Chapter 9 : Ano pa ang pwedeng mangyari?

13 2 0
                                    

Hindi na mapakali ang mga natitirang kabataan sa loob ng mansyon ngayon ang natitira na lamang ay ang magkapatid na Gulf at Pawat, Doktor na si God, ang Engineer ng Tul, Teacher na si Newwie, Foreign Exchange Student na si Krist, vlogger na si Oaujun, ang swimmer na si Ohm, Model na si Mean, irektor na si Singto at ang dancer na si Joss.

Isang maghapon na naman ang nakakalipas ng may huling bawian ng buhay at ito nga ay si Max. Ngunit hindi pa rin makapag isip ang mga ito kung paano ba sila tuluyang makakalabas sa kasumpa sumpang bahay na iyon at matakbuhan kung sino man ang pumapatay.

"Maggagabi na naman. Sino naman kaya ang isusunod?" takot na wika ni Pawat. "Pwede ba Pawat, wag kang magsalita ng ganyan basta sama sama tayo sigurado walang syang makukuha sa atin." tugon ni God. "Tama kaya sana wala munang hihiwalay." sambit ni Mean. "Ang mga kandila nakahanda naba para kung dumilim man ay hindi na natin kailangan pang umalis sa pwesto natin para hanapin ang mga kandila." wika ni Tul. "Nasa akin na lahat pati ang mga pansindi." tugon ni Gulf. "Mainam naman, basta walang hihiwalay sa atin." Wika ni Tul. 

At dumating na nga ang ikaapat na gabi nila sa bahay na iyon ang lahat ay matiyagang nagmamatiyag sa anuman ang maaaring kakaibang mangyari sa paligid. Lingid sa kanilang alam ay may nakatanaw sa kanila mula sa itaas at kumukuha ng tamang tiyempo kung paanong may isa o dalawa na naman siyang bawian ng buhay.

Lumipas ang isang oras at patuloy lang ang mga ito sa pagkakaupo ng biglang may bumagsak na mga sampung patong na paso mula sa ikalawang palapag at tumama sa ulo ni Singto dahilan upang ikabali ng leeg ni Singto at ikamatay nya. 

"Singtoooooooooooooooooooooooo!!!!!!!!!!!"sigaw ng lahat. Dali daling tumakbo si Mean sa kaibigan at inalis ang mga pasong nabasag sa ulo nito. "Singto, Singto, gising." buong pagsusumamo ni Mean sa kaibigan. "Singto." hiyaw ni Mean. Walang nagawa ang mga kasamahan nila dahil alam nilang huli na ang lahat kahit doctor na si God ay nawalan na nang pag asa ng makitang umaagos ang madaming dugo mula sa ulo ni Singto papunta sa katawan ni Mean.

"God, please tingnan mo kung mabubuhay pa si Singto." pagsusumamo ni Mean sa doctor. Nilapitan ito ni God at kinausap si Mean. "Mean malakas ang pagkakabagsak ng paso sa mga ulo ni Singto, imposibleng buhay pa sya." at hinawak ni God ang pulso ni Singto. Tumingin ito kay Mean at umiling. "Singtoooooooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!" pagpalahaw ng iyak ni Mean.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakakita si Pawat ng hindi pangkaraniwan ng bagay mula sa pinagbagsakan ng mga paso. Pinuntahan ito ni Pawat. "Bakit may mga papel dito. Saan ito galing?" wika ni Pawat. Tumingin ang lahat kay Pawat. Nilapitan siya ni Newwie at kinuha kay Pawat ang mga ito. Binuksan ito ni Newwie. "Anong nakalagay?" tanong ni Joss. "Wala blangko." tugon ni Newwie. "baka nakasama lang ito sa mga paso." pagpapatuloy ni Newwie at itinapon ang papel sa basurahan.

Itinayo ni Gulf si Mean mula sa pagkakaupo upang makuha nila God at Joss ang katawan ni Singto at malinis ang ulo nito na punong puno na ng dugo. 

"Pawat samahan mo nga ako, magccr lang ako." Aya ni Oaujun kay Pawat. "Ayan lang yung CR natakot ka pa." wika ni Pawat. "Pawat hindi ako natatakot ngunit ano bang ang sabi nila diba wag maghihiwa hiwalay?" sagot ni Oaujun. "Oo nga PAwat samahan mo na baka ikaw naman ang natatakot wag ka mag alala titingin kami lahat dun sa cr." pabirong wika ni Gulf. "hindi ako natatakot kuya, halika na nga Oaujun." Aya ni Pawat kay Oaujun.

Habang papasok si Oaujun sa cr ay akmang papasok din si Pawat. "Oh bakit papasok ka rin?" takang tanong ni Oaujun. "Akala ko ba walang maghihiwa hiwalay.haha" at pumasok si Pawat sa CR. "Labas. Magbabantay ka lang sa labas hindi ka papasok dito sa loob ng cr." at itinulak ni Oaujun si Pawat palabas at nilock ang pinto. 

Pagkatapos ni Oaujun mag cr ay nakapansin sya ng nakatayo sa gilid ng pintuan. "Pawat sabi ko sa labas ka lang e. Kakulit talaga ng bata na ito." wika ni Oaujun ngunit hindi kumibo ang nasa pintuan. "Hay naku Pawat halika na nga." ng akmang hahawakan ni Oaujun ang nakatayo sa gilid ay laking gulat nya ng hindi si Pawat ito ngunit si. "Ikaw????????" sambit ni Oaujun. Ngunit hindi na tuluyang nakasigaw si Oaujun dahil pinasakan ng taong nakapula ang bibig nito ng maraming papel. Hindi tinigilan ng misteryosong lalaki ang paglalagay ng papel sa bibig ni Oaujun hanggang hindi ito nauubusan ng hininga. Nang matiyak nito na wala ng hininga ang biktima ay isinubsob nito ang ni Oaujun sa toilet bowl at binuhusan ito ng tubig. Sinalat nito ang mga pulso ni Oaujun at ng matiyak na wala na itong buhay ay saka nito nilisan ang CR gamit ang isang lihim ng pintuan.

Makalipas ng labing limang minuto ay hindi pa rin bumabalik si Oaujun at nagtaka na ang lahat. "Pawat si Oaujun?" tanong ni Krist. "Nasa CR pa hindi pa nga lumalalabas e." sagot ni Pawat. "Bakit iniwan mo?" gulat ni God at tumakbo papuntang CR. "Sabi nya sa labas lang ako." sagot ni Pawat. "Oaujun.Oaujun." paulit ulit na tawag ni God. "Pawat bakit mo sya iniwan." sambit ni Tul. "Sabi nya wag ko na daw sya samahan sa loob." tugon ni Pawat. "Huwag nang sisihin si Pawat. Nakita ko kung paano itulak ni Oaujun si Pawat palabas ng CR. Gusto sumama ni PAwat sa loob si Oaujun ang may ayaw. " pagpapaliwanag ni Newwie at natahimik ang lahat. 

"Tul paabot nga yung kutsilyo sa kusina." utos ni God kay Tul na malapit lang sa kusina at upang makasigurong ligtas si Tul ay sinamahan sya ni Joss. 

Pinilit sirain ni God ang lock ng pinto. Sa una ay hirap siya ngunit hindi sila tumigil sa pagsira nito. "Saglit." wika ni Tul. "Lumihis kayo." at lumihis nga ang mga ito at buong lakas ng sinipa ni Tul ang gawing lock ng pintuan dahilan upang mabuksan nila ito. 

Laking gulat ng lahat ng makita nilang nakasubsob ang ulo ni Oaujun sa toilet bowl. NIlapitan ito ni God at pinulsuhan. Umiling si God patunay na si wala na ring buhay ang vlogger na si Oaujun. 

"Saglit." wika ni Joss. "Sino ang bantay sa bangkay ni Singto." tanong ni Joss. "Si Mean di ba andun sya." tugon ni Gulf. "Ngunit heto si Mean." wika ni Krist. Nanlaki ang mga mata ng lahat at dali daling bumalik sa sala at tama nga ang hinala nila wala na ang katawan ni SIngto sa pinaglalagyan nito. 

"Sino ba yung tao na iyon at bakit napakabilis nya?" wika ni Ohm. "Ano na ba talaga ang nangyayari sa bahay na ito." hiyaw ni Tul. Nagulat ang lahat ng sumara ang pintuan ng CR. "Yung katawan ni Oaujun." sigaw ni Newwie at tumakbo sila Tul at Joss pabalik sa cr. Pagbukas nila ng pintuan wala na rin sa CR ang katawan ni Oaujun.

Tumingin sila sa karamihan ang umilingm tanda na nawala na rin ang katawan ni Oaujun.

Bumalik sila Tul at Joss sa lugar kung nasaan sila Gulf, Pawat, Ohm, Newwie, Krist,God at Mean.

"Ano na.. SIno pa ang kukunin mo?" SIgaw ni Tul sa loob ng bahay.

Natahimik ang lahat ng makarinig sila ng isang malakas na pagtawa mula sa itaas ng bahay.

                                   -0-

Codename: REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon