CHAPTER 5: WALANG KAWALA

12 2 0
                                    

Dali daling nagsitakbuhan ang lahat patungo sa kwarto at nakita nga nila ang pagtangis ni Singto habang hawak hawak ang bangkay ni Fluke. "Ano nangyari?" wika ni Tay. "Patay na si Fluke." tuloy sa paghikbi si Singto. "Ha Paano?" tugon doktor na si God. "Hindi kaya binangungot si Fluke?" wika ni Max. Nagtulong si God at Gulf upang suriin ang katawan ni Fluke. "Hindi sya binangungot." wika ni God. Tumayo si Gulf at luminga linga. "Hindi sya binangungot. Pinatay sya." tugon ni Gulf. "Singto, yung unan na ito kanina pa ba yan o nahulog lang din?" tanong ni God. Nag isip si Singto. "Pagpasok ko andiyan na iyan. Inisip ko baka nahulog lang iyan kasi malikot talaga matulog itong si Fluke." tugon ni Singto. "Ito ang ginamit sa pagpatay." wika ni Gulf at kinuha ang unan. "Sandali." hinablot ni God ang unan at akma itatakip sa mukha ni Fluke. Pinigilan sya ni Singto. "Anong gagawin mo?' hawak hawak ni Singto ang kamay ni God. "May marka ng mukha sa unan, titingnan ko kung sukat ito ng mukha ni Fluke." at ipinatong ni God ang unan. "Ito nga ang ginamit para patayin si Fluke." tugon ni God.

"Kahapon si Pluem, ngayon si Fluke. Bakit nangyayari ito? Anong meron sa bahay na ito?'' wika ni Newwie. "Nagtataka rin ako anong nangyayari." wika ni God. "Krist di ba ikaw ang kasama ni Fluke sa kwartong ito?" tanong ni Zee. "Oo." tugon ni Krist. "Bakit di mo namalayan na patay na pala ang katabi mo o baka naman ikaw ang pumatay?" pagtatanong ni Zee. "Mawalang galang na Zee. Sa lahat ng nandito ako ang walang kakilala, ako ang walang nakaraang pakikisama sa bawat isa rito. Ano ang magiging dahilan upang patayin si Fluke?"  pagdepensa ni Krist sa sarili. "Hindi ba si Fluke at si Pluem ang gaganap na bida sa pelikulang ito." tugon ni Joss. "Hindi kaya may kinalaman ito sa nagnanais na maging bida at ikaw yun Max. DIba mas gusto mo maging bida kaysa role mo ngayon na kontrabida." tugon ni Ohm. "Mag iingat ka sa sinasabi mo Ohm wala kang ebidensya." pagtatanggol ni Max sa sarili. "Hindi ba ang unang muntik ng mapahamak ay si Tul dahil sa hipon at alam mo allergic ka sa hipon. Si Pluem na nagtanong sayo kung may iba bang tao nung una kang dumating dito ang sumunod at saka ikaw nga pala ang unang dumating baka naman nagawa mo na lahat ng plano mo bago pa kami dumating." pilit na pinapaamin ni Ohm si Max. Biglang tinulak ni Max si Ohm dahilan upang bumagsak ito sa kinatatayuan nito. "Magsalita ka pa baka ikaw ang sumunod kay Fluke." galit na bigkas ni Max. "Saglit" kumibo si Tay. "Malayong si Max ang pumatay dahil gising pa ako ay tulog na sya at ako rin ang naunang nagising sa kanya." pagtatanggol ni Tay sa kasama sa kwarto. "Kung hindi si Max, ikaw siguro talaga Krist kasi paano makakapasok sa kwarto niyo ang papatay kung naglolock kayo." sambit Boat. "Hindi ko nga magagawa iyon, nagtataka rin ako bakit sya nakapasok sa kwarto. Ako mismo ang naglock nito." tugon ni Krist na tila naiipit sa nangyari. "Alam niyo walang mangyayari kung magtuturuan tayo dito." sambit ni Mew. "Ang mas maganda lahat ng pinaghihinalaan dalhin muna natin sa iisang kwarto at kung may mangyari pang kakaiba ibig sabihin hindi sila ang suspek, tama ba ako?" pagpapatuloy ni Mew. "Sa akin okay lang para mapatunayan ko na wala akong ginagawang masama." tugon ni Max. "ako din kung iyan ang makakapaglinis ng pangalan ko sige ba." tugon ni Krist. 

Iniwan ng lahat si Krist at Max sa nasabing kwarto at nilock nila ito. Nilipat naman nila ang bangkay ni Fluke sa kabilang kwarto.

"Grabe sila manghusga akala mo kung sinong mga malilinis." inis na wika ni Krist. "hayaan mo na lahat tayo naguguluhan sa nangyayari. Kung ito ang tanging paraan para mawala ang hinala nila sa atin sumunod na lang tayo." tugon ni Max. "Sabagay mas ligtas pa tayo dito." tugon ni Krist at hinintay nga ng dalawa na palabasin sila ng mga kasama.

Sa kusina, "bakit kaya nangyayari lahat ng ito?" wika ni Newwie. "Ano bang galit sa atin nung taong yun?" pagpapatuloy nya. "Mamaya na yan nagugutom na ako kumain na tayo." wika ni Boat. Akmang kakain si Boat. "Saglit hindi ba si Krist ang may luto nito, kung sya nga ang pumapatay baka mamaya may lason ito." pigil ni Zee kay Boat. "Oo nga, magluluto na lang uli ako para sa lahat.Itapon niyo na lahat yan" wika ni Boat at itinapon nga ng lahat ang pagkain. Makalipas silang makakain ng agahan ay nagpunta ang mga ito sa sala. Si Joss at Mew ay kumuha ng upuan at pumwesto sa pintuan kung saan naroon sila Krist at Max. "Sa tingin mo tama ang ginagawa natin sa kanila? Hindi pa naman tayo sigurado na sila ang pumapatay pero jinudge agad natin sila." wika ni Joss sa kaibigan. "Pag iingat na lang ito at para malinis din pangalan nilang dalawa kung hindi man sila." tugon ni Mew. "Teka kuhanan ko muna sila ng pagkain. Hindi pa nga pala sila nag uumagahan."wika ni Joss at tumungo ito sa kusina. 

Pagbalik ni Joss at akmang bubuksan ang pinto ay biglang nagsalita si Zee. "Anong gagawin mo?" pasigaw na wika ni Zee. "Bibigyan ko lang ng pagkain yung dalawa. Kawawa naman sila di pa sila kumakain." tugon ni Joss. "Paano kung tumakas sila diyan at patayin tayong lahat." pagpapatuloy ni Zee. "Hindi naman siguro Zee, hindi nga sila umalma nung sinabi nating ikukulong sila e. Ibig sabihin hindi sila guilty." tugon ni Joss. "At naniwala ka naman sa paawa nila?" sabad ni Ohm. "Maniwala o hindi, hindi pa rin tama na magjudge tayo agad agad ng kapwa natin ng walang konkretong ebidensya at saka iaabot ko lang itong pagkain nila lalabas agad ako." wika ni Joss at tuluyang pumasok sa kwarto. Ang lahat ay alerto sa kung ano ang maaaring mangyari. "Mew sundan mo yung kaibigan mong baliw." wika ni Zee. Tumingin ng masama si Mew kay Zee at pumasok sa kwarto. Dali daling tumakbo si Zee papunta sa pintuan ng kwarto at isinara ito. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Tul. "Nag iingat lang kung may mamatay man bahala na yung magkaibigan na yun." wika ni Zee habang pabalik sa upuan. "Napakaselfish mo pala talaga." singhal ni Oreo sa kanya. Hindi ito pinansin ni Zee at umayos ng upo sa tabi ni Ohm.

Laking gulat ng magkaibigan ng biglang sumara ang pinto at ng pihitin ito ni Mew ay ayaw na nitong bumukas. "Nilock nila tayo dito." wika ni Mew sa kaibigan. "Mukhang alam ko kung sino yun." tugon ni Joss. "Sino pa ba edi si Zee." tugon ni Mew. "Mga selfish talaga." pagpapatuloy nito. "Anong ginagawa niyo dito. Hindi ba kayo natatakot?" wika ni Max sa dalawa. "Bakit naman? May dapat ba kaming ikatakot?" tugon ni Joss. "Hindi ba at kami ang pinaghihinalaan niyo at ikaw Mew ang nagsabi na ilock kami dito." sabad ni Krist. "Pasensiya na mga Bro, naguguluhan lang ako kanina. Ngayon mukhang iisa na tayo ng kapalaran." tugon ni Mew. "Heto kumain muna kayo ng agahan." Inabot ni Joss ang pagkain sa dalawa. Nagpasalamat ang dalawa sa magkaibigan. Habang kumakain sila ay nakarinig sila ng malakas na sigaw mula sa labas.

"Nawawala ang bangkay ni Fluke." sigaw ni Newwie. "Ano?" tugon ng lahat.Dali dali silang tumakbo papasok ng kwarto at nawawala nga ang katawan ni Fluke sa higaan at nakita nila na bukas ang bintana habang sinasayaw ng hangin ang mga kurtina. Tumakbo si Perth patungo sa bintana. "Dito siguro dinaan ang katawan ni Fluke." wika niya. "Ibig sabihin mali tayo hindi sila Krist at Max ang salarin ngunit ibang tao." tugon ni Tul. Tumakbo ang mga ito maliban sa magkakaibigan na Zee, Ohm at Boat patungo sa kabilang kwarto upang buksan ito at humingi ng tawad sa dalawa.

"Ano napatunayan niyo na na hindi kami?" wika ni Max sabay tingin kila Zee. Tiningnan din sya ni Zee. "Ano? Ano pa sasabihin mo?" wika ni Max habang papalapit kay Ohm. Tumingin ng masama sa kanya si Ohm.

Umabot ang gabi, nag uusap ang magkakaibigang Zee, Ohm at Boat. "Umalis na tayo, ayokong sumunod." wika ni Zee. "Oo nga pero paano tayo aalis dito? Putol na ang tulay." tugon ni Ohm. "Siguro naman may ibang daan sa loob ng kagubatan. " wika ni Zee. "Boat puntahan mo si Perth tanungin mo kung gustong sumama." utos ni Zee kay Boat. 

Pinuntahan ni Boat si Perth na naghihilamos ng mukha sa kusina. "Perth maghanda ka, aalis tayo mamayang gabi sabi nila Zee." wika ni Boat kay Perth. "Pero paano sila?" tugon ni Perth. "Huwag mo na silang isipin. Mas mahalaga yung buhay mo. Ano sama kaba?" tanong ni Boat kay Perth. "Pag iisipan ko." wika ni Perth at bumalik na sa kwarto nila ni Boat.

Alas diyes ng gabi, nakahanda nang umalis ng bahay ang magkakaibigan. "Si Perth?" tanong ni Ohm. "Mukhang walang balak." tugon ni Boat. "Hayaan na nga natin yun. Bahala sya sa buhay nya." wika ni Zee. "Pero kaibigan natin sya." wika ni Ohm. "Sa ganitong pagkakataon walang kaibi-kaibigan. Mas mahalaga mailigtas natin ang buhay natin." tugon ni Zee. Labag man sa loob ni Ohm at Boat ay sumang ayon sila kay Zee na iwan na si Perth sa bahay na iyon.

Nakarating ang tatlo sa medyo madilim na parte ng kagunatan di malayo sa bahay. Nang may mapansin sila na parang may sumusunod sa kanila. "Perth magpakita kana, alam namin ikaw yan." wika ni Zee. Ngunit walang Perth na lumalabas. Nagpatuloy ang mga ito sa paglalakad ng biglang may isang taong nakapula ang lumabas sa kanilang harapan, matangkad, ang katawan ay katamtaman ngunit hindi nakikita ang mukha dahil sa maskarang kulay pula na nakatakip dito at ito ay may hawak na itak. "Sino ka?" matapang na tanong ni Zee. Ngunit hindi ito kumibo bagkus ay dahan dahan lumakad palapit sa kanila. Sa kanilang pagkatakot ay tumakbo sila pabalik sa loob ng bahay.

Hingal na hingal ang mga ito ng makabalik sa loob ng bahay. "Muntik na iyon." wika ni Ohm. "Oo nga" tugon ni Boat. "Okay kay lang ba Boat?" tanong ni Ohm sa kaibigan. "Oo ikaw Zee?" wika ni Boat ngunit ang pagtataka nila ay walang Zee na kumikibo. Umayos sila ng pagkakatayo at wala nga si Zee sa paligid. "Naiwan si Zee?" kabadong wika ni Ohm.

"Zeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!" sigaw ni Boat sa labas ng bahay.

                                                    -0-

Codename: REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon