Chapter 11: Mga Tanong na di Masagot

10 2 0
                                    

"Teka tila may mga dugo na umaagos mula doon sa cabinet. " Wika ni Mean sa mga kasama.

"Tul." sigaw ni Newwie at dali daling tumungo sa cabinet na nasa kusina at laking gulat ni Newwie ng bumagsak ang katawan ng kaibigan mula sa cabinet na iyon at naliligo sa sariling dugo. "Tuulllllllllllllllllllllllllllllllllllll!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" hinagpis ni Newwie habang kalong kalong ang katawan kaibigan.

"Saglit sino naiwan sa katawan ni Krist?" tanong ni God. Nang tingnan nya ay nandoon sila lahat sa kusina at biglang may narinig sila na pagsarado ng pinto. Dali dali silang bumalik sa cr maliban kay Newwie at Mean na nililinis ang katawan ni Tul. 

"Buksan mo ito. Kung sino ka man. Ano ba ginawa namin sayo para gawin mo sa amin ang lahat ng ito?" hiyaw ni God. Laking gulat nila ng makarinig sila ng malakas na tawa mula sa loob ng banyo. "Sino ka ba?" pagpupumilit ni God. Nang tuluyan nilang mabuksan ang pintuan ay wala na bangkay ni Krist pati ang taong tumawa ngunit may nakita si Pawat sa lapag ng banyo.

"Ano ito?" pinulot ni Pawat ang maliit na papel na basa na ng tubig. Kinuha ito ng kanyang kuya at pilit na binasa. "Mahirap intindihin basa na ang papel." Wika ni Gulf. "Ngunit may mga naiwang salita na mababasa pa naman." Pagpapatuloy nito. "Ano?" tanong ni Ohm. "P.... sa ..o ito, kap.... ko.. Yan lang ang nakita ko." tugon ni GUlf kinuha ito ni Joss at nagwika "totoo nga yun lang ang nakalagay." tugon nito.

Mula sa banyo ay nakarinig ang mga ito ng dalawang malakas na putok ng baril. "Newwie, Mean." hiyaw ni Joss. Tumakbo ang mga ito pabalik sa kusina at nakita nila si Newwie na gumagapang palabas sa kusina. "Newwie bakit?" tanong ni God. "Si...Si.... Mean .... may bumaril kay Mean."sagot ni Newwie na takot na takot habang nakadapa. Inalalayan sya ng magkapatid na Gulf at Pawat upang maitayo. Akmang papasok si Ohm sa kusina ngunit pinigilan sya nila God at Joss. "Saglit Ohm, wag muna delikado ang gagawin mo baka mamaya ay nadyan pa sya sa labas ng kusina. Dito muna tayo sa sala." wika ni Joss at bumalik nga sila sala at pilit pinapakalma si Newwie.

Makalipas ang ilang minuto ay sumara ang pintuan sa kusina. Nagulat ang lahat ngunit wika ni Joss. "Huwag na huli na tayo wala na rin ang katawan ni Tul at Mean diyan. Uubusin lang natin ang lakas natin." pigil ni Joss sa mga kasama na akmang tatayo sa pagkakaupo at hindi na nga nila tinuloy ang kanilang balak.

Dumating na naman ang pinakinatatakutan nilang sandali ng araw, maggagabi na naman at siguradong isa o dalawa na naman sa kanila ang malalagay sa bingit ng kamatayan.

"Ano ba talaga ang gusto nung tao na yun? Anim na lang tayo dito talaga bang uubusin niya tayo?" wika ni God. "Ano ba ang koneksyon natin sa bawat isa at tila galit na galit sa atin ang killer?" tugon ni Joss. " Hindi kaya psychotic sya kaya nya nagagawa ito at nagkataon lang na tayo ang nagkasama sama. Walang matinong tao ang papatay ng 15 tao sa loob lamang ng ilang araw wika ni Ohm. "Sa tingin ko may mas malalim na dahilan." usal ni Pawat. "Paano mo naman nasabi yun Pawat?" tugon ni Newwie. Si Newwie ang guro ni Pawat sa paaralan. "Sir, nakita ko kagabi yung killer habang nagbabantay kami ni Kuya. Nakatingin sya mula sa labas ng kusina at mula sa pagkakakita ko sa kanyang kamao ay may galit sa kanyang puso. Base sa pagkakaikom ng mga kamay nya." tugon ni Pawat. "Nakita mo na pala kagabi bakit di mo sinabi?" inis na tanong ni Joss. "Kung sinabi ko ba may magagawa tayo? Wala din naman." tugon ni Pawat. Di na nakakibo si Joss dahil sa tingin nya ay tama ang katwiran ni Pawat. "Tama na wag na tayo magkagulo." pagpapahinahon ni Newwie sa kanila.

Pinilit ng anim na wag matulog upang magbantayan sila. Ngunit biglang may nahulog na bagay na may laman na usok ng pampapatulog mula sa ikalawang palapag.

Nagising si Gulf at Ohm na sila na lamang ang nasa sala wala na si God, Joss, Pawat at Newwie.

"Pawat? Pawat? Nasaan ka Pawat?" Hiyaw ni Gulf habang umiiyak dahil kapatid na niya ang nawawala. Sa isip niya siguradong masasaktan ang kanyang mama kapag wala syang ginawa. "Gulf tama na, wala na tayo magagawa." pagpapakalma ni Ohm sa kanya. "Ohm, kapatid ko yun, kapatid ko yung nawawala. Kailangan mahanap ko sya. Hindi kakayanin ni Mama na mamatay sya. Pawatttttttttttttttttt!!!!!!!!!!" pagpapatuloy ni Gulf sa sobrang hinagpis ay napaupo na lamang ito sa sahig. Hindi na kumibo si Ohm pero patuloy sya sa pagpapakalma kay Gulf.

"Sino ka ba? Bakit mo ito ginagawa?" sigaw ni Joss. Si Joss ay nasa isang kwarto sa labas ng bahay nakapiring ang mata at nakatali ang mga kamay sa isang poste. "Alam mo Joss sayang ka. Sisikat ka pa naman sana bilang artista kaso wala kang loyalty sa management mo para kang yung bestfriend mong si Mew. Nakahanap lang kayo ng may magandang offer sa inyo iniwan niyo na ang dati nyong management." tugon ng misteryosong lalaki. "Bakit alam mo yun? Sino ka ba talaga?" tugon ni Joss. "Joss ang hina mo din pala. Leader leaderan ka dito sa loob pero di mo pa rin kilala kung sino ako? hahahahah." tugon ng killer. "Gusto mo ba talaga akong makilala?" tugon ng killer. "OO. Sino kang animal ka?" galit na tugon ni Joss. "Aray ang sakit naman ng sinabi mo Joss. Animal talaga ako? Kung ako animal ikaw din naman isa kang baboy. Ginagamit mo ang maganda mong katawan upang makapangloko ng iba diba? HIndi na yun ang gawain ng animal?" tugon ng killer. "Hindi ko na kasalanan kung mahulog sila sa akin." tugon ni Joss. "Ah talaga lang? Tutal yan ang pinagmamalaki mo pwes eto sayo" idinikit ng killer ang isang live wire sa hubad na katawan ni Joss na basang basa ng pawis na nakadagdag pa upang mas tumindi ang boltahe. Umalingawngaw ang sigaw ni Joss ngunit dahil may kalayuan ito sa mismong bahay ay walang nakarinig sa kanya. Tinanggal na killer ang pagkakadikit ng kuryente. "Ano Joss kaya mo pa?" tanong ng killer. "Sino ka bant talagang animal ka?" pagod na sagot ni Joss. "Sige magpapakilala na ako sayo tutal sa pangalawang pagkakataon na ididikit ko sa iyo itong wire ay sisiguraduhin kong katapusan mo na." at tinanggal ng killer ang pagkakapiring ni Joss pati ang kanyang maskara. "Ikaw?" hindi na natapos ni Joss ang kanyang sasabihin ng muling idikit ng killer ang kuryente sa katawan niya ngayon ay may mas mataas na boltahe. "AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" sigaw ni Joss. 

At makalipas ang ilang saglit ay binawian na ng buhay si Joss


                                                        - 0 -

Codename: REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon