Chapter 12: Unti Unting Pagliwanag

13 1 0
                                    

"Tsaa?" alok ni Ohm kay Gulf na kagigising lang.

"Anong nangyari?" tanong ni Gulf sa kasama. "Nakatulog ka kanina sa sobrang pagod." tugon ni Ohm. "Ano kalmado kanaba?" pagpapatuloy ni Ohm. Humigop si Gulf ng tsaa at sumagot. "Magiging kalmado lang ako kapag alam ko na kung nasaan si Pawat." sabay tingin kay Ohm. "Gulf sa mga oras na ito. Hindi tayo nakakasiguro kung ano ang nangyayari kay Pawat ang magandang gawin na lang natin ay magdasal." tugon ni Ohm na nayuyuko na dahil sa antok. "Mukhang inaantok ka na din. Magpahinga ka muna. Ako na bahala tutal maliwanag pa naman magpahinga ka na." wika ni Gulf sa kasama. "Sigurado ka?" tugon ni Ohm. Tumango si Gulf at nagpahinga na si Ohm.

Sa isang liblib na kwarto na kung titingnan ay tila isang klinika dinala si God. Nakatali ang kanyang katawan sa operating table at biglang bumukas ang pintuan.

"Gising kana pala?" wika ng misteryosong lalaki. "Sino ka? Nasaan ako?" wika ni God. Di katulad ni Joss walang takip sa mata ang doktor. Lumapit sa kanya ang lalaking nakamaskara at tumitig ng matagal.

"Sino ka ba talaga? Ano bang kasalanan namin sayo at bakit mo ito ginagawa?" pagpapatuloy ni God. "Dok. Dok. Ang superhero nung unang araw na sumagip sa buhay ng batang si Pluem." wika ng lalaki. "Bakit kaya si Pluem lang ang niligtas mo?" pagpapatuloy nito. at sabay harap sa doktor. "Paano ko maliligtas yung iba kung patay naman na sila." tugon ng doktor. "Hindi sila ang tinutukoy ko." pagalit na hiyaw ng lalaki. "Hindi mo na talaga sila maliligtas kasi patay na sila hahahahhha." pagpapatuloy nito. "Nababaliw kanaba? Kung ano ano ang pinagsasabi mo?" tugon ni God.

"Hindi ako nababaliw. Binibigyan ko lang nang hustisya ang mga taong pinagkaitan niyong mabuhay." wika ng lalaki. "Ano? Anong pinagsasasabi mo?" tugon ni God. "Naalala mo ba nung may namatay kang pasyente?" wika ng lalaki. "Madami akong namamatay na pasyente." tugon ni God. "At proud ka pa? Buti nga sila kahit namatay alam ng pamilya na ginawa mo lahat para lang mabuhay. Eh yung estudyanteng dinala sayo na nahit and run? Anong ginawa mo?" galit na wika ng lalaki.

"Anong pinagsasabi mo? Marami akong naging pasyente na nahit and run." wika ni GOd. "Alalahanin mo dok. Isipin mong mabuti." Hinawakan ng lalaki ang damit ni God at hindi makahinga ang doktor. "Isipin mo yung batang babae na nahit and run pero di  mo pinansing gamutin kasi may isang estudyante din na mayaman na dumating at ano sinabi mo sa mga nars mo? Linisin muna nali yung na hit and run at uunahin mo yung bagong dating?" pagpapatuloy ng lalaki. 

Napaisip si God. Binitawan naman sya ng killer. "Sige bibigyan kita ng pagkakataon magpaliwanag." tugon ng killer. "Siya ba?" wika ni God. "Naalala mo na?" tugon ng killer. "OO, pero dead on arrival na sya." sagot ni God. "Sinungaling." sigaw ng killer sabay suntok sa mukha ng doktor. "Nakausap ko ang mga nars na nagbantay sa kanya nung oras na yun. Humihinga pa sya. Buhay pa sya . Maagapan pa sya kung inagapan sya pero hindi mas pinili mong gamutin yung  bagong dating na estudyante na hindi naman nag aagaw buhay at iniwan mong nahihirapan yung kapatid ko." sabay suntok sa sikmura ng doktor. "Kapatid mo sya?" tanong ni God. "OO, kaya ipaghihiganti ko sya at ipaparamdam ko sayo ang unti unting sakit at pagkawala ng dugo na naging dahilan ng pagkamatay nya." wika ng killer sabay kuha ng kutsilyo sa lamesa.

"Patawarin mo ako. Hindi ko alam na babawian sya agad ng buhay." sambit ng doctor. "Katangahan yan. Nakita mong naliligo sa dugo yung kapatid ko tapos ipapaubaya mo sa mga nars. Bakit? kasi mayaman yung sumunod na pasyente?" tugon ng killer. "Patawad talaga." sagot ni God. "Huli na ang lahat. NAsa punto na ako ng buhay ko na wala na akong pakialam kung sino ang madamay. basta ipaghihiganti ko ang kapatid." tugon ng killer. Sabay hiwa sa hita ng doktor,

Napasigaw sa sakit ang doktor. Kumuha ng calamansi ang killer at piniga ito sa sugat ng doktor dahilan upang tumimo ang sakit ng sugat. Hindi na nakasigaw ang doktor dahil binusalan ng killer ng panyo ang kanyang bibig.

Lumipat ng pwesto ang killer sabay saksak sa kaliwang hita ng doktor. Kitang kita sa reaksyon ng mukha ng doktor sa ginawang pagsaksak ng killer. Lumipat ang killer sa gawing ulunan ni God at hiniwa ang dibdib nito sabay piga ng kalamansi. Hindi tumigil ang killer sa kanyang ginagawa kahit hirap na hirap na ang doktor sinaksak din ng killer ang magakabilang braso ng doktor. 

Tinanggal ng killer ang panyong nakabusal sa bibig ng doktor dahilan upang makasigaw ng sobrang lakas ang doctor dahil sa sakit, "AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ng doktor. 

"Ano masarap na unti unting namamatay?" tanong ng killer. "Kung papatayin mo ako. Patayin mo na ako. Sa tingin mo ba sa pagpatay mo sa akin matutuwa ang kapatid mo?" tugon ni GOd. "Hindi ba sabi ko sayo wala nang makakapigil sa akin kahit na ang kapatid ko. HAHAHHAH" wika ng killer. 

Kumuha ng upuan ang killer at umupo habang nakatingin sa doktor na hirap na hirap dahil sa mga natamong sugat mula sa kutsilyong ginamit ng killer.

Makalipas ang 10 minuto tumayo ang killer, "Naiinip na ako. Tatapusin na kita haha." wika ng killer. Tiningnan lang sya ng masama ng doctor. "Ang sama mo namang makatingin DOk. hahha" tugon ng killer. Dinuraan lang sya ng doktor. SInuntok naman niya ito " talagang ginagalit mo ako?" wika ng killer. Tumingin muli sa kanya ang doktor.

"Bago ka mamatay hayaan mo munang ipakita ko sayo kung sino ako." tinanggal ng killer ang maskara. "Ikaw?" tugon ni God. Pagkawika noon ay sinaksak ng killer ang lalamunan ng doktor at tuluyan na itong nilagutan ng hininga at umalis na ang killer.

"Sino  ka?" wika ni Ohm sa nakitang taong nakatayo sa gilid ng pool. NGunit hindi kumibo ang misteryosong tao bagkus ay tinulak sya nito sa pool at tumalon din ang lalaki sa pool at pilit syang nilulunod.

"Ahhhhhhhhh!!!! TUlong." wika ni Ohm.

"Ohm!!!!!!!!!!Ohm!!!!!!!!!!!! Gising" inaalog ni Gulf ang natutulog na kasama "nanaginip ka" wika ni Gulf.

At tuluyan ngang nagising si Ohm. "Anong nangyari?" tanong ni Ohm.

"Napaginipan ko nilulunod ako ng isang lalaki." tugon ni OHm. "Nakita mo ang mukha?" tanong ni Gulf. Umiling si Ohm. "Uminom ka muna para maging okay ka." wika ni Gulf. Kinuha ito ni OHm at uminom.

Codename: REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon