." sagot ni Gulf. "kitang kita ko paglagpas niyo ng tulay wala pang ilang minuto ay sumabog ito." wika ni God. "Iyon siguro ang malakas na pagsabog kanina." tugon ni Singto. Tumakbo ang mga ito papunta sa tulay at nakita nga nila ang tanging daan na nadudugtong sa bayan at sa isolated na bahay ay nasira na.
"Paano na ito?" wika ni Mew. "Tila ata hindi maganda ang naiisip ko, tila ata pinaglalaruan tayo na kung sino man." dagdag nito. "Mga bro, yung pinto ng bahay bukas na." sabay turo ni Tay sa bahay na biglang bumukas ang pintuan.
-0-
BINABASA MO ANG
Codename: RED
Mystery / ThrillerIto ay istorya ng 20 kabataan na may iba't ibang kagustuhan at pinanggalingan na nagnanais makilala bilang mga artista ngunit ang pangarap palang ito ang maghahatid sa kanila sa bingit ng kamatayan at sa hindi malamang dahilan isa isa silang binabaw...