Pagkakita ng mga ito na bumukas ang pintuan ay dali dali silang tumakbo pabalik sa nasabing bahay ngunit naiwan sa lugar si Pluem na tila nag iisip at nagtataka kung ano ang nangyayari. Tumatakbo sa kanyang isipan kung aksidente lang ba ang nangyari pagkasira ng tulay, na sila ay nasa isang lugar na sobrang isolated at biglang bumukas ang pintuan na kanina ay nakakandado. Nasa ganoong sitwasyon sya ng siya ay tawagin ng kaibigan si Pawat. "Pluem ano pa hinihintay mo diyan? Tara na." Aya ni Pawat sa kaibigan at dali dali namang sumunod si Pluem sa kanya.
Pagpasok nila sa nasabing bahay ay para namang walang kakaiba dito maayos,malinis at talaga namang pangmayaman ang bahay maliban na lamang na ito ay nasa kalagitnaan ng kagubatan. Nakita ni Newwie na may sulat sa lamesa dali dali nya itong dinampot at nakaakmang babasahin ng binawal sya ni Tul. "Pre baka mamaya hindi para sa atin yan." pigil ni Tul sa kanya. Ngunit pinakita ni Newwie ang nakasulat sa harapan ng sobre at nakalagay para sa mga napiling maging aktor sa pelikulang ito. "Buksan mo na baka mamaya ay may mahalagang nakasulat dyan. " utos ni Ohm.
Binasa ni Newwie ang sulat at ito ang nakalagay.
"Magandang araw, binabati ko kayong 19 na napili sa gagawing pelikulang ito." tiningnan ni Newwie ang mga kasama at nagtaka siya bakit sobra sila ng isa. "19? Bakit tila ata 20 tayo?" usal nito. "Ahh, hindi kasali si Pawat isinama ko lang sya para may mag aayos ng gamit ko." tugon ni Gulf sabay akbay sa kapatid. Tinanggal ni Pawat ang kamay ng kuya sa kanyang balikat at nagwika. "Kung hindi lang sabi ni Mama. Di ako sasama. Sino gustong mag ayos ng gamit mo?" tugon ni Pawat. "Tama na nga yang away na yan. Ituloy mo na pagbabasa." singit ni Mew.
Itinuloy ni Newwie ang pagbabasa.
Nakasaad sa liham
Nakahanda na ang inyong hapunan sa lamesa at ganun din ang inyong mga kwartong tutuluyan. May limang kwarto sa taas at lima sa ibaba bahala na kayo magusap usap kung sino ang magsasama sama.
At nagpartner partner na nga sila.
Magkasama ang magkaibigang Oaujun at Oreo, si Zee at Ohm sa ikalawa, si Perth at Boat sa ikatlo, Si Singto at God sa ikaapat, magkasama naman si Mew at Joss sa panglima, gusto sana makasama ni Gulf ang kapatid ngunit tumanggi ito kaya nagsama si Pluem at Pawat sa ikaanim, nakasama ni Mean si Gulf sa pangpito, si Krist naman at si Fluke sa pangwalo, si Tul at Newwie ang nagsama sa pangsiyam at si Tay at Max sa pangsampu.Itinuloy ni Newwie ang pagbabasa nasa mga kwarto na rin ang mga script ninyo at kung ano ang magiging role niyo sa pelikulang ito. Muli binabati ko kayo at maari na kayong kumain.
-Direktor Red
"Ayun kainan na." sabay sigaw ni Boat na akmang pupunta sa kusina. "Ilagay kaya muna natin ang ating mga gamit sa mga kwarto para maayos na mamaya." sagot ni Singto. Umayon ang lahat. Ang grupo nila Singto-God, Tay-Max, Newwie-Tul,Gulf-Mean at Pluem-Pawat ang umokupa sa itaas na mga kwarto at mga natira ay sa ibaba.
Makalipas ang ilang oras ay kumain na ang mga ito.
Pagkatapos nilang maghapunan ay bigla na lamang nagsuka ng nagsuka si Tul na tila lalabas ang kanyang kinain, dali dali ng pumunta si God sa pwesto ni Tul at nakita niyang sa pagkain nito ay may Hipon , pagkain kung saan may allergy si Tul ang laking pagtataka nila ay kung bakit sa plato lamang ni Tul mayroong hipon at hindi sa kanila. Tila sinadyang ilagay sa plato ni Tul ang pagkain. At dahil may doktor si God at may alam na sa medisina si Gulf at madali nilang nalapatan ng lunas si Tul.
"Okay ka na Pre?" tanong ni Gulf. "Oo, salamat pre, akala ko katapusan ko na kanina." tugon ni Tul. "Sandali bakit sya lang ang may hipon sa pagkain niya?" tanong ni Mean. "Bakit nainggit kapa? Haha." tawang sagot ni Fluke. "Hindi ang pinagtataka ko bakit sa kanya napunta yun kung allergic sya doon. Hindi kaya sinadya?" pagtatanong ni Mean. "Sino sino ba ang nakakaalam na allergic sya sa Hipon.?" tugon ni Oreo. "Ako." nagtaas ng kamay si Newwie. "Ako din saka si God." tugon ni Singto. "Pero siguro naman hindi niyo hahayaang mapasama ang kaibigan niyo diba?" tanong ni Joss. "Malamang bakit namin gagawin yun?" tugon ni Newwie. "May isa pa." tugon ni Tul sabay tingin kay Max. "Hindi ako yun. Siguro hindi maganda ang nakaraan natin pero hindi ko kayang pumatay ng tao." tugon ni Max. "At saka kung papatayin kita noon pa. Ang dami kong pagkakataon na gawin yun."dagdag ni Max. Inalis ni Tul ang tingin sa dating kaibigan. "Pero kung hindi kayong apat sino?"Laking pagtataka ni Perth.Biglang nagsalita si Pluem.
"Saglit may napansin ako." wika ni Pluem
Biglang napakapit si Pawat kay Pluem. "Ano yun? Wag ka naman manakot Pluem." wika ni Pawat na tila takot na takot. "Laki laking tao, duwarog." tugon ni Gulf sabay tawa sa kapatid. "Malaki lang ako pero bata pa rin ako." singhal ni Pawat sa Kuya.At nagpatuloy sa pagsasalita si Pluem, "di kaya naset up tayo?" wika ni Pluem habang nakatitig sa pintuan. "Paanong set up?" sagot ni Singto.
Huminga ng malalim si Pluem at tinuloy ang pagsasalita.
"Una pagdaan namin sa tulay makalipas lamang ang ilang minuto nasira ito. Yung tulay na yun ang tanging daan na magdudugtong sa lugar na ito at sa bayan. Ang pinagtataka ko bakit nung bigla tayo nabuo saka ito nasira." tumayo si Pluem sa upuan. "Baka naman kasi marupok yung tulay." sagot ni Boat. "Hindi sya basta nasira e sumabog sya e. Diba God?" tumingin si Pluem kay God. "Oo kitang kita ko pagsabog." tugon ni God. "Pangalawa, bakit biglang bumukas ang pintuan gayong kanina pa walang tao sa loob. Diba sabi mo Max ikaw ang nauna at walang katao tao kanina?" tingin si Pluem kay Max. "Oo kaya nga ako umupo ng matagal sa harap kasi walang sumasagot e." tugon ni Max. "Ikatlo sabi sa sulat, 19 tayo tama?" tanong ni Pluem kay Newwie. "Oo bakit?" sagot ni Newwie. "Bakit yung upuan at yung plato na may pagkain. 20 piraso na." tanong ni Pluem. "Oo nga alam ba nila na kasama ako?" pagtataka ni Pawat. "Hindi nila alam na kasama ka, dahil kahahanda lang ng pagkain. Kung kanina pa yan nakahanda sana malamig na yan, ngunit ang kinain natin ay mainit pa." pagpapatuloy ni Pluem. Hinigop ni Oaujun ang sabaw. "Oo nga mainit pa ito." wika ni Oaujun. "Tul, ano ang nilagay mo sa medical form mo?" tanong ni Pluem. Tinanong ito ni Pluem dahil lahat sila ay pumirma sa medical form bago magsimula ang lahat. "Nilagay ko na allergic ako sa hipon." tugon ni Tul na tila nagtataka na rin. "So sinadya ang paglalagay sa pagkain ni Tul." pagpapatuloy ni Pluem. "Pero paano nila malalaman na dito uupo si Tul?" tanong ni Fluke at tumugon ang lahat. "Iyon ang hindi ko maintindihan paanong nasakto sa uupuan ni Tul ang platong may laman na hipon." pagpapatuloy ni Pluem. "Isa pa, pinagtataka ko bakit sa laki ng bahay na ito dalawa lang ang pintuan isa harap at yung isang maliit na pinto sa likod na papunta sa bodega kung saan nakalagay ang generator." patuloy nk Pluem. "Alam mo bata ang dami mo naiisip, ganyan na ba talaga mga bata ngayon. Magagaling gumawa ng kwento." tugon ni Zee na tila naiirita sa nangyayari kung kaya't inaya na nya si Ohm papunta na kanilang silid sumunod naman si Boat sa mga kaibigan.
Sa loob ng silid, "Alam niyo nakakairita yung bata na yun kung ano ano pumapasok sa isipan lahat ginawan ng kwento." wika ni Zee na kitang kita ang pagkainis kay Pluem. "Oo nga at paniwalang paniwala naman ang mga mokong." sagot ni Ohm. At nagtawanan ang tatlo.
Sa kusina ay patuloy sa pagkkwento si Pluem. Isa pa yung mga bintana. Hindi na natapos ni Pluem ang pagkkwento ng biglang tumayo si Oreo at nagwika ng.
"Pluem itulog mo na lang yan, baka pagod lang yan." at tumayo si Oreo sa kinauupuan. Sumang ayon ang lahat at nagsipunta sa kanilang mga silid. Naiwan si Pluem at Pawat sa kusina. "Pawat pati ba ikaw hindi naniniwala?" tanong ni Pluem sa kaibigan. "Tara tulog na tayo mahaba pa ang gabi." tumayo na rin si Pawat sa kinauupuan. "Sige sunod ako, ligpitin ko lang itong mga ito." tugon ni Pluem habang inaayos ang pinagkainan. "Sige sunod ka pagkayari mo." tugon ni Pawat.Lumipas ang isang oras ngunit hindi pa rin sumusunod si Pluem kung kaya't binalikan nya ang kaibigan sa kusina. Hinanap nya ang kaibigan ngunit hindi niya ito makita sa lababo. Naglakad pa si Pawat sa may gawi ng refrigerator at napatid sya ng kung anong bagay.
Pagtingin nya sa lugar kung saan sya napatid ay napasigaw si ng malakas.
"Pleuuummmmmmmmmmmmmm!!!!!
-0-0-0-0-0-0-
BINABASA MO ANG
Codename: RED
Misteri / ThrillerIto ay istorya ng 20 kabataan na may iba't ibang kagustuhan at pinanggalingan na nagnanais makilala bilang mga artista ngunit ang pangarap palang ito ang maghahatid sa kanila sa bingit ng kamatayan at sa hindi malamang dahilan isa isa silang binabaw...