Chapter 6 : Walang Katapusang Katapusan

15 2 0
                                    

Dahil hindi kasama ang kaibigang si Zee pabalik ng bahay ay halos buuin ng sigaw ni Boat ang buong kabahayan na naging dahilan upang magising ang mga natutulog sa ibabang parte ng bahay.

"Ano ba yan gabing gabi na nagsisigawan pa kayo." tanong ni Oaujun sa dalawa habang nagpupungas ng mata dahil nagising sa pagsigaw ni Boat. Halos magkakasabay sila Oreo, Oaujun, Mew, Joss, Krist at Perth na lumabas sa kani kanilang mga silid. "Oh akala ko ba aalis na kayo?" tanong ni Perth sa mga kaibigan. Nagtatakang tumingin ang iba kay Perth. "Aalis sino aalis?" tanong ni Mew. "Sila inaaya nga nila ako kanina hindi lang ako sumama." tugon ni Perth. "bakit ka nga pala kayo nabalik." pagpapatuloy ni Perth. "at tila nakakita kayo ng multo. Si Zee nasaan?" dagdag ni Perth. Tumingin sa kanila si Ohm na umiiyak. "Oi himala mukhang umiiyak ka ata." pang iinsulto ni Joss. "Perth." nilapitan ni Ohm si Perth. "Si Zee." pagpaptuloy ni Ohm. "Anong si Zee?" tanong ni Perth. "Naiwan sa labas." dagdag ni Ohm. "Naiwan lang pala sa labas bakit ka umiiyak pwede naman siguro papasukin." tugon ni Krist at akmang pupunta sa pintuan ng kusina na kanina pa hawak hawak ni Boat. "Huwag." pigil ni Boat kay Krist. "Pero bakit akala ko ba nasa labas yung magaling niyong kaibigan." tanong ni Krist. Huminga ng malalim si Boat. "Nakita namin." usal nito. "Sino nakita niyo?" tanong ni Oaujun. "Nakita namin yung pumapatay." sagot ni Boat. "kaya hindi namin mabuksan baka makapasok sya dito." pagpapatuloy nito. "paano si Zee?" takot na tanong ni Perth. "Buong akala namin kasama namin sya, pero pagadating namin dito kami lang ni Boat ang nandito." tugon ni Ohm. "Ibig sabihin iniwan niyo si Zee doon?" galit na tanong ni Perth. "Hindi namin sinasadya. Natakot din kami." tugon ni Ohm. "Kung nakita niyo na yung pumapatay, ano itsura. Nakilala niyo ba?" tanong ni Oreo. "hindi. Nakatakip yung mukha nya, pero matangkad sya, mas matangkad pa sya kay Zee." wika ni Boat. "Ngunit si Zee na ang pinakamatangkad sa atin ibig sabihin wala sa atina ng pumapatay." tugon ni Oreo. "Krist at Oreo, pakitawag ang lahat." utos ni Mew sa dalawa. Sumunod an ang dalawa at tinawag ang mga natutulog sa itaas.

"Ano na naman ba gabing gabi na?" wika ni Max. "Guys, may isa na naman na nadali sa atin." wika ni Mew. "Huh?" laking gulat ng lahat. "Sino?" tanong ni Newwie. "Si Zee." tugon ni Mew. "Ah kaya pala wala si Mokong." tugon ni Max. at tumingin ang lahat sa kanya. "Pasensya nabbwisit talaga ko sa moking na yun." pagpapatuloy ni Max. "Naiintindihan ka namin pero sa ngayon isantabi muna natin ang pagkakawatak watak magkaisa muna tayo." tugon ni Mew. "sabihin mo yan sa magkakaibigan na yan." wika ni Tul sabay turo kila Ohm. "Stop it na. Magsimula tayo ng panibago." sabad ni Joss. "Sa ngayon di pa tayo sigurado kung patay na talaga si Zee kasi di pa natin nakikita ang katawan nya, hintayin natin baka mamaya nakatakbo sya sa pumapatay at makabalik dito." wika ni Mew. "Sa ngayon magsama sama muna tayo sa iisang lugar upang ligtas tayo lahat. Dito muna tayo lahat sa sala." pagpapaliwanag ni Mew.

Natapos ang buong magdamag at wala talagang Zee na dumadating. "Ohm, Boat,Perth matulog na kayo." wika ni God. "Baka dumating si Zee. Sino magbubukas." tugon ni Ohm. "Kung buhay man si Zee malamang nandito na sya kanina o baka naman nakahanap sya ng daan paalis dito. Matulog na kayo masyado na kayong pagod." tugon ni God at napilit nga nya ang tatlo na magpahinga na. 

Kinaumagahan ng matiyak ni Perth na ligtas ang paligid ay lumabas siya ng bahay at sa di kalayuan ay may nakita syang kakaibang bahay na tila nakatali sa isang puno. GInising nya ang lahat upang puntahan ito.

Pagdating nila sa puno kung saan may nakataling tela ay nakita nila si Zee na punong puno ng buhangin ang mukha at tila sinakal gamit ang tela at itinali sa puno.

"Zeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee." sigaw ni Ohm.

Mabilis na tinanggal ni Perth at Boat ang tela at bumagsak sa katawan ni Ohm ang malamig na bangkay ni Zee.

"Ano ba talagang misteryo ang nangyayari sa lugar na ito. Tila pinaglalaruan talaga tayo. Ilang buhay pa ba ang kukunin nya para lang matigil sya." galit na wika ni Singto. "Mukha atang kailangan na talaga nating umalis dito." sabad ni Tay. "Ngunit papaano nga sira ang tulay." sagot ni Gulf. 

Habang nag uusap ang mga ito, nakapansin si Oreo ng mga bakas ng paa sa lupa. "Saglit may mga bakas ng paa dito. Dalawang pares yung isa kay Zee." wika ni Oreo. "Yung isa kanino?" tanong nya sa mga kasamahan. Dali daling pinuntahan ng mga ito ang mga bakas. "Sigurado makikilala natin ang pumatay sa pamamagitan nito. Hindi ako nagbibintang pero isa isa tayong isukat ang mga paa natin dito para makasigurado." utos ni Newwie. Ngunit natapos ang kahuli hulihang nagsukat na si Pawat ay walang tumugma ni isa sa kanila sa bakas na nasa lupa. "isa lang ang masasabi ko, wala talaga sa atin ang kriminal.Andito sya sa paligid ligid." wika ni Mew.

At pumasok na ang lahat sa loob ng bahay. Ibinaon na nilang tuluyan ang bangkay ni Zee upang hindi ito matulad sa bangkay ni Pluem at Fluke na bigla na lang nawala.

Habang nag uusap ang lahat sa loob ng bahay, ay bigla silang nakarinig ng tila bakal na kumalabit. "Guys sino  naglock ng pintuan sa kusina. Bakit ayaw mabuksan?" tanong ni Tay na galing sa kusina at kumuha ng tubig. "Paanong ayaw mabuksan?" tumakbo si Max papuntang pintuan. "Totoo nga may naglock mula sa labas." wika ni Max. "Tingnan niyo ang main door." utos ni God at dahil si Pawat ang nasa malapit dito tumayo siya at binuksan ang pinto. "Ayaw na din mabuksan." tugon ni Pawat. "Ang mga bintana buksan" wika ni Gulf. "Wala tayong magagawa sa bintana di niyo ba napansin sobrang sinsin ng mga bakal at kahit basagin niyo ang mga salamin di rin tayo makakalabas." wika ni Tul. "Oo nga, mukha ngang naset up tayo." wika ni Mean.

"Guys may nakakakita ba kay Oreo?" wika ni Oaujun. " Andiyan lang sya kanina ah." tugon ni Singto. "Hindi ba sabi nya iidlip lang sya saglit." wika ni God. "Saglit puntahan ko sa kwarto." tumakbo si Oaujun sa kwarto. "Wala sya dito." takot na sabi ni Oaujun. "Huh?" tugon ng lahat.

*Ito ang salaysay sa pagkawala ni Oreo*

"Guys idlip lang ako" - wika ni Oreo habang pupungas pungas ng mata tanging si God lamang ang nakarininig nito. Nagtungo si Oreo sa kwarto nila ni Oaujun ito ang pinakadulong kwarto sa ibaba na halos natatakpan ng hagdan paakyat. Bago makarating sa kanilang kwarto ay may isang pintuan na makikita. Naintriga si Oreo sa kwartong ito kaya siya pumasok. Pagpasok niya ang pulang pula ang buong kwarto at may may mga litrato nilang lahat sa pader ang pagtataka niya bakit nandoon ang litrato nilang lahat. Nakita rin niya na may ekis na ang mga litrato nila Pluem, Fluke at Zee tanda na ang mga ito ay patay na. Pinagtatakhan ni Oreo bakit 19 lamang ang litrato at iniisip nya kung sino wala ng biglang "Ano ginagawa mo dito?" pamilyar ang boses ang narinig ni Oreo. Pagharap niya pamilyar na mukha ang nakita nya "Ikaw?" usal ni Oreo ngunit hindi na siya nakapagsalita ng tuluyan dahil binusalan na ni Red ng panyo ang bibig ni Oreo at pinaamoy ang panyong may amonya dahilan upang mawalan ito ng malay.

*Balik sa paghahanap kay Oreo*

"Huwag niyong sabihin si Oreo naman ang sinunod." umiiyak na tugon ni Oaujun. "Halughugin niyo ang buong bahay baka kung saan lang natulog si Oreo." wika ni Mew. Ang lahat ay mabilis na tumayo at hinanap si Oreo sa buong bahay at biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sinilip ni Pawat ang ulan at biglang sumigaw.

"Si Oreooooooooooooooooo" Sumigaw si Pawat na naging dahilan na ang lahat ang magpunta sa pwesto nya.

                                                                                             -0-

Codename: REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon